Zyiella’s POV
papunta kami ngayon sa school na pinapasukan ni bespren. doon na ako papasok ewan ko kay mama kung bakit pa ako gustong ilipat. eh exclusive school yung pinapasukan ni bespren eh. yup! mayaman po si bespren.
"bespren! sana mag kaklase tayo no? excited na ako!" sabi nito habang papasok kami sa gate.
"waaah!they're here!" sigaw ng mga babae sa tabi namin. ang iingay ng mga tao. may artista ba?
"sino daw?" sabi ko kay Kat. ito naman nakikisigaw din.
"they're here! omygash!omygash bespren!" hindi ko siya makausap ng matino. inalog alog pako.
"pwede bespren! huminahon ka. sino ba yang mga yan? artista ba yan?" hindi kami makapasok sa gate kasi nakaharang yung mga tao. grabee talaga!
"enebeyen girl! sikat sila kahit san tapos hindi mo sila kilala?" gulat niyang sabi sa akin. aba kasalanan ko pa kung hindi ko sila killala? tch!
"ha? aba malay ko ba? pake ko sa kanila." sabi ko sa kanya at nakisiksik nalang kami. mukhang matatagalan pa sila eh. nahiya naman ako sa kanila.
"ouch!" sigaw ko. napa upo ako sa pag tulak sa akin.letche talaga tong mga babae no. wala ba silang dignidad? hahaha! dignidad agad?
"hey! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw pa sa akin nung babaeng ginawang coloring book ang mukha! tumayo ako at nag pagpag.
"ikaw ang hindi tumitingin. umiwas na nga ako. ikaw kasi tong habol ng habol sa kung sino man yang hinahabol niyo. tch! nahiya naman ako diyan sa mukha mong coloring book!" at hinila ako ni bespren palayo sa kanya.
"hey new girl." napalingon ako sa new girl. malay ko ba kung ako yun diba. pinakita niya yung hawak niya. omyyyyggggaaaassshhh! yung card ko! tumakbo ako at kinuha sa lalaki.
"thank you." at tinignan ko yung lalaki at nginitian. inisnaban lang ako at umalis na sila.
"what the hell." yan lang ang nasabi ko. grabe nag init yung dugo ko sa lalaking yun ah. ako na ang nag thank you inirapan lang ako. ng bumalik ako kay Kat ay inalog alog nanaman ako.
"omygash bespren! ikaw na! ikaw na ang kinausap niya! waah! I'm so kinikilig sayo you know!" kinikilig niyang sabi. the hell. napa roll eyes nalang ako kay Kat ang ingay ingay eh.
nakapag enroll na ako. scholar lang naman ako dito. para sabihin ko hindi ako mayaman like Kat. kaya hindi dapat ako gagawa ng unecessary things para hindi daw mawala ang scholarship ko. pumunta kami sa mall para kumain. ng matapos kaming kumain ay papunta kami ng NBStore.
"asan na ba yung wallet ko?" kinakalkal ko yung bag ko. alam ko nandito lang yun eh.
*BAAAAM!*
"waaah!" muntik ng bumagsak yung likod ko buti nalang may humawak sa likod ko at nasalo ako. napamulat ako ng mata.
"oh your the new student, right?" napa tayo ako ng maayos. nahiya naman ako sa sobrang daming tao na tumitingin sa amin.
"sorry." yan lang ang nasabi ko at hinila ko na si Kat. naka ngiti kasi ito ng parang ewan. ng makalayo na kami ay nag freak out na siya.
"omygash! first inabot yung card mo ng isa then next nagkabanggaan kayo ng isa. ano kaya yung pangatlo?" nag buntong hininga nalang ako sa mga iniisip niya.
"sige na dito nalang ako. mag kita nalang tayo sa school next two weeks." at nag beso beso na kami. hinatid niya ako gamit yung car nila. yup! late na ako nag pa enroll. ewan ko ba kay mama.
"dito na po ako." sabi ko habang pag pasok ko. wala ng tao sa sala kaya naman umakyat ako sa taas para tignan si mama. hindi naman kami ganun kahirap. may kaya ang pamilya ko. mayaman ang lola ko pero hindi sila nag rerely sa yaman ni lola. tinignan ko yung side table at nakita kong nakainom na ng gamot kaya naman sinarado ko na yung lamp shade niya at pumasok na sa kwarto ko.
