CHAPTER 4.1 HOW I MET JAMES M.

430 12 4
                                    

Weeee! Sana magustuhan ng mga readers tong buong Chapter 4! :)) <3 Sino kaya si James M. sa buhay ni Sam?? Basa basa din!! :>

Comment, Vote and Be a fan!

-taylersheet

---------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 4.1      HOW I MET JAMES M.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng tawagan ako ni No Number. Hanggang ngayon ay iniisip ko padin kung si Harry ba talaga yung tumawag o hinde.

“Pero kasi siya lang talaga tumatawag saken ng ganun eh...asar naman oh!”

“Aahh miss may sinasabe ka?” Tanong ng lalaking katabi ko sa bus. Ay pakshet kausap ko nanaman sarili ko nakalimutan kong may stranger pala kong katabi dito

“Wala!” Pagsusungit ko. Narinig naman nya na may sinasabi ako nagtatanong pa sya.

“Ah okay. Kala ko kausap mo ko eh.” Leche. Feeling mo naman! Hmp!

OTW ako ngayon sa resto nila Mommy. Kakatapos lang ng klase ko at feel kong puntahan sila ngayon don dahil 1 week ko na din sila hindi nakikita. Busy busyhan sila dahil may nagrent ng resto nila para sa isang malaking convention. Di pa sila nakakauwi ng bahay kaya miss na miss ko na sila.

“MOMMY!” Nagulat sila sa lakas ng boses ko pati tuloy mga crew sa kitchen naschock saken. Pake nyo ba ha! Hahaha

“Hey babygirl! What are you doing here? Miss mo na ba kami ng Daddy mo ha?” Akap akap ako ni Mommy. Naaamoy ko ang amoy kusina nyang pabango. Hehe

“Obvious ba Mom? Kaya ko nga kayo pinuntahan dito eh! Kala ko kasi maglilive-in na kayo ni Dad dito. Hahaha! Asan pala si Dad?”

“Hahaha! Eto talagang anak ko walang preno ang bibig pag nagsalita. Nag-cr lang Dad mo. Maya-maya andito nadin yun.“

Makalipas ang ilang minuto

“Sammy! Anong ginagawa mo dito?” Tumatae Dad. Tumatae.

“Secret . Hehe!” Sabay akap kay Daddy

“Miss you Dad.”

“I miss you too anak. Nga pala..... si James tumawag dito nung isang linggo, hinahanap ka.” Huwattt?

*kilig muna*

 Si James? Si James na kamukha ni Zayn Malik ng One Direction? Si James na walang malay? Chos. Di nga? Tama ba ko ng dinig? Wait lang confirm ko muna

“Si James po? Yung porenjer kong friend dati?” 

“Oo. Yung kalaro mo lagi sa park.”

“Weh? Ano pong sabi? Nasa Pilipinas po ba sya ngayon? Bakit daw po nya ko hinahanap? Tsaka pano ka nya nacontact? Okay lang ba sya ngayon? Busy na ba sya kaya ngayon lang sya nagparamdam ulit?” Halatang namiss ko si James. Napadami ata yung mga tanong ko eh. Mukang di lahat na-absorb ni Daddy. Hehe

“Di naman halata na masyado kang excited nung narinig mo yung pangalan ni James ah.” Ngumingisi si Mommy na kala mo mas kinikilig sya kesa saken. Psshhh

“Oonga anak, wag ka masyado pa-obvious. Nagbblush ka tuloy.” Ano ba tong mga magulang ko maka basa ng utak wagas! Daig pa ko eh ako tong psych major

“Teka teka ano nga po bang sinabi ni James kung bat sya napatawag at bat nya ko hinahap?” Makaiba lang ng usapan

“Tinanong nya lang sakin kung anong cellphone number mo. Para daw kocontakin ka nya pagdating nya dito sa Pilipinas sa Oct. 15. Nakita lang nya sa internet yung website ng resto natin kaya nya ko nacontact.”

“Binigay nyo po yung number ko sakanya?”

“Oo naman. Hiningi nya eh. Tinawagan ka na ba nya? Sabi nya kasi nung araw din nay un ka nya tatawagan eh. Na-nosebleed na ko sakanya anak. Masyado syang fluent mag-english at british accent pa! Hehehe”

“Nung isang linggo pa sya tumawag... Nasa ibang bansa padin sya.. kinuha nya number ko... binigay naman ni Dad... teka.. p-pero bakit tinawag nya kong Mary sa phone? Ang alam lang nya Samantha Sevilla lang ang pangalan ko..” bulong ko sa sarili ko habang iniisa-isa ang mga kaganapan sa buhay ko

“Tsaka anak tinanong din pala nya kung ano yung buo mong pangalan. Ia-add ka daw nya sa Facebook.”

“Buong pangalan Dad? As in Mary Samantha Sevilla ang sinabi nyo sakanya?”

“Oo. Kahit alam ko na ayaw mong ipaalam kahit kanino ang Mary Samantha sinabi ko padin. Para madali ka nya mahanap sa facebook.” Tss. Eh di rin naman nakalagay ang Mary sa profile ko sa FB eh. Bale wala di. Hay. So sya pala yung tumawag saken Argggh! Tanga ka talaga Sam! Tanga! Masyado ka kasi nag-assume at nag-expect na si Kulot yung tumawag sayo. Yan tuloy. Nakalimutan mong may iba ka pang friend na nasa ibang bansa din. Psssshhh. Bat naman kasi Mary pa tinanong nya saken, pwede namang Sam lang eh. Si James talaga di padin nagbabago. Mapang-asar padin. Parang si Kulot. Tss pwe! Lagi nalang pumapasok si kulot sa usapan!

Pano pa kaya nya ko makokontak? Eh nagpalit na ko ng sim diba? Tsaka natapon ko na yung luma. Tss. Napakamalas naman... pero ang sabi naman ni Dad i-aadd daw ako ni James sa fb. Ma-check nga ang fb ko ngayon!

to be continued...

----------------------------------------------------

Gotta Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon