[63-64]

984K 20K 6K
                                    

CHAPTER 63: Christmas Holiday

 

KAYE ANNE’S POV

 

Christmas holiday na. Andito na kami sa lupain ng mga gwapong chinito. Kidding aside, we’re now here in South Korea. Actually, this is our third day here. Si Gail? Nandun sa house nila, katabi lang din ng amin. Honestly, nabobored na ako eh. Pag niyaya ko naman si Gail na mamasyal dito sa Seoul, I’m sure irereject niya ako kasi wala namang ginawa yun sa kwarto niya kundi ang mag-online eh. Tsk. Ganun ba ang may boyfriend? Kailangang in-touch palagi sa isa’t-isa?

Si Nathan kaya kamusta na? Eh? Bakit ko naman siya naisip? Hmp! Makapag-online na nga lang sa Facebook.

Sa newsfeeds, puro greetings lang ng Merry Christmas ang nakikita ko. Paulit-ulit? Unli sila? Scroll down pa nga.

 

PRINCE NATHANIEL SALVADOR WENT FROM BEING “IN A RELATIONSHIP” TO “SINGLE”

228 likes   142 comments

Napangiti naman ako dun. Wahahaha! ‘Di ako plastic, kaya nagpapakatotoo ako. Bakit kaya sila nag-break?? Pero natawa ako kasi ang daming nag-like. Nagbreak na nga, ni-like pa. Am I bad? I’m glad to the fact that they already broke up suddenly. Parang 2 months lang ata sila mag-on. Pero parang ganun na nga. Amp! Kaye Anne is so mean.

*TING!* 

PRINCE NATHANIEL: Advance merry Christmas, kulet. Musta ang Korea?

Uwaaaaaaaa~ Kill me now! Kill me now! Nathan just greeted me and he asked how I am? Ay, wait! Musta ang Korea? Korea ang kinamusta niya, hindi ako. Well, it’s okay. :)

ME: Korea is still good like it used to be. Ikaw?

PRINCE NATHANIEL: Hmm, ok lang. Masaya =)

ME: Happy? E diba kakabreak niyo lang ni Cathy? Ang bad mo. Masaya ka pa.

PRINCE NATHANIEL: Yun nga eh. At least napalaya ko siya nang wala ng nasasaktan dahil sa ginagawa ko. Makakahinga na ako ng maluwag. Nadamay pa siya eh.

 

Halos magsalubong na ang kilay ko sa reply niya. Parang di ko ata gets yun?

ME: Ahh, ok?

PRINCE NATHANIEL: Ayoko na siyang gamitin para makapag-move on lang ako. :)

Panakip butas? Si Cathy, panakip butas? Eh sino yung tunay niyang mahal? Hindi kaya ako?! Tch. Spell assumera? It’s K-A-Y-E A-N-N-E :| Pero there’s a possibility diba? Matagal kaming naging close ni Nathan. Our closeness started when he asked me a favor or I must say he blackmailed me, na tulungan ko siya kay Gail. Waaaaa~ This is it!

ME: Aww, kawawa naman si Cathy. Ginawa mong panakip-butas. :3

PRINCE NATHANIEL: Pero nagsorry naman ako sa kanya at naintindihan niya. Kaya nga no hard feelings nung nagbreak kami though sinampal niya ako at minura pa. LOL. Ang tanga ko ko kasi eh. Ayaw naman sa akin nung babaeng yun, ‘di ako makamove on sa kanya. Takte.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon