[50.3] Camping

997K 21.5K 3.7K
                                    

CHAPTER 50.3: CAMPING

 

GAIL’S POV

“DERRICK AND BELLA, in front now!” Napatalon kami sa pagsigaw ni Kurt. About siguro ito sa nakita naming kababalaghan. Tsk tsk tsk!

Nagpunta naman agad silang dalawa sa harapan. Naka-fall in line lang kaming lahat by team.

“Gail, anong meron? Bakit galit sa kanila si Kurt?” Napansin ko na nasa likod ko pala si Sheen. Teammate ko ito eh.

“Ah, may nalabag na batas yata? Ewan ko.” Nagkibit balikat ako. Alangan naman sabihin kong ‘Nahuli kasi silang nag-too-too-toot eh’. Ang panget naman.

“Ahh, kaya pala.”

“Master, is it about what you saw?” Iritadong tanong ni Derrick.

Hindi pinansin ni Kurt si Derrick. Nakatingin lang ako kay Kurt sa harap. Yung mukha niya parang nabagsakan ng sako ng bigas. Umagang-umaga, badtrip siya.

“All of you! Fall in line! Isang mahabang pila.”

Nag-fall in line naman kami lahat gaya ng sabi ni Kurt. Pinagsama-sama na ang lahat ng team. “Bella and Derrick, lumusot kayo sa pagitan ng mga hita nila. That’s your punishment! Now do it!”

Napangiwi ako sa narinig ko. Ang saklap naman nun! Ang haba kaya ng pila namin. Less than 30 persons ang lulusutan nila.

“Baby, I’m gonna be dirty. Kakaligo ko pa lang naman. It’s so muddy, you know.” Kumapit si Bella sa braso ni Derrick. Diba dati, nilalandi niya si Kurt? Ngayon si Derrick naman?

“Langya. Eskandalosa ka kasi eh. Ang ingay mo kaya tayo narinig. Dali! Lusot!” Napataas yung kilay ni Bella sa inakto ni Derrick. Natawa tuloy ako. Ang ingay nga naman niya, grabe makaungol.

Unang lumusot si Bella, next is Derrick. Nasa pang 7th in line ako.

“Syete ka, Toffer. Ibuka mo, wag mo akong pahirapan!” sigaw ni Derrick. Nang-aasar kasi si Toffer, hindi niya inoopen ng malaki yung legs niya.

“Eww! Ang putik. Err!”-

“Takte! Bilis-bilisan mo nga Belinda!” Puro lang sila reklamo habang lumulusot sa pagitan ng mga hita namin. Nakakatuwa naman sila. XD

“It’s Bella not Belinda ~,~”

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Kurt palayo sa pila. “Uy, bakit Kurt?”

“Naka-shorts ka oh. Manyak pa naman yan si Derrick.” -__-++

Natapos na rin ang punishment nila at sobrang messy nilang dalawa. Paano naman kasi lumuhod nga sa putikan diba? Nag-warm up exercise na rin kaming lahat, lead by the coordinators of Sacramento Adventure Camp. Grabe, mga military pala sila. Kaya naman parang pang military ang type ng exercise namin. Ang sakit sa singit!

“Go to your designated teams. We’re now going out for hiking. I’m looking forward that you wouldn’t get separated from your teams when we go out of the camp. Understand?!” Sabi ni Kuya Eman, yung coordinator namin.

“You have to bring water ‘coz it would take 3 hours of walking back and forth according to the coordinato,” paalala naman ni Prof Martino.

“We’re not going with you, guys. We’re gonna prepare your lunch when you come back,” sabi naman ni Prof Dela Rosa. Tch. Mag-laloving loving lang silang dalawa eh. Balita ko kasi mag-dyowa yang dalawang prof namin na yan. Balita ko lang naman. XD

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon