Chapter Twelve
Someone Like Him
Charlene POV
NAGLALAKAD kami ngayon papuntang Studio nila, dahil may practice sila ngayon, magiging busy na sila simula ngayon dahil malapit na ang Competition na sinalihan nila, pero wala na kahit na anumang bakas ng kaba sa kanila kahit sinasabi ng kanilang mentor na magagaling lahat ng kasali, dahil kahit mismong si Sir. Francis walang kahit na ano mang takot ng mag paliwanag sya.
"Ihanda nyo ang sarili nyo dahil magiging maganda ang laban sa pagitan nyo ng mga iba pang kalahok, magiging mahirap sa hurado ang laban na ito ngayon"
Nag sasayaw sila ngayon sa harapan ko, easy lang nilang ginagawa ang practice pero ni saglit ay hindi nila ginawang biro ito, hindi sila tumatawa oh ngumingiti manlang pero, totoo at inilaan nila ang oras na to para sa sayaw.
Mahirap paniwalaan na hindi ko sila makilala ngayon, walang nag bago pero parang may naiba, ngayon ko palang silang nakitang nag practice, at ibang iba ito sa mga nakita ko kapag nasa stage na sila , kung sa laban ay nagagawa nilang ngumiti kapag kaylangan at kapag tugma sa kanta, ngayon ay parang nasa ibang mundo ang isip at diwa nilang lahat.
Bawat galaw nila ay parang may mensahe na ipinaparating sa bawat makakakita nito, na seryoso sila at hindi nag lalaro.
Tumatama ang paningin ni Vince saakin paminsan munsan ngunit parang hindi nya ko napapansin. Gusto kong magtampo at magalit pero hindi ko magawa dahil sa mapang-akit na galaw ng kanyang katawan na nakakapag palunok saakin. Kahit sino ay napapa tanga sa ganda nyang gumalaw.
Sa kabilang banda ay nandoon si Kiell, at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pag babago sa kanilang lahat, lalo na sa kanya, kung ang lahat ay parang naging snob at walang pakialam sa mundo, si kiell naman ay parang umaliwalas ang muka, hindi nakatawa pero alam mong masaya, kesa sa kiell na nag lalakad lang sa corridor at kumakain sa cafeteria.
At ang nasa gitna na makakaagaw ng pansin ng lahat, si Lance. Isang salita lang ang kaya kong sabihin para lang maipaliwanag ang Lance na nasa harapan ko ngayon. Kamangha-mangha.
Bawat ikot at pitik ng kanyang kamay at pag taas ng kanyang mga paa ay sobrang nakakaagaw ng pansin. Sabay sabay lahat sila pero alam mong kakaiba ang kanya, parepareho ng steps pero naiiba ang kanya, dahil sa paraan ng pag galaw nya.
Hindi naging hadlang ang mga titig ko sa kanilang lahat, parang wala ako dito at sila lang ang mag kakaintindihan. Ni hindi kk magawang tumili at sumigaw gaya ng normal na ginagawa ko kapag laban nila, hindi dahil sa prisensya ni Sir. Francis, kundi sa mismong galaw ng kanilang katawan na nag sasabing, tignan mo lang akong mabuti at panoorin ng tahimik.
Natinag ako sa pag kilatis sa kanila ng samdaling tumunog ang cellphone ni Sir. Francis, nasagot agad nya ito ng hindi manlang tumagal ng isang sigundo ang ingay nito.
"Nandito nga sila. Oo lahat. Bakit. Sige sadali nalang ito. No problem. Naiintindigan ko. Sige" doon natapos ang kanyang pakikipag usap.
Tumayo siya ay tinitigan pang mabuti ang lahat, ng matapos ang kanta na tumagal na higit kinse minuto, napuno ng tunog ng palakpak ang buong studio, kahit si sir. Lang ang gumawa nito. Tatlong palakpak na nakapag palapit sakanya ng mga dancer nya.
YOU ARE READING
LOVE ME BACK
Novela JuvenilAko ay isang simpleng babae na nangangarap, nangangarap ng tulog, hanggang pag gising ay pangarap ko pa rin, ang makita ang isang lalaki na nag mula sa panaginip, na pinangarap kong maging totoo, at makasama, hanggang kaylan ako mag hihintay sa kany...
