Chapter 39: Avoid Him
KAYE ANNE’S POV
“Hey, Gail. Ano ba, sumama ka na kasi. Please!!” Umupo ako sa kama niya since siya naman ay nakahiga. Nakacover pa ng blanket ang buong katawan niya.
“Oo nga. Sumama ka na Gail. Minsan lang naman eh. Tignan mo, pinayagan pa kayo nina tita for the first time.” Sigaw ni Chloe. Nasa loob siya ng walk-in closet ni Gail. “Hahanap na kita ng clothes mo ha?”
“Eh! Ayaw ko! Kayo nalang. Ayoko talaga eh. Pakigreet nalang ako kay Wayne.” Nakacover pa rin siya ng kumot. Bakit ba naka-cover ito, hindi naman malamig ah?
“Gail, ito oh, bagay sayo. Dali magbihis kana!” Lumabas na si Chloe sa walk-in closet at may dalang pink dress.
“Tama, yan nalang. Binili ko sa kanya yan eh.” I said. Hinigit ko yung kumot ni Gail para makita niya yung dala-dalang dress ni Chloe.
“Uy, umiyak ka ba?” I asked her worriedly. Namamaga kasi yung mata niya. Ang shonga ko talaga! Bakit ko pa tinanong, eh obvious namang umiyak siya. =_=
“Hey, Gail. Who made you cry? Sabihin mo sa akin.” Umupo na rin si Chloe katabi ni Gail.
“Bakit anong gagawin mo kung sinabi nga niya?” Tanong ko.
“Wala naman. Curious lang ako. Gail ano na? Bakit ka umiyak?” Hinahaplos ni Chloe yung buhok ni Gail habang naka semi lying position ito.
“Wala. Umalis na kayo baka ma-late pa kayo eh.” Tapos tinakpan niya yung mukha niya ng unan.
“Gail naman, sabihin mo na kasi.” Tinanggal ko naman yung unan sa mukha niya.
She let out a sigh. “It’s better kung lalayuan ko na ang X10 particularly Kurt. Hindi niyo ba nakikita sa Facebook na may fanpage na ako?”
“edi ayos ^__^ public figure ka na.”
“Umayos ka nga Kaye Anne. Nakita ko yun Gail. Wag mo nalang pansinin yun, wala lang silang magawang matino sa buhay.” Sabi ni Chloe.
“Oo nga. Wag mo ngang pag-aksayahan ng luha yun. They’re not worth your tears.” Napasmile naman si Gail sa sinabi ko.
“Thank you, sissies! Kaya love na love ko kayo eh.” She embraced us. Agad naman niya kami binitiwan sa pagkakayakap. “Pero alam niyo na ba ang about sa X10?”
Napaisip ako. Tama, may nakapagsabi na sila daw ang may-ari ng school. Tinignan ko naman si Chloe at umiwas lang siya ng tingin.
“Ahh oo, Gail. They’re the owners of East High University though they’re still young. Mga parents pa rin nila ang nag-mamanage. Pag naka-graduate na daw sila, nasa kanila yun kung sila na yung magpapalakad ng E.H.U. Ow diba? May nakapagsabi lang sa akin nyan. Ang bongga pala nila noh?”
“Mukhang di niyo pa nga alam.” Umiling si Gail.
“What is it?” nagtatakang tanong ko.
“They’re gangsters, sissies. May nakachat akong schoolmate natin, sinabi niya yun. Nung una, may hesitation kung maniniwala ako. Pero nung i-sinearch ko sa internet, it proved na they’re really gangsters. Kinakatakutan ng lahat, laging champion sa mga underground battles at malakas ang kapit sa authority.”
O__O
“Alam ko na ang tungkol dyan, Gail,” Chloe sighed.
“Why didn’t you tell us?” tanong ni Gail. Ako naman parang na-stiff. They’re gangsters? Akala ko dance troupe lang sila?
BINABASA MO ANG
BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]
FanfictionNow published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay nila sa Manila, looking forward to spending the best summer of her life in the quiet town of Sitio...