Chapter9; Bipolar

112 4 0
                                        

Chapter Nine

 Bipolar

Charlene POV

*Ding-dong*

Pagkarinig ko ng door bell agad na nag madali akong bumaba, Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong sumigla.

Bago ko buksan ang pintuan, tinignan Ko muna ang kabuuan ko. Nakasuot ako ng cocktail dress na kulay sky blue na kumikinang kinang pa.

Hindi ko naman naalala na nag suot ako ng ganitong damit, kakagising ko lang.

Huminga muna ko ng malalim bago ko pihitin ang door knob.

Agad akong napangiti sa lalaking nakatalikod ngayon sa harapan ko, lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso.

"Hi, may date tayo ngayon? " nakangiting tanong ko sa kanya, Hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang muka pero nakita ko ang labi nya na ngumiti, pamilyar ang ngiti na iyon.

Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang mag lalad patungo sa may gate ng bahay.

"Wow, kotse mo yan, cool!! " namamanghang sabi ko. Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinapasok nya ko sa loob.
Ganun din sya.

"Saan tayo pupunta? " tanong ko pero Hindi sya sumagot, nag maneho lang sya papalayo sa bahay.

"Bakit ayaw mo Kong kausapin, saan mo ko dadalhin? " tanong ko pero walang response.

"Sino ka ba, mag pakilala ka naman ohh"

"Bakit Hindi ko makita yang muka mo, bakit ang liwanag lagi pag nakatingin ako sayo? "

Bigla nyang inihinto ang sasakyan at tumingin sakin.

Pero bago pa ko makatingin sa mukha nya, inilahad nya agad ang isang kumpol ng rosas sa harapan ko.

Gulat akong kinuha ito, saan nanggaling to?

Binasa ko ang nakasulat sa card na nakalagay sa ibabaw nito.

'Charlene-I love you'

"I love you too"

"I love you too? " napadilat agad ako ng Mata ng bigla Kong narinig ang isang pamilyar na boses. "Charlene"

"A-ahhh, hehe ikaw pala, sige aasikaso na ko! " nakangiting sabi ko, ngumiti lang sya sakin bago lumabas ng kwarto ko.

Nailang naman ako bigla dun, ano kayang iniisip ng palakang yun. Naligo nalang ako agad, habang nakababad ako sa shower bigla ko nanamang naalala yung nangyari kahapon.

Flashback. . .

"Charlene- I like you"

Hindi agad ako naka react sa sinabi nya, nagulat akong napatingin sa kanya at kumurap pa ko ng isa.

May gusto sakin si Lance, paano ako makakapag react nito ng tama, sya na lagi akong iniinis, sya na bwisit ng buhay ko, may gusto sakin.

Maraming babae ang nag kakagusto sa kanya, bakit ako pa, t-teka baka naman akting lang to.

"Charlene-I'm dead serious here, I really like you! " okay sabi ko nga seryoso sya.

Pero bakit?, paano, ano ang gagawin ko.

"Trip mo nanaman ba ko huh, umayos kang halimaw ka,joke ba to?"

Nakita ko ang pag-kagulat at pag-kadismaya sa mga mata nya, tumingin sya sa kabilang dako, at bumubulong.

LOVE ME BACKWhere stories live. Discover now