A Letter to my mother

2 0 0
                                    

This is not your usual letter. I wanted to post this one to shout to the world the meaning of this and yet i can't bring myself to do so. Why? Kasi po para sa akin masyado ng maaingay ang facebook. Marami ng post and greetings sa FB na ayaw ko ng makisawsaw kaya hindi na sana ako gagawa ng mala nobelang post. Pero parang mali ata yung naging plano ko.

Kakasimula pa lang ng school year pero bokya na ang wallet ko. Naubos ipon ko dahil sa mga hirit sa summer. Yan tuloy para sa sunod-sunod na special event wala akong panggastos. Nakakahiya naman pong humgi sayo kaya ang ginawa ko na lang hindi na ako bumili ng regalo both para walang inggitan. Pero as it turns out mali nanaman plano ko.

Masakit na makita yung tampo sa mga mata mo. Yung marinig yung galit sa bawat salita mo. Yung makitang kong titingnan mo ako ng may dissapointment. Yung malulungkot na galaw mo na akala mo hindi ka mahalaga sa akin at hindi ko na aappreciate yung mga ginagawa mo.

It hurst because amongst all the people in the world, your approval was all i ever wanted. Your smiles are what brightens a bad day and your Hugs are a smooth balm to my hidden scars. Lahat ng ginusto kong parangal ay inaalay ko para sa inyo ni Papa. Na  mas mahalaga yung mapasaya ko kayo sa achievements ko kaysa doon sa awards mismo. Na mas okay sa akin na may isang araw na hindi kayo magagalit o maiinis kaysa yung mag saya ako kasama ng mga kaibigan ko.

Lahat ng kwento mo tumatak sa isipan ko. Yung walang-wala kayo noon at mas maswerte kami ngayon. Kaya araw-araw nagpapasalamat ako sa mga binigay nyo kahit na minsan nakakalimutan kong wag ubos-ubos biyaya.

Lahat ng mga binigay mo sa akin tinatago ko. Kahit ba yung mga letters ko tinatapon mo lang kasi gawang bata lang.

Araw-araw binabasa ko ang mood mo dahil ayaw kong sumama ang araw mo para sa susunod na araw may energy ka magturo. At kung kaya ko lang papasayahin kita, patatawanin at lalabingin palagi.

Mama, wag na wag na wag mong iisipin na hindi ko po kayo nakikitang naghihirap. Araw-araw po nakikita ko. Araw-araw nararamdaman ko. Pero hindi ko alam ang gagawin. O minsan hindi ko kaya kahit anong pilit ko.

Kahit mag bebente anyos na ako, feeling ko para lang akong puslit na bata pagnakakatabi kita. Nakakalimutan kong dapat maging responsibilidad na ako. Nakakalimutan ko kung papano gumalawa at mag isip ng tama sa edad ko. Hindi ko alam kung bakit pero yung ang totoo.

Kulang po ang I love you, mahal na mahal kita, o ano pa mang transalation na yan sa ibang lingwahe para masabi ng tama yang mga salitang yan.

Kulang ang lahat ng gagawin ko hangang sa mabigyan kita ng isang linggo malayo sa mga problema. Hayaan mo Mama, promise ko, makakbakasyon tayong dalawa lang. No problems no worries, just happy times and relax and chill. For bringing me to this world that's the least i could for you.

Thoughts of a Mad heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon