Chptr II: Now that Im with you AOG

13 1 0
                                    

"Im stock here forever" ang kanina ko pang paulit ulit na sinasabi habang nag lalakad sa di alam na lugar. Di ko na inisip ang mga weirdong bagay na aking nasaksihan gaya ng winter sa pinas at invisible barrier kasi mas iniisip ko na stock na talaga ko dito forever.

*gsssss! Gssssss! Gsssss!* tunog ng mga dahon. Kayat bigla akong napatago sa likod ng isang puno.

"Ho! Ho! Ho! Gladio, saan ka pupunta?" Isang malalim na boses ang akin narinig at alam kong galing yun sa isang malaking tao kasi sa boses palang alam mo na.

Di ko alam kung magiging masaya ba ako kasi alam kong may iba pa palang tao dito o matatakot kasi baka man-eater yung may ari ng boses.

"Gladio! Mag iing-- hmm! May naamoy akong tao" na siyang ikinagulat ko dahilan upang grumabi ang tibok ng puso na ko halos marinig ko na dahil sa lakas ng pag wawala nito kulang nalang ay lumabas siya sa rib cage ko. Dahan dahan akong umupo upang kumuha ng patpat. Alam kong katawa tawa ako this time.

Paunti-unti kong sinulyap ang pwesto kung saan ko naririnig ang boses. Pero-- "Wala namang tao ah". Kaya medyo kumalma ang cells ko.

*flick! Flick! Flick!*

Parang succession sa isang cheerdance ang pagtayo ng aking mga balahibo. Halos lahat na ng pwedeng tumayong balahibo ay nag sitayuan na nang nakaramdaman ako ng tatlong sunod sunod na kalabit sa aking balikat.

Dahan dahan akong lumingon sa'king likod na naka pikit ang kanang mata.

Lingon...

Lingon...

"AAAHHHHHHHHHHH!!" Sabay naming pagsigaw. Oo yung creature na kumalabit sakin at sigurado akong siya rin ang may ari ng boses na kanina'y aking naririnig ay sumigaw rin at nagulat.

"Oy wait chill kalang!" Pagpapakalma sakin nong malaking creature. Tae muntik na akong matawa dahil sa sinabi niyang CHILL. Di bagay sa isang Malaking taong nasa 7 feet ang taas at mahaba ang balbas for short kapre! Pero mas nanaig parin ang takot sa aking dibdib kasi first time kong makakita ng kapre.

"Chill kalang ako si Murgal Clinginston, AOG's robing guard" di ko alam kung kakalma ba ako o ano "taga labas ka noh? P-pero pano ka naka pasok dito?"

"D-di ko alam!! Wag mo kong kakainin!! Stay away from me!!" Sumigaw ako kasi nga natatakot ako bes.

"Oy are you speaking in english ha..." Nagulat naman ako sa pag eenglish nitong kapreng to. Mukha siyang DUDE NA KAPRE. Kung sa tingin niyo nakakatawa yun well hindi mas natakot ako.  "So do you think i'll do that? So do you think I'll just set you free without knowing any informations from you? Ha?" Wow! Wow sana ang sasabihin ko kung di lang ako natatakot. Ikaw ba naman, isang kapreng naka Urban LA english accent di ka ba mawowow? "Promise mabait ako malaking tao lang ako pero maliit rin puso ko. Alam ko iniisip mo isa akong kapre pero hindi" habang sumisinyas pa siyang kumalma ako gamit ang dalawang kamay niya.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. INHALE.. EXHALE... Okey. "S-so anong gagawin mo sakin?" At least nagawa kong makapag tanong ng kalmado.

"Hmmmm..." Siya habang naka tingin taas na parang nag iisip. "Dalhin na muna kita sa principal's office"

"A-anong principals office?!" Gagi pala 'to eh bakasyon tapos dadalhin ako sa principals office.

"Hays.. Oo nga pala! Sige basta sumama kalang sakin" yaya niya "oopss! Wag kang tatanggi kundi kakainin kita" pananakot niyat sabay ngiti. Kanina pa talaga ako naweweirduhan sa lugar na'to at kanina pa akong tinatakot ng lugar na 'to.

