[87.2] Exchange Dates

855K 19.6K 7.4K
                                    

CHAPTER 87.2: EXCHANGE DATES

KAYE ANNE’S POV

Time check: quarter to 9PM. Kanina pa kami bumabyahe ni Nathan pero wala naman akong idea kung saan niya ako dadalhin matapos kaming kumain sa isang fine-dining hotel/restaurant. 

“Pandak, where are we heading to?” I asked as I ate the chips that I took from the deckboard. Ang daming junkfoods and chocolates. Yippee!

“We’re going to Antipolo Highlands. Maganda dun, makikita natin yung citylights from afar.”

“Hala, ilang hours ang byahe?” Tanong ko. Hello?! From Manila to Antipolo, kamusta naman yun? >_>

“An hour and a half lang naman. Malapit na tayo, nasa Taytay na tayo.” He glanced at me and pinched my cheek. “Ang lambot talaga ng pisngi mo, kulet!”

 WILD PALPITATIONS. Relax your veins, Kaye Anne.

“Oo nalang,” sabi ko sabay tingin sa bintana. Kinikilig na naman ako eh. Nakuryente yung pisngi ko sa pagkurot niya. Ramdam kaya niya yun? Kyaaaaahhhh! >///////<

After 20 minutes, narating na namin ang Antipolo Highlands. And wow! Makikita mo nga ang city lights from afar. Para silang mga stars na nag-twitwinkle sa kalawakan. Ang gandang pagmasdan. Napakaromantic kung tutuusin.

Nakatayo lang kami ni Nathan habang nakatingala sa kalangitan. Kami lang dalawa yung tao dito. Mukha ranch o kaya hill ito na hindi ko sure. Basta remote place lang ito na hindi puntahin ng mga tao.

“Kanina lang, nandun tayo oh,” sabay turo niya sa malayo kaya sinundan ko naman yun ng tingin. “Ngayon, nandito na tayo. Mas relaxing dito, diba?”

Napatingin ako sa kanya. Ang hot niyang tignan kapag hinahangin ang buhok niya. Refreshing. “Oo, pollution-free. Hahaha!”

Bigla siyang tumalikod at humarap sa akin, “Kamusta maging fiancé' si Kurt?”

“Ayos lang. Mapagtitiisan pa rin naman,” I giggled and turned to face him. “Bilang lalaki, alam mo naman sigurong mahal pa rin niya si Gail diba?”

Napakamot siya sa batok niya at napatawa ng mahina, “Oo, alam ko. Hindi naman natin mapipigilan yung nararamdaman ng ibang tao.” Umupo siya bigla sa damuhan at hinawakan ang kamay ko. Ehem. “Upo ka, Kaye Anne.”

Umupo naman ako sa harap niya. Sinarado ko yung legs ko at pinatigilid ito mula sa kanya. “Maswerte si Gail, ang daming nagmamahal sa kanya. Napakabait kasi niya eh. Kahit medyo mataray yun, mabait pa rin yun. She’s a happy-go-lucky girl.” 

He chuckled silently and brushed his hair with his hand, “Kaye Anne, she’s not actually happy. I’ve known her, not as long as you two been together though. I’ve witnessed how she changed and grew as a person.”

I looked at him intently, “Kamusta ba si Gail nung nasa Germany kayo?”

“She loved Kurt so much. Dahil dun, napasobra din yung naramdaman niyang sakit. Masyado niyang minahal si Kurt to the point na sigurado na siyang si Kurt ang makakasama niya habambuhay. And what did Kurt do to her in return? He just broke Gail’s heart. She had been miserable but she just kept it to herself not wanting me to get worried about her.”

Hinubad niya ang jacket niya at inilapag ito sa damuhan. Humiga siya dito at ginawang unan ang mga braso niya.

“Nathan, hindi mo kasi alam ang nangyari. Hindi mo maiintindihan. He has his reasons and I understand them all,” I retorted. I hugged my own knees and rested my head on it while looking at him.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon