[40] Busted

1.1M 39.9K 11.7K
                                    

A/N: hi kina AnromaeMolina,a_gangster_lover and AgathaKirstie ^___^ Natutuwa ako sa mga points of views niyo regarding sa hamak na story ko hehehe. Salamuch talaga! Well appreciated yun~!

Chapter 40: Busted

KAYE ANNE’S POV

Andito kami sa mall ni Nathan. Nagpasama kasi siya para bumili ng gift for Gail. 17th birthday niya kasi tomorrow,July 16th . Nagkaroon na ng closure ang panliligaw niya kay Gail kasi wala ng umiinterrupt sa kanya. Hayyss!

“Kaye Anne,ano na? Kanina pa tayo libot ng libot dito,wala ka pa rin natuturo sa akin para kay Gail.” Hinahawakan niya ang isang violet shirt. “Ito,magugustuhan kaya niya? favorite niya ang violet diba?”

I chuckled. Paano naman kasi pink naman talaga ang favorite color ni Gail.

“Tatawa tawa ka dyan? Bilis,nagugutom na ako eh. Kakain pa tayo.” Pikon niyang sabi. Napansin ko lang,ang cute ni Nathan mapikon.

“Wala,tara dun tayo sa section na yun oh.” hinila ko siya sa heels section.

‘WOW,SWEETIE LOOK AT THEM OH. ANG SWEET NILA,SINASAMAHAN NUNG GUY YUNG GIRL PAG-SHOSHOPPING. HINDI KATULAD MO,KINAKAHIYA MO’

‘ANO KA BA,SWEETIE. KAYA NGA AKO NANDITO KASAMA MO TO ACCOMPANY YOU.’

‘EH NAPILITAN KA LANG EH. TIGNAN MO YUNG GUY,DALA-DALA PA YUNG GAMIT NUNG GIRLFRIEND NIYA. SANA GANYAN KA DIN’

o.O

Napagkamalan kaming mag-dyowa? Sana nga! >:D ay,sorry nadulas. Ahihihi *takip sa bibig*

“Amin na nga yang bag ko,napagkakamalan pa tuloy tayo.” Inagaw ko sa kanya yung bag ko kaso hinawakan niya naman mabuti.

“Ayaw mo nun,ang cute ng boyfriend mo. Tara na nga,honey.” Inakbayan niya ako at naglakad.

*LUB DUB LUB DUB*

“Hoy,tulala ka dyan? May crush ka na sa akin noh?” pinisil niya yung ilong ko. Di ko namalayan na nasa harap na kami ng Shakey’s.

“Oy,kilabutan ka nga. Chansing ka lang eh!”

“Ay sows! Joke lang,di ka naman mabiro.” Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko tapos hinila na ako papasok sa Shakey’s

*LUB DUB LUB DUB*

Leche flang heartbeat ito oh. Back to normal ka na nga! Umaabnormal ang heartbeat mo kapag kasama ko si Nathan eh.

OMG! Does it mean na cr—crush ko na si Nathan?! Omo! Not impossible,mabait naman at gentleman si Nathan. Gwapo siya at attractive na rin. OO na crush ko na siya. Aiisshh! Secret lang naten yun ha? wag niyong sabihin kay Gail.

“Hey,nakabalik nalang ako galing sa CR,ganyan ka pa rin. Tulala. Whats wrong?” nabalik ako sa ulirat. Ano ba yan? Bakit bigla kang naging handsome sa paningin ko? ang kinis ng kutis,walang pores!

“Ahh *cough* ahmm.. ehh.. ano—nag-iisip ako ng gift na babagay sa height mo! Tama,yun nga hahaha pandak ka kasi!” palusot ko. Magkasunod kasi sila ng birthday ni Gail,july 17th naman siya.

“Okay lang kahit wala basta andun ka…” uminom siya ng iced tea. >/////////< ayyiiee! “Lalong lalo na si Gail,sana sagutin niya na ako sa birthday ko noh? Para ayos na ayos ang birthday ko.”

Tsk ayos na eh. Biglang ganun?! ~___~

“Oo tama ka hehehe..” kumuha nalang ako ng pizza at nilamon ko. As in lamon talaga,naka lima na ako,siya nakakadalawa pa lang.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon