Chapter Fouthteen
The Sorry
Charlene POV
NAPATITIG ako kay Vince matapos nyang mag salita, nakatitig din sya sakin, hindi kl alam ang dapat kong sabihin. Pero mali tong nararamdaman ko, dahil medyo—shet kinilig ako!!!
Hinga ka lang cha, take it easy.
"Whoooooa!!! " sigawan ng mga baliw na dancer. At nag sumula na silang tuksuhin si vince, ako naman tahimik lang, hindi dahil wala lang talaga akong nasabi, kundi yung pares ng mata na hindi nawawala saakin.
"Mga gago! " natatawang sita ni Vince.
"Pero dude, paano kapag may nanligaw kay cha? " mapanuksong tanong ni wave.
Napasulyap ako kay lance, at wala talaga syang balak tanggalin ang titig saakin.
"Anong paano? " nanatatawang sabi ni vince.
"Dude, mag lolokohan pa ba tayo dito, diba guys!! " pol
"Ohh edi ligawan" sabi ni vince kaya napalingon ako sa kanya, nakatingin lang sya sa plato nya at nilalaro ang pagkain nya.
Napalunok ako sa isinagot nya, gusto kong mag tanong kung bakit, diba dapat ayaw nya, tulad nung dating isinasagot nya kapag may nag tatanong.
Parang may kumurot sa puso, biglang nag bago ang tibok nito, dahil hindi ko nagustuhan ang isinagot nya, pakiramdam ko, ipinamimigay na nya ko.
"Totoo?, paano kung ligawan ko si cha? " napatingin naman ako kay kert, alam kong hindi sya seryoso, pero inaabangan ko ang isasagot ni vince.
"Tsk, wag nalang— ligawan na sya ng lahat wag lang kayo no, hindi ako tiwala sa inyo" natigilan ako sa sinabi nya, napasulyap ako kay Lance na ngayon ay salubong ang kilay.
"Wow dude, para ka naming hindi kaybigan ahh pero paano nga kung ligawan ko sya! " sahi ulit ni Kert.
Gusto ko syang murahin, dahil nakikita ko na nababadtrip na si Vince. Matigas na ang hawak nya sa kutsara, pero hindu nya ipinapagalata.
"Magkalimutan na" malalim at seryosong sabi ni Vince, at halata na talaga na naiinis na sya.
"Chill dude, nag bibiro lang yan si Kert, easy lang! " natatawang awat ni Pol sa namumuong tensyon.
Bakit ba nila kasi pinag uusapan yan. Nakakainis.
"Tumigil na kayo, nandito ako ohh, di nyo ba alam, wag kayo mag alala, wala naman akong pipiliin sa inyong lahat, pag nag kataon, hindi dahil ayaw kong masira ang grupo nyo, kundi wala talaga kong nagugustuhan sa inyo. Tsk, ano bang aasahan ko, puro babae mga nakapaligid sa inyo, nako, ayoko nga mag ka boyfriend ng babaero at jerk" pabirong sabi ko.
Natigilan silang lahat habang nakatingin saakin.
"Hoy cha, jerk?, grabe ka naman saamin, mababait kami, at hindi ano —hindi—hindi kami b-babaero!! " sabi naman ni Cris.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"See, pati bibig mo kontra sa sinabi mo, hahaha!! "
"Wag ka nga,mag kaiba naman kasi yung 'marami kaming naging girlfriend' sa 'marami kaming girlfriend ' !!" Mayabang na sabi ni wave.
"Tsk, kasi nga di nyo naman sineseryoso, paano mo masasabing girlfriend aber, marami kayong babae, yun ang sabi ko"
"Tsk, sige pero paano naman si kiell, tignan mo nga, wala yang babae, stick to one, ang laman ng dictionary nan" sabi naman ni kiell.
YOU ARE READING
LOVE ME BACK
Teen FictionAko ay isang simpleng babae na nangangarap, nangangarap ng tulog, hanggang pag gising ay pangarap ko pa rin, ang makita ang isang lalaki na nag mula sa panaginip, na pinangarap kong maging totoo, at makasama, hanggang kaylan ako mag hihintay sa kany...