Chptr XI: Visitor

15 1 0
                                    

"Bawat degree ng mana ay may ibat ibang epekto sa katawan" pag di discuss ni Professor Jo. "Sa bawat pag rerelease mo ng mana ay may kaakibat na advantages at disadvantages, kaya kailangan nating maging maingat sa bawat pag...." Natigilan si Professor Jo sa kanyang discussion sa biglang pag singit ng isang babae mula sa labas.

"Sorry po sa disturbo, maaari ko po bang maexcuse si Ms. Pearlington?" Sabi ng babae na ikinagulat ko kaya tinignan ko sya ng maayos at napansin ko ang damit niyang may astig at magarang desenyo. At as expect lahat ng mga mata'y nakatingin sakin then ako naman eh tumingin kay Jirah sabay turo sa sarili ko na may pagtataka pagtataka sa mukha. Itong si Jirah naman ay tumango lang bilang tugon kaya dahan dahan akong tumayo at tumingin kay Professor.

"Yes you may" sabi ni maam at nag smile. Smile na medyo alanganin.

Nong makalapit na ako sa babae ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pero syempre di ako magpapatalo tinignan ko rin sya mula paa naman hanggang ulo. Pero natigil ang tingin ko sa may parteng left na dib dib ng shirt niya dahil sa naka sulat na Eques kaya nanlaki ang mata kot tinignan ang mukha niyang nakangiti. Hindi yung creepy smile, yung natural lang. Baka kasi iniisip yung pang horror scene. Haha!

"Ohh!" Nagulat sa bigla niyang pag hawak sakin at ang sunod ko nang natunghayan ay ang pagdilim ng mga paningin ko ng ilang sigundo kaya napapikit ako.

"Buksan mo mga mata mo" rinig ko mula sa babae kayat itinaas ko yung mga talukip ng mga mata ko.

"Wooaaahh!" Ang aking tanging nasambit sa aking nakita. Nasa ibang lugar na kami kayat napanganga nalang akot nanlaki ang mga mata. Ang astig napakabilis ng teleportation di kagaya nong kay Cassy medyo natagalan ito isang kisapan lang ng mata nasa ibang lugar kana. Ganito pala mga member ng Eques.

Medyo familiar ang lugar, mukhang napunta na ako dito

"Welcome sa Council" sabi nong Babae at nag smile sakin.

"Seriously?! Bakit?" Daglian kong reaksyon sa sinabi niya. Kaya pala familiar tong lugar na to eh.

"Yes, why?" Pagtataka nong babae

"Dahil, sa lahat ng parte ng Academy ito ang pinaka ayaw ko ang council!.. Bukod sa ang weird ng mga gamit sa loob ay nakakatakot ang mga tao dyan" paliwanag kot sabay turo sa pinto sa aming harapan.

"Paalam po Madame Waddleton" pagpapaalam nong babaeng nag hatid sakin dito.

"Okey, salamat Myura" sagot naman ni madame.

"Hmmm! So ngayon Ms. Pearlington marahil ay nag tataka ka kung bakit pinatawag ka dito sa council" Wika naman ni Madame sakin habang naka taas ang kaliwang kilay samantalang ako ay tumango lang

"May importanteng bisita ka ngayon Ms. Pearlington kaya umupo ka muna dyan at mag hintay" paliwanag ni Madame in mataray accent habang ako naman ay nagtataka kung sino o ano ba ang importanteng bisita ang sinasabi ni Madame.

Tumahimik ang paligid matapos ng pagpapaliwanag ni Madame Waddleton yung tipong yung tunog ng mga ibon sa labas na lamang ang iyong maririnig, ganon ka tahimik.

*Creek*

"Here you are Mr. Felix Pearlington" pagputol ni Madame sa ilang minutong katahimikan at tumayo.  Wait... Did she just say Felix Pearlington? Sinabi niya ba ang pangalan ng lolo ko? OMG!.. Totoo ba?!.. Kayat dahan dahan akong humarap sa likod kung saan nakapwesto ang pinto. With slo-mo effects pa. Yung mga pang teleserye pag magkikita na yung leading man tsaka yung leading lady. Ganern!

Did not see that coming: The Academy of GrandiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon