CHAPTER 15.5: BIRTHDAY CELEBRATION
GAIL’S POV
Nagsisikantahan parin sila sa may cottage habang ako ay nasa pool kasama si Jenny. Medyo malamig na pero tuloy parin kami sa pag swiswimming because I wanna learn how to swim. Nakakainom na nga ako ng tubig sa pool ehh sa sobrang pag dadive ko.
Naririnig namin na medyo lasing na sila, ewan ko lang kung nakainom na rin si Kaye Anne. EH ako? Nakakarami na ako ng inom dito sa swimming pool na ito. Hindi ko maiwasan eh! Nag-dadive kasi ako. >.<
“Ate,hindi mineral water ang pool para inumin. Baka magulat nalang ako biglang bumabaw yung tubig hehehe”-Jenny
“Grabe naman! Jenny pasensya ka na, nauuhaw kasi ako eh .. hahahahaha ..”-me
“hala ate Gail, gumaganyan ka na huh?” –Jenny
Nahawa kasi ako sa kanila. ahihihi ..
“hehehe.. sumasabay lang sa uso. Jenny may itatanong pala ako sayo.”-me
“ano naman?”- Jenny
Kay Jenny lang naman kasi ako hindi nahihiya. Atsaka nacucurious lang naman ako. I’m not a nody type by the way -_-
“Hindi ko alam na may girlfriend na pala si Nathan because you didn’t tell me. Matagal na ba sila?”
“Ahh medyo, 8 months na sila ehh. Pasensiya na ulit sa ginawa ni Danica kanina ah?”- Jenny
“Wala yun. It’s no big deal for me and Kaye Anne. Pwede naman siyang magstay dito ah? Rented naman natin ang buong resort.”
Andito kami sa may gilid ng pool, pero nakababad parin kami.
“Ehh kasi, baka manggulo lang yun kapag pinayagan mo siya dito. B*tchy kasi yun ehh. Feeling ko nga, pinagseselosan ka nun ehh. Number one selosa kasi yun. KSP pa.”- Jenny
Eh? Ako pinagseselosan? How come? KSP? Ano yun?
“ahh.. eh.. what’s KSP?”-me
“Ngek? Di mo alam yun? Kulang sa pansin ate Gail.”
Now I know. Hehehe
“Bakit naman ako pinagseselosan nun? Inaano ko ba siya? we’re not even close.”
“Obvious ba? Nagiging close kasi kayo ni kuya Nathan. Siguro may nakapagchismax na sa kanya.”
Well, kung sabagay. Ang sama ng tingin niya sa akin kagabi nung nanunuod kami ng drag race.
“Uy ano ka ba? Friends lang naman kami ah? Ang OA naman niya.”
“Ate Gail, ako lang yung kaibigan niyang babae dito. Kahit nga sa school,bantay sarado siya eh. Kung hindi nga lang ako pinsan ni kuya Nathan, inaway na siguro ako ni Danica eh. Si ate Lie nga eh, pinagseselosan din. Ate niya na yun ha? “
Wow! Number one selosa nga. Tsk tsk ! wawa naman si Nathan ko.. este niya!
“grabe naman siya.”
“ate Gail, secret lang natin yung pinag-usapan natin ngayon ha?”-
“sure, ayaw ko naman kasi ng gyera baka kasi gyerahin ako nun eh.”
“wag kang mag alala ate. Reresbakan ko yun. Tsaka hindi naman talaga yun gusto ni kuya Nathan, sus! Kayang kaya mong palitan yun. “
Palitan? Ang bad ko naman kung gagawin ko yun. Good girl kaya ito.
“uy ano ka ba Jenny. Crush lang naman yun noh?! “
BINABASA MO ANG
BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]
FanfictionNow published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay nila sa Manila, looking forward to spending the best summer of her life in the quiet town of Sitio...