Chptr VII: What Class?

4 1 0
                                    

"Sure, easy!" Sabi ni cassy sabay hawak saming dalawa ni Nix "just close your eyes" request niya na sinunod naman namin.

Habang nakapikit ay iniisip ko kung ano ba ang mang yayari o ano bang aking mararamdaman pag mag teleport na kami. Syempre curious ako kasi this is my first time, wala naman kasing ganitong experience sa Normal World. Im waiting for some changes. Still waiting... Still...

"Open your  eyes!" Rinig kong sabi ni Cassy. Nagulat ako nang pagkabukasko ng mga mata ko ay nasa ibang lugar na kami I mean ibang setting pero halatang sa academy parin to. Kayat napa nganga ako at inisip kung pano nang yari yun at ano ba ang nang yari. Nilibot ko ang tingin ko't pinag masdan ang paligid, nasa hallway kami ibang hallway sa kaninang pure hallway lang ngayon is may mga doors na at di ganon ka luwag at di ganon ka rami ang tao dito.

Ang cool ng ability na yun teleportation ability. Example gusto kong magshopping tapos tinatamad akong mag biyahe. Mag papalit lang ako ng damit tapos mag teteleport. ANG COOL! <3 tapos siguro never akong malelate sa school non!

"Oh ano Alex nganganga ka nalang ba dyan at di ka papasok?" Rinig kong sabi ni Nix na nasa likod ko. Nilingon ko sya at nakita ko silang pumapasok sa isang pinto.

"Ahh..... ito na ba yun?" Pagtataka ko.

"Oo papasok ba kami kung hindi?" Tugon naman ni Nix sabay tanong

"Oo nga naman.. Papasok ba kung hindi" sabi ko sabay tinaas taas ang dalawa kong balikat. Sumunod na ako sa kanila papasok.

Nang makapasok kami sa Office ng consultan ay napa"Oh my Gosh!" Ako dahil sa bumungad samin ang isang Lalaking nag liliwanag ang kamay. Napanganga at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita at patuloy parin na nakikita. First time kong makakita ng taong street light! Hindi joke lang. HAHAHA! Ang astig talaga nakakasaksi ako ng supernatural things  ng live.

"Good morning Professor Chamber!" Masiglang bati ni Nix sa Lalaking umiilaw ang kamay. At natigilan naman ang Lalaki sa ginagawa niya at lumingon samin.

"O-oy Nix? Sorry di ko kayo napansin" sagot naman nung Professor Chamber "sorry nag p-practice kasi ako nang bago kong Mana" dagdag niya't ngumiti sabay kamot ng batok niya.

Ha? Ano yung mana? Yun ba yung pag namatay si lolo tapos binigay niya sakin yung mga lupa niya? Bat prinapractice? O.o nakakabobo! Haha

Lumapit kami sa table ni Professor at umupo.

"Sorry din po Sir sa disturbo" tugon naman ni Nix kay Professor.

"Ano pala pakay niyo dito mga hija?" Tanong ni Professor samin.

"Ito po kasing kaibigan ko" ani nix at tinuro ako.

"Oh ano naman siya?" Tanong ulit ni Professor at inayos yung glasses niya habang tinitignan ang mukha ko't nakataas ang kaliwang kilay na mistulang nag tataka. Bat ganito nalang to maka tingin sakin? Nag dadalawang isip ba to kung tao ba ako o dyosa. Hihi! Gusto ko sanang sagutin na DYOSA AKO. Hahaha!

"Bagong pasok po kasi siya, di pa niya alam section niya" sagot naman Nix at ngumiti.

"Owkey" sabi ni professor at tumango tango "ano ba pangalan nitong dilag na'to"

"Alex Pearlington po" at ako na ang sumagot. At napansin ko ang dahang dahang pag distansya ni Professor sakin at sabay nito ang panlalaki ng mata niya.

"P-pearlington?!" Sabay na tanong ni Professor. Ano ba kasing meron sa Pearlington at ganon nalang siyang makareact.

"O-opo" alangan kong sagot. At lumingon ako kay Nix ngunit di ako nilingon ni Nix dahil nagtitinginan sila ni Cassy.

"Hmmkey, check ko lang sa master lists" sabi ni Professor at may kung anong kinuha sa ilalim ng table niya "tignan natin" dagdag niya sabay bukas sa librong kinuha niya.

"Anong grade kana ba?" Tanong ni Professor habang nakatutok ang tingin at ang hintuturo sa libro.

"Grade 11 po siya professor" sagot ni Nix. Tumango tango lang si