Chapter 9:
Year 2090
SOMEONE
"Are you ready?" Tanong ni Professor Willlow sa akin habang papasok sa isang malaking Time capsule.
"Yes, Professor." Sagot ko.
"Sa tingin ko magiging successful ang pag-travel mo sa past. 'Wag mong kakalimutan na dapat mong hanapin si Yureka. Kailangan kasama mo siya sa pagbalik mo." Tumango ako bilang pag-sang-ayon.
Isinara na ni Professor Willow ang Time Capsule at isinet na ito sa oras kung saan naglakbay si Yureka.
Date Set: Year 1992
Nakita ko ang pag-ilaw ng isang pabilog na button sa loob ng time capsule at sa ilang saglit pa ay nakita ko ang aking katawan na unti-unting naglalaho.
YUREKA
Gaya ng plano namin ni Vince ay tumigil na kami sa pagta-trabaho. Lahat ng pera niya sa bangko ay inilabas na niya para gamitin namin sa paglalakbay sa iba't ibang lugar upang magbakasaling may maalala siya at kasabay no'n ay ang paggawa namin ng mga unforgettable moments habang may oras pa kaming dalawa dahil sigurado ako, hindi na namin magagawa ang mga ito kapag dumating na ang araw nang pagbukas ng portal.
Bumili si Vince ng tricycle ng sa gayon ay mapabilis ang aming pagpunta sa iba't ibang lugar.
Nang una akong makasakay sa tricycle ay tuwang-tuwa ako dahil sa tuwing dumadaan kami sa rough road ay lumulundag-lundag 'yong sasakyan. Sa future kasi, wala ka nang makikitang bato sa daan dahil ang mga daan doon ay puro sementado at wala 'ding trapik dahil mayroon na ring daan sa ere. Ang galing 'di ba? Gumawa kasi sila ng isang malaking transparent tube at doon dumadaan ang mga sasakyan.
Sobrang high-tech na nga sa future ngunit ang nakakalungkot lang, halos wala ng puno. Maging nga bundok ay wala na rin dahil napalitan na ito ng mga matataas na building. Gaya nga ng sabi ko simula't sapul ay parang ang boring nang mamuhay sa future. Kaya nga hangga't andito pa ako sa panahon kung saan may sariwang hangin pa, susulitin ko na ito.
"Tara na?" Aya sa akin ni Vince matapos siyang makapag-bihis.
Lumapit ako sa kaniya at saka hinawakan ang kamay niya. "Ikaw handa ka na?"
"Oo naman. Matagal na nga akong naghihintay para makaalala ako, eh. Sana nga sa paglalakbay natin ,eh kahit papano may sumagi sa utak ko."
"I hope so." Saka kami lumabas at sumakay sa tricycle na kabibili niya.
Nasa loob ako ng sidecar habang si Vince naman ay ang nagmamaneho. Habang nasa biyahe kami ay pinagmamasdan ko ang bawat lugar na aming nadadaanan. Mga iba't ibang anyo ng lupa, iba't ibang tanawin, iba't ibang tao.
Madalas kong makita sa subject na history namin ang mga larawan ng nakaraan. Tuwang-tuwa ako sa tuwing makakakita ako ng mga larawan sa nakaraan kaya nga mas lalo akong natuwa nang malaman kong isa ang Daddy ko sa nag-iimbento ng Phenomenon Time Travel.
Masarap pala sa pakiramdam na makita mo 'yong mga bata na masayang naglalaro ng mga larong kalsada tulad ng patintero, piko at minsan pa nga ay nakakita 'ko ng suntukan na ikinatuwa ko pa. Samantalang sa future kasi puro gadget na ang hawak ng mga tao. Mga virtual games na ang patok na ikinatutuwa ng karamihan pero para sa akin ay may pagka-boring talaga.
Kung pwede nga lang ay dito na ko manirahan sa past pero kahit naman manirahan ako dito ay mamamatay pa rin ako at pagnamatay ako ay siguradong babalik pa rin ako sa future.
BINABASA MO ANG
A Time For Us
Historical Fiction"I've been searching for my memories until I met a girl from the future"