*peewwwwweeeeeett* sumipol si Murgal habang naka taas ang kanang kamay na parang may tinatawag. "Gladio~" pakanta niyang sigaw.

*wav! Wav! Wav!* tunog ng isang malaking pakpak ang sunod kong narinig.

"Tara nandun siya" habang nakaturo si murgal sa isang direksyon. Wala naman akong ibang nagawa kundi sumunod ang higpit kasi ng pagkakahawak ni Murgal sa risk ko ang laki ba naman ng kamay nito.

Nag lakad kami ni murgal hanggang sa marating namin ang tuktok ng isang burol na walang nang masyadong puno at nagulat ako sa aking nakita isang Lion na may pakpak ng isang agila. Napanganga ako habang palapit ng palapit kami sa creature na yun na si Gladio.

*peeewwweeeett* sumipol ulit si Murgal upang kunin ang pansin ni Gladio. Nang mapansin ni Gladio ang kanyang amo ay tumalon tumalon ito gaya nang isang tutang nakikipag laro sa kanyang master. Ang cute niyang tignan kahit na ang laki niya. Nang makalapit na kay gladio ay itinaas ni Murgal ang kanyang kabilang kamay at ang cute dinilaan ito ng lion. Tumingin si Murgal sakin at ngumiti at alam ko ang ibig sabihin ng ngiting yun gusto niyang sabihing wala akong dapat ikatakot.

Napakagaling ng lugar na'to masyado ako nitong pina aamaze. Inikot ko ang tingin ko sa palagid nakakarelax ang scenery parang nasa paraeso ako. Medyo mababa ang burol na to pero sapat na upang makita ang mga punong mabeberde at ang mga ibong nag liliparan ang bughaw na langit na may mixture ng orange dahil sa araw, napaka relaxing. Pero umagaw saking atensyon ang isang malaki at napakaluwag na kastilyo sa di kalayuan. Kaya't-- "Murgal? Anong lugar 'to at ano yung kastilyong yun?" Habang nakaturo sa kastilyo.

"Oh kilala mo na ako ah!" Tumawa si Murgal at sinagot yung tanong ko "Ang lugar na 'to ay ang Grandia at ang kastilyo namang yun ay ang AOG o Academy of Grandia." Habang nakangiti.

"Academy of Grandia? Pamilyar"Nagtaka ako kung ano ang Academy of Grandia mukhang pamilyar kasi. Kayat pinilit kong isipin kung saan at pano ko ba yun narinig. Isip Alex isip!

"Oh tara sakay kana sa likod ni Gladio" yaya sakin ni Murgal at napangiti naman ako kasi first time ko'to! Normal wala naman kasi ganitong creature sa mordernong mundo ko. "Pupunta tayong AOG"

Nakasakay na ako kay Gladio at si Murgal naman ay ang nasa harap ko. Unti unti kaming umangat at oo nakakatakot kasi anytime pwede akong mahulog kasi wala man lang kahit anong safety gear.

"Alex? Tama ba? Alex Pearlington" nagulat ako sa sinabi ni Murgal. Wala naman kasi akong naaalalang sinabi ko pangalan ko.

"B-bakit mo alam?" Pagtataka ko. Ngunit tumawa lang si Murgal bilang tugon.

Napakaweird talaga nang lugar na to. Baka naman kasi nananaginip lang ako.

*slaaap!*

"Araaayy!" Sinampal ko sarili ko to check if nananaginip lang ba ako. Ang gaga ko noh? Pero hindi, Hindi ako nananaginip this is real!

Pero anyway narerelax ako at nappreskuhan habang lumilipad kami at pinag mamasdan ang magagandang tanawin. Pero di parin mawala sa isip ko si Brix nasaan na kaya siya? Nag aalala na ako at siguro ng aalala na rin yun sakin. Hays.

At di rin mawala sa isip ko kung ano ang AOG? Kung saan ko narinig? Isip Alex! Hanggang sa namiss ko si Lolo--- at OO! OO! Yun nga..."

"Kay lolo ko narinig ang tungkol sa ACADEMY OF GRANDIA!" Napasigaw ako at napansin kong gumiti si murgal.

So totoo pala ang akala kong kwentong barbero ni Lolo. Totoo ang pangarap kong Paaralan.

-----

Did not see that coming: The Academy of GrandiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon