Chptr V: The Letter

4 1 0
                                    

"Oy Alex gising! Gising!" Ang gumising sakin mula kay Nix na patalon talon sa kama ko. Oo ganyan sya mang gising, talagang kakalampagin ka. Nga pala isang linggo na akong nananatili dito at isang linggo na rin akong bantay ng bahay nila nix pero kahit na isang linggo ba ako dito wala pa akong nagiging kaibigan kasi never pa akong lumabas.Haha!

"Oh ano Nix? Siguradohin mong importante yan at pinutol mo ang pantasya ko" Sabi ko sa makulit at malikot na Nix.

"Oo naman! Guess what!" Sigaw ni Nix halatang excited siya sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Hmmm, magpapaturo kana namang mag luto ng adobo?" Hula ko, dahil nong isang araw pinagluto ko sila ng adobo tapos kinabukasan ginising ako ng pagka aga aga na akala ko kung anong importante ang kanyang sasabihin, mag papaturo lang palang mag luto ng adobo.

"Hindi Alex! Look what I've got!" Sabi niya habang winiwave ang hawak niyang sobre.

"Ah papagawa kana naman ng letter?"  Hula ko at Im sure this time tama na to kasi kahapon lang ginising ako dahil papagawa daw siya ng letter at may dala rin siyang sobre.

"Hindi~~" pakanta niyang sabi.

"Eh ano ba yun? Kahapon ginising mo rin ako at may hawak karing sobre tapos nag pagawa ka ng letter"explain ko.

"Hindi nga kasi, sige wag na nga lang" at bumaba siya ng kama tapos nag lakad papuntang pinto "sayang naman tong letter mula sa Council"

"A-ano?!" Nagulat ako at parang nabingi pero sa totoo lang naintindihan ko naman. Gusto ko lang ulitin niya. Para sure kung yun na nga ang narinig ko.

"Wala! Sabi ko letter lang naman to mula sa Council!" Sagot ni Nix habang binubuksan ang pinto.

Agad naman akong tumayo at tumalon mula kama gawa ng excitement. Mistulang nag paparty lahat ng cells ko sa loob ng katawan ko ng marinig ko ang sinabi ni Nix na LETTER MULA SA COUNCIL. Dahil sabi ni Ate Nis sakin na pag dumating na daw ang letter mula sa council dalawa lang daw ang rason non una ay pinapalaya na nila ako at makaka uwi na ko saking mundo which is good at pangalawa is dito na muna ako mag istay at dito mag aaral which is good then so kahit na anong rason yun approve ako kaya ganito ako kaexcited.

Hinabol ko si Nix at hinawakan yung braso niya bago pa siya makalabas ng kwarto.

"Nix asan na basahin natin!" Excited kung sigaw.

"Di wala na ayaw mo naman eh!" Sabi ni Nix habang nakapout.

"Hoy wala akong sinabing ayoko!"

"Di joke lang halika!" Tumakbo si Nix papuntang kama ko at umupo habang tumatawa. "Halika na kasi! Ambagal mo promise!"

Oh kita mo siya pa pala mas excited sakin. Sigurado akong binabasa niya utak ko ngayon kaya iisipin kong maganda ako. As in super ganda.

"Di ka maganda halika na dito!" Sigaw niyat tumawa. Kita niyo sabi ko na ngaba eh.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong umupo sa tabi niya at hinablot yung sobre.

"Akin na ako mag babasa! Tutal nababasa mo naman utak ko eh" sabi ko at tumawa ng malakas tapos inirapan niya lang ako.

"Edi bahala ka!" Irap niya.

Dahan dahan kung binuksan ang sobre para intense and suspdense at dahan dahan ko ring binuksan ang naka tiklop na papel sa loob. And here's the content.

"Magandang araw Binibining Pearlington,

Ito ay mensahe mula sa Council of the Head Master na nag sasabing ikaw ay  pinapayagang manatili sa Academy of Grandia at dito na mag aral ng iyong Senior High School. At ang kahong ito ay ang iyong mga gagamitin sa pag aaral.
Maligayang bati at naway umayon ka sa aming desisyon.

Mr. Rion Clockwork
Prime Head Master "

"Oh my gosh Alex! Ganap kanang Grandian!" Pasigaw at excited na sabi ni Nix habang inaalog alog ang katawan ko. Oo as in pareho kaming excited di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon kakaibang saya at excitement ang aking nararamdaman pero some part of me is malungkot kasi di man lang alam ni Mom, Lolo at ni Brix kung ano na ba kalagayan ko ngayon. Siguro nag aalala na ang mga yun. Hays.

"Wag kang mag alala Alex gagawa ang council ng paraan para malaman ng mga kamaganak mo ang kalagayan mo tandaan mo yan" pagcomfort sakin ni Nix habang hinimas himas ang likod ko. At tumango lang ako sa kanya at nag smile.

"Nga pala anong box ang sinasabi dito?" Tanong ko sa kanya habang itinuturo ko yung sulat.

"Aysus yung box naunang nang buksan nila Ate sa baba"  sabi niya at umirap habang naka turo ang thumb sa likod niya. "Alam mo naman ang mga yun mga chismosa" at nag dramatic sigh sya at tumawa lang ako bilang tugon.

"Tara tignan natin gusto ko nang makita ang mga gagamitin ko" excited kong yaya habang niyuyugyog ang katawan niya.

Umuna na akong maglakad pababa at medyo mabilis ang lakad ko. Alam mo naman excited. HAHAHA

Nang makarating ako ng hagdan ay kinalma ko ang sarili ko para kunwari chill lang ako at hindi excited. Feeling cool kumbaga. HAHA! Pero nang makalapit na ako kina ate Nis at ate A ay di ko mapigilan ang sarili kong maging excited.

"Ate! Ate! Ano bang laman?" At yun nga di ko talaga napigilan. Wala kasing mapagsidlan ang excitement ko kusa silang nag silabasan.

"Hala buti naman nagising kana Lelex!" Bungad agad sakin ni ate Nis "tignan mo to oh" excited niyang pagkakasabi habang hawak hawak ang uniform ko na bigla ko namang hinablot sa kanya.

"Shemay! Ang gara neto! Gusto kong isukat!" Habang sinusukat sukat ang uniform ko.

"Ito rin oh tignan mo!" Agaw naman ni ate A sa atensyon ko habang hawak ang isang notebook at isang wand. "Ang swerte mo bagong model ng Witch-one ang wand mo! Nakakainggit naman buti pa ikaw naka flasFlick300 kana" Dadag pa niya't nag pout.

"Mag laway ka sa inggit ate!" Singit ni Nix at nag behlat kay ate A "yung pinag iipunan mo libreng binigay lang kay Alex!" Dagdag pa niya't nag behlat ulit.

"Bakit ikaw ba meron ka niyan? Eh release450 kalang naman ah!" Pagkampi ni ate Nis kay ate A.

Natawa nalang ako sa magkakapatid. Kinuha ko yung wand ko kay ate A at pinagmasdan ito. Ang gara ng wand na to ang ganda ng design at ang gaan. Kaya pala sikat na sikat ang wand na'to at ayon kay Nix ito raw ang pinaka mahal na wand dito sa Grandia na tanging ang mga nasa royal family lang ang makakabili kayat di ko talaga insip at enexpect na magkakaroon ako nito.

"Papasok kana bukas Alex kaya dapat ihanda mo sarili mo sa iyong mga makikita" sabi ni ate Nis at nag tinginan ssilang magkakapatid at nagsingitian.

Ano kayang ibig sabihin ni Ate Nis? Ihanda ang sarili ko? Pero pano?

----

Did not see that coming: The Academy of GrandiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon