chapter 10;Jealous Problem

80 3 0
                                        

Chapter Ten

 Jealous Problem

Charlene POV

NATAPOS na ang lahat ng klase namin ng pang umaga, ng hindi dumating si Vince, hindi sya naka attend ng klase, kapag tinatanong ko naman sila kiell tsk, di bali nalang.

"Cha, sama ka na samin sa Cafeteria" alok saakin ni Cris.

Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na ko para lumabas.

"Hindi na, pupuntahan ko si Vince baka nasa gym lang yun" nakangiti kong sabi habang palabas ng room.

Nag lalakad na ko sa may corridor ng Moonlight, ng biglang may humarang saaking mga babae.

"Hi, cha! " nakangiting bati saakin nung nasa gitna, tatlo kasi sila.

Hindi ko gusto ang klase ng ngiti nya sakin, parang may masamang mangyayari.

"Hmn, Hi" ngumiti ako ng napakla, saka ko sila nilampasan.

Ayoko ng away, umalis na si Mikaela, meron nanaman ba.

"Hey,, ang sungit mo naman, gusto lang naming makipag kaybigan sayo bawal ba? " tanong nya sakin habang nakahawK ang kamay nya sa balikat ko, na dahilan ng pag tigil ko sa pag lalakad palayo.

"Hindi ako interesado, pasensya na" kaswal na saad ko saka nag lakad ng hindi sila nililingon.

Minadali ko na ang pag lalakad ko, ng makarating agad ako sa gym, inilibot ko agad ang paningin ko sa kabuuan nito, pero wala akong nakitang Vince, wala akong nakitang kahit na sino.

Asan na kaya ang palakang yun?

Napabuntong hininga ako, dahil nabigo ako na makita si Vince dito,

"Whoooa! " sigaw ko at napaatras pa ko sa gulat ng makitang nakatayo sa likod ko, si Vince.

"Nagulat ba kita? " nakangiting sabi nya habang inaakbayan ako, nag lakad na kami palabas ng Gym,

"Bakit ang tagal mo? " tanong ko dito .

Nakita ko nanaman ang mga malalagkit na tingin saamin, hindi talaga magandang idea na gawin namin tong habit, ang pag akbay.

"Hmmn, may discussion lang na kaunti, para sa magiging laban namin sa next month"

"Ganung kaunti, at hindi ka nakaattend ng morning Subject? " taas kilay kong sabi.

"Hi vince! "

"Charles Vincent Hi!! "

"I love you po!! "

Hinigpitan pa lalo ni Vince ang akbay mya sakin. At inilapit pa nya ang muka nya sa ulo ko, parang inaamoy ang buhok ko.

Aray huh!

"Bakit mo pa ko sinundo dito, dapat sa Cafeteria mo nalang ako inantay" sabi nya sakin. Hindi nya sinagot yung tanong ko kanina.

LOVE ME BACKWhere stories live. Discover now