Gulong to the left...
Gulong to the right...
Move to the top...
Move to the buttom...
Tuwad to the side..
Taob to the side..
Sht kanina pa akong alas otso dito at ngayon ala una na ng madaling araw pero di parin ako makatulog. Ano ba naman to nag halfbath naman ako! Malambot naman ang kama! Di naman ganon ka init! Ano ba to bat di ako makatulog. May insomnia na ba ako? Kung hindi ako nag si-17 di ako dadapuan ng insomnia? Ganern? o di kaya sobrang excited lang talaga akong pumasok. Hays ano ba naman to? di ako pwedeng magpuyat unang araw ng pasok ko bukas di ako papayag na malelate ako. Kailangan ko nang.... Zzzzzzzzz!
"Aray ang init!" Sigaw ko at agad akong napabangon sa aking higaan.
"Ignis naman sinobrahan mo sa init!" Saway ni Ate A kay ate Nis na pinaso ako gamit ang kamay niya para magising ako.
"Ate Nis naman sobrang init naman non" sabi ko at hinahaplos yung braso kong pinaso niya.
"Hala sorry Alex" pagsosorry niyat tumawa "Nix lamigan mo muna tong braso ni Alex" tawag ni Ate Nis kay Nix habang tinuturo yung parte ng braso kong pinaso niya.
"Ayan malamig na ba?" Tanong ni Nix habang hinahaplos ang braso ko. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng kamay ni Nix na mistulang nagyeyelo na ang kamay niya sa lamig.
"Oo nix medyo okey na, salamat" wika ko sa kanya.
"Sige na bilisan nyo na at kakain pa tayo" paalala ni ate A "at baka malate pa tayo" At naalala kong unang araw ng pasok ko pala ngayon.
Di ko maexplain ang nararamdaman ko parang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Sasabog na ata tong puso ko. Charoot!
"Hoy baba na! Nasa hapag na ang pagkain"sigaw ni Ate A.
Agad naman kaming nag sibabaan. Nang makarating kami ng kusina ay kanya kanya kaming upo, timpla at pulot ng Pancake na luto ni ate A. Ako ang naunang natapos sa pagkain at agad naman akong naligo ng mga 10 minutes. 10 minutes lang pang book of record. Oo ganon ka bilis! excited eh. HAHA!
"Hala tong si Alex ambilis kumilos halatang excited" salat ni Nix at nagtawanan sila.
"Yaan niyo na ako unang araw ko eh" tugon kot tumawa.
6:03 ang oras kaya medyo maaga pa 8 pa kasi ang unang subject ayon kay Nix. Pagtapos kung maligo ay agad akong nag suot ng uniform ko. Nang maisuot ko na lahat mula bow hanggang sapatos ay di ko mapigilang tignan ang sarili ko sa salamin. Infairness ang ganda ko sa uniform na to sana araw araw nalang akong naka uniform para araw araw akong maganda. Diba?
Naisip kong kunin ang phone ko.
Nang makuha ko phone ko ay agad akong nag selfie alam mo naman buhay millennial. Haha! Habang nag seselfie ay pumasok si Nix sa kwarto.
"Hala! Alex? Pano ka nakapag dala ng phone dito sa grandia? Di kaba dumaan sa checkpoint?" Gulat na tanong ni Nix.
"Ah bakit Nix?" Tanong rin ang tinugon ko sa tanong niya.
"Kailangan kasing i surrender lahat ng gadget na meron ka pag papasok ka ng Academy"
"Di ko alam yun. Sa taas kasi kami dumaan ni Murgal dahil nakasakay kami sa alaga niyang si Gladio" paliwanag ko kay Nix.
"Hala? Sure? Sumakay ka kay Gladio?" Amaze na tanong ni Nix na nan lalaki ang mata at ngiting abot sa taenga.
"Oo at bakit na naman?" Tanong ko na naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Did not see that coming: The Academy of Grandia
FantasíaThe story is all about the life of Alex Pearlington. Nag simula ang lahat ng aksidente niyang napasok ang boarder ng Isang tago at sekretong Academy na minsan niya na ring pinangarap dahil sa mga kwento ng Lolo niya. Tunghayan ang adventures at exp...