Chapter 13; Fit Together

92 5 0
                                    

Chapter Thirteen

 Fit Together.


Charlene POV

KAKAUWI ko lang ng bahay, nakaramdam ako ng matinding pagod, kahit alam ko naman na wala naman akong ginawa maghapon.

Nanatili ako sa labas ng pintuan at pinakatitigan ko ito, huminga ako ng malalim bago ko ito unti unting buksan.

Halos mapatalon ako sa gulat at matuliro sa pag tataka ng makita ang iilang rosas na nakakalat sa sahig, kulay pula ang lahat ng rosas na ito.

Anong meron, sino ang nag lagay ng mga ito sa loob ng bahay ko, sino ang nag tangkang pumasok sa bahay ko ng walang pahintulot.

Pero bago pa ko mag tanong ng sang katutak, inilibot ko na ang paningin ko sa kabuuan ng bahay, tinignan kong maigi ang mga rosas na nasa sahig, at meron din sa dingding, kapansin pansin ang pag kaparepareho ng pag kakalagay, tila may itinuturo ito sa kung saan, hindi na ko nag abalang damputin ang mga rosas at sunundan ko nalang ang mga itinuturo nito.

Sa kusina ang tanging lugar na itinuturo ng mga pulang rosas na dingding, dahan dahang pumasok ako dito, at ganon nalang ang laki ng mga mata ko sa gulat ng makita ang isang Table na may upuan na pang dalawahang tao.

Isang Romantic dinner, ayun ang salitan tugma dito, nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng kusina, at tanging ilaw lang ng kandila ang nag sisilbing liwanag sa maliit na ispasyo.

Who's the one that make this mess.

Ang mga lilinisin ko ay higit pa sa kalat ng buong taon. Puro rosas sa loob ng kusina, halos mamula na ang paligid dahil sa rosas sa sahig at maging sa Kitchen Island ay ganon din.

May parte saakin na kinikilig, pero puno ako ng katanungan,

Bago pa ko makahakbang ay may nag lahad na ng bulaklak sa akin, kumpol ng puting rosas, nasa likod ko ang may pakana ng lahat ng ito.

"I made this for you, do you like it? "

Hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung humihinga pa ba ako, dahil sa unang pag kakataon, narinig ko ang boses na matagal ko ng inaasam na marinig manlang.

"I really love you"

Doon ko na namalayan na umiiyak na pala ako, umiiyak ako sa saya, mabuhayan ang kalooban ko at sumibol ang panibagong pag asa.

Na sya lang ang dapat para saakin at wala ng iba pa kong dapat ibigin.

"Charlene!!!!! "

Hmmmn

"Wake up, its gonna be late!!! "

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Vince na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko.

Agad akong napatayo at tumalon ako upang mayakap agad sya ng mahigpit.
Halos hindi na ako makahinga sa sariling kagagawan.

"C-cha, anong ginagawa mo? "

Hindi ko sya sinagot at nakayakap lang ako sa kanya, ilang saglit ay naramdaman ko syang umakap pabalik.

LOVE ME BACKWhere stories live. Discover now