[98]

761K 16.1K 2K
                                    

CHAPTER 97

GAIL’S POV

“Actually, it’s a wedding…” He answered seriously.

“Liam, si Kurt? Nasaan siya? Tara, samahan mo ako sa kanya, please!” Hinila ko na siya papunta sa elevator. Natataranta na ako. Hindi ko na nga inisip na isarado ang unit ko eh. Ito na siguro yung ibig-sabihin ng napanaginipan ko kanina.

“Crys…tal, wait lang! Relax,” hinila ni Liam ang braso ko at iniharap sa kanya. He placed his hands on both sides of my shoulders while looking straight into my eyes.

I don’t know why but I just find myself breathing so hard. Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.

“It’s not what you think, Akachan,” seryosong sabi niya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, naghihintay ng susunod na sasabihin niya. “Machigattemasu.” ((You’re wrong))

“Ha?” Kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan yung sinabi niya nung huli. Basic nihonggo words lang ang alam ko.

Ngumiti siya sa akin at ginulo ng bahagya ang buhok ko, “Why don’t you check what’s written on the invitation first?”

I bit my lower lip. He’s right. Bakit ko nga ba pinapangunahan ang nararamdaman kong takot? I closed my eyes and took a deep breath. Then I slowly pulled the strings of the lavender invitation to reveal the inner part.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

  

“LIAM?! YOU’RE GETTING MARRIED?!?!?!?” Napatakip ako ng bibig.

Nakita ko siyang tumingin sa sahig at nagkamot na naman ng kilay niya, “Hehehe, I’m a victim of arranged marriage. Demo daijyoubu, shinpai shinaide.”

Nangunot naman ang noo ko. “Ahhm, Liam, I can only speak few nihonggo words.. just basics.. pakitranslate nalang oh..”

“Hahaha, sabi ko, but it’s okay, don’t worry.”

“Ahhhh…” 

“Kailangan kong sundin ang otousan ko eh.” He chuckled. Biglang gumaan tuloy ang pakiramdam ko. If I can remember it right, otousan means father. “Sayang, liligawan pa naman sana kita. Tsk!”

“Pfft, hahahaha. Ang baliw mo!” Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya. “Teka, papasok ka pa ba? Tara, dito ka na magdinner.” 

“Nyek? Di ka pa nag-didinner? Anong oras na oh,” tumingin siya sa wrist watch niya. “Anyways, thanks for inviting me pero aalis na ako. May aasikasuhin pa kasi ako eh.”

“Ahh, sige..” Ngumiti muna ako sa kanya bago siya tumalikod at tinungo ang elevator. Napaisip ako, baka alam niya kung nasaan si Kurt. “Liam, wait!!”

Lumingon naman siya sa akin ng nagtataka. Kakapindot niya lang kasi ng down arrow button ng elevator at hindi pa ito bumubukas, “Ahhm… a-alam mo ba… kung nasaan si Kurt?”

Medyo lumapit pa ako ng kaunti, tutal malapit lang ang unit ko sa elevator, “Si Kuya? Kakagaling ko lang sa bahay nila eh at nakita ko siya dun. Bago ako magpunta dito, naghatid din ako ng invitation dun. Nande?” ((why))

“Uhh, anong ginagawa?” I asked hesitantly. Nakakahiya kasi, baka sabihing ang weird ko. 

“Hmmm… Naabutan ko siyang nag-iimpake ng damit, mangingibang bansa siya…”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon