Chapter Three
Assignment
Masaya akong namamasyal sa park habang may hila hilang aso. Hindi ko alam kung kaninong aso to at saan galing to
Basta namalayan ko nalang na dala ko napala sya,
Habang nag lalakad lakad kami ng asong to sa park.
Nakita ko ang lalaking nag papasaya saakin lagi
Nilapitan ko sya sa may fountain ,nakatingin lang sya sa tubig non.
"Kala ko mag kakatotoo yung wish ko!! Totoo ba talaga? Ikaw sya?"
Ayon sa inaasahan ko hindi nanaman sya sumagot, hay mr. Dream boy , baliw na talaga ako sayo.
Ilang minuto na ganon ang pwesto namin, pareho kaming nakatitig sa tubig ng fountain.
Ng bigla syang humarap saakin, kahit mag kaharap na kami ngayon di ko parin makita ang muka nya, dahil sa sinag ng araw sa likodan nya! Nasisilaw ako.
Agad na tumalon ang puso ko ng hawakan nya ang pisngi ko . .
Lumalapit ang muka nya sakin..
H-hahalikan nya ba ko?
Napapikit nalang ako at nag antay na halikan nya
Pero sa kasamaang palad., biglang tumakbo ang asong hawak ko
At ang resulta ,
Biglang na out balance ang katawan ko,
Shit. .
*blag*
Nasubsob ako sa lupa!
Pero bakit ang tigas naman ata,
Pag mulat ng mata ko, nakita ko ang sahig . . sahig ng kwarto ko.
"A-aray m-masakit yun ahh!" Sabi ko sa sarili ko
Nalalaglag lang naman ako sa kama at sapol ang muka ko. .
Bwisit. .
------------------------------------------------------------------
At eto na nga ang pinaka iintay kong araw. . sobrang saya ko ngayon , hahaha. . excited na ko para mamaya. . mhuahaha . .
Hanggang makarating kami ng school hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko."Ipis ang saya mo ata ngayon?"
Tanong sakin ni vince, nasa cafeteria na kami ngayon kasama si Keill at Lance
Sobrang saya ko talaga ,
"Ayaw mo ba vince? Masaya lang ako ehh!"
This is it. .
"Cha, tandaan mo maliwanag pa huh , mamaya ka pa magiging multo !!" Sabi naman ni Lance.
Nginitiian ko lang sya, sige lang pag binigyan ko kayo ngayon dahil masaya ako
"Malakas na nga talaga ang sayad nito!!" Sabi naman ni Kiell , nagulat naman ako dun , himala lang .
Nginitian ko lang din sya. .
Good vibes charlene. .
------------------------------------------------------------------
CHARLES VINCENT Point of View

YOU ARE READING
LOVE ME BACK
Roman pour AdolescentsAko ay isang simpleng babae na nangangarap, nangangarap ng tulog, hanggang pag gising ay pangarap ko pa rin, ang makita ang isang lalaki na nag mula sa panaginip, na pinangarap kong maging totoo, at makasama, hanggang kaylan ako mag hihintay sa kany...