Prologue

581 14 13
                                    

Prologue
------------------------------------------------------------------

"Wait lang hintayin mo ko!"

Sigaw ko habang tumatakbo, kaylangan ko syang maabutan , kaylangan ko syang makita, kahit na pagod na pagod na ko at sumusuko na ang mga binti at paa ko, hindi parin ako titigil.

"Please, wait lang!"

Patuloy parin ako sa pag takbo para sa isang lalaking naka black leather jacket, sya ang laging dahilan ng pag takbo ko ng walang katapusan.

Hindi ko alam ang dahilan pero kahit anong pilit ko na tumakbo ng mabilis para maabutan ko sya, parang lalo lang syang lumalayo kahit anong pilit kong sumigaw ng malakas para marinig nya, lalo lang nababasag ang boses ko.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, patuloy parin ako sa pag takbo.

Pero nag tataka ako bakit katawan at muka ko lang ang nababasa.

Lumalamig na giniginaw na ko pero di parin ako susuko.

Sawakas, malapit na kaunting takbo pa makikita narin kita ang tagal kong nag intay, matagal na rin akong nananalangin, ngayon malapit na.

"Charlene!"

May narinig akong tumatawag at sumisigaw ng pangalan ko, pero hindi ako lumilingon .

"Charlene, hoy ano ba!"

Malapit na, malapit na kitang makita

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko, parang may tambol sa lakas ng pag tibok nito.

Isang napakalakas na kabog ng dib dib ko ang kumawala ng mahawakan ko ang kanyang braso, halo-halong imosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Unti-unti kong nakikita ang mabagal na pag lingon nya saakin.

"CHARLENE! GISING NA!"

Bigla akong naalimpungatan at napabangon dahil sa isang napakalakas na sigaw.

"Ahhhhh-- may sunog, may baha, lumilindol--- (napatingin ako sa harapan ko)-- ahhhh rapist, magnanakaw, tulong tul--"

Biglang may tumakip sa bibig ko

"Tumahimik ka nga ipis ka talaga ang ingay mo ehh, ano ba yang pinag sisisigaw mo dan huh, mamaya may makarinig sayo."

Tanga lang kaya nga nasigaw para may makarinig.

Napatingin ako sa nag takip ng bibig ko.

"A-ahh-hehe , sorry naman ikaw kasi bakit mo ba ko sinigawan, akala ko tuloy magugunaw na ang mundo!"

Bigla syang tumalikod saakin.

"Kasi ho, napakahirap mong gisingin binuhusan na kita ng tubig dan, wala parin. "Pag papaliwanag nya

"Di mo naman kaylangang sumigaw ng ganung kalakas no, saka anong trip yan bakit ka nakatalikod sakin?, Humarap ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

"Tsk, maligo ka na , malelate na tayo bilisan mo!"

Nakatalikod parin sya.

"Ano bang kaartihan yan siguro may pimples ka no, oh kaya wrinkle, oohh no, baka may kulugo ka sa muka, teka Hoy bak---"

Napapikit ako sa lakas ng impact ng pinto.

Bigla akong nilayasan.

May balak pa atang sirain ang pinto ng kwarto ko.

Sya si vince, ang lalaking mukang palaka na may buntot, mahaba ang ilong at may kulugo sa muka, at makapal na nguso, malatingting na katawan at nakakasukang pag mumuka. - - syempre joke lang , sya ang best friend ko, child hood best friend ko sya, mag kapit bahay lang din kami kaya mabilis lang sa kanya na pumunta dito para gisingin ako.

Always welcome sya sa bahay namin tiwala na kasi sila mommy sakanya, syempre ako din.

Lagi din kami napapagkamalang mag jowa pero syempre hindi yun mang yayari, ayokong pumatol sa isang lalaking uhugin at mutain na mabaho ang kilikili at may panot-

okay enough, nakakainis kasi lagi nyang iniistorbo ang tulog ko

Hindi ko tuloy nakita yung lalaki, kainis

Bumangon na ko at humarap sa salamin

Yung lalaking nakakapag patibok ng puso ko ng higit sa limitasyon nito, yung lalaking laging binibisita ako sa panaginip ko.

Sya ang aking Dream boy , oo literal na dream.

Ng nag graduate kami ng elementary , nagsimula ng mag pakita ang lalaking naka black leather jacket sa panaginip ko , pero hindi ko pa nakikita ang muka nya.

Ewan ko ba naman sa sarili ko , pero unti unti akong nabaliw sa kanya, lagi ko syang bukang bibig, kahit dito sa mundong totoo, hinahanap ko parin sya.

Alam ko at ramdam ko, totoo sya, kaya hindi ako natigil, kakahanap ko sa kanya.

Sya lang ang lalaking mamahalin ko, sya lang ang lalaking para saakin.

Tsk. . nakangiti nanaman ako.

Teka . . bakit parang malamig di pa ko naliligo ahh

Goshhhh

Basa ako, basa ang damit ko

Manipis lang ang sleepwear ko,

Shittttt.

Kaya pala naka talikod si vince kanina

Nakabakat ang aking.

At wala akong bra,

"Ahhhhhhhhhhhh!"

"CHARLES VINCENT!"

LOVE ME BACKWhere stories live. Discover now