Mga Kababata (needs to edit)

149 4 0
                                    

Spoken Poetry sana

Minsan sana bumalik tayo sa pagkabata
Kung saan lahat pa tayo ay masaya
Masayang naglalaro at walang iniintinding problema
Kung saan kumpleto tayo at hindi iniisip ang iba.

Sa mga panahong lagi tayong nag-aasaran at nagpipikunan
Ang naririnig lang ay bungisngis at halakhakan
Ginawa nating sariling mundo at kalawakan
Bawat usapan ay tayo tayo lang ang nagkakaintindihan

Mula pagkabata tayo tayo ang magkasama
Sa buhay na ito kayo'y naging parte na
Mga araw na hinihiling nating maulit pa
Sana kayo pa rin ang kaagapay hanggang sa pagtanda

Samahan nating di mapapantayan nino man
Sa bawat araw, bawat buwan na nagdaraan
Hindi pa rin mawawala ang ating pagkakaibigan
At higit na hindi mahihigitan ng nino man.

Sa pagtungtong natin sa bagong yugto
Sa pagdaan ng mga araw bakit nagiging ganito
Malakas na koneksyon nati'y lumalabo
Mga bagay na nakasanayan, tila nagbabago

****

 Series Of Thoughts (Poems, Quotes, Realization, Everything)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon