Chapter 11; Heart Beat

70 4 0
                                    

Chapter Eleven

  Heart beat



Charlene POV

PABALIK na kami ngayon sa room, ng nakaakbay nanaman saakin si Vince. Ayoko sana pero anong magagawa ko, nakasanayan na nya yan, sa tagal na naming ginagawa to, ngayon ko lang na realize na, nakakailang pala.

"Ano ba ipis, ano bang problema mo? "

Kanina ko pa sunusubukang alisin ang braso nya sa balikat ko, pero ang walangya, lalo lang binibigatan, hindi ko maalis

"Ang bigat po kasi, arghh! "

"Tsk, bakit kasi ang payat mo, pinangatawanan mo talaga ang pagiging ipis"

Tatawa tawa nyang sabi, napairap ako ng todo sa kanya, kaya lalo lang syang tumawa, nasa room na kami ngayon at tumahimik nalang bigla ng pumasok kami, kasama ko ba naman ang EM, shockkss.

"Palakang kokak, tumahimik ka, ang ingay mo! " padabog akong umupo sa pwesto ko , ganun din sya.

Napansin ko nanaman ang tingin ni Lance saakin, napapalunok nalang ako, dahil kahit nahuhuli ko syang nakatingin, hindi nya manlang iniiwas ang tingin nya, titig na titig pa.

Ano bang problema nya, nakakainis na ahh

"Di ka pa ba nasasanay, dapat irihistro mo na yan sa utak mo, para sa susunod, puso mo naman ang papasukin ko"

...

...

A-anong problema ng puso ko, biglang bumilis ang pag tibok nito at parang nang iinit ang muka ko, dahan dahan akong lumingon kay Vince, at sobrang lapit nya saakin, kitang kita ko ang pag ngiti nya ng sobrang gaan, na para bang nasa ulap ka.

Napalunok ako ng tumama ang mga mata ko sa labi nyang namumula at kumikinang, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Hindi tama, pero walang mali, ang hirap ipaliwanag kahit madali lang bigkasin.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya, dahil baka kung ano pa ang maisip ko pag tumagal pa.

"Bakit namumula ka hmmn? " malambing at mahinang tanong ni Vince saakin, dahilan para mag wala lalo ang katinuan kong itinatago.

"A-ahh, washroom lang ako Vince, saglit lang" sabi ko ng hindi sya nililingon, dali dali akong tumayo para lumabas.

"Dadating na ang Lecturer natin cha! "

"S-saglit lang ako, promise" hindi ko parin sya nilingon at tumakbo na ko sa pinaka malapit ma Washroom.

Agad kong isinara ang pintuan ng isang Cubicle na pinasukan ko, napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ako pag tibok ng puso ko.

"Shit, whats going on, this is crap! "

Kinalma ko ang sarili ko bago ko lumabas, humarap ako sa salamin at pinag masdan ang mapula ko ng pisngi.

Whooa

Wala lang to, cha.

"Holy Crap—!!"

LOVE ME BACKWhere stories live. Discover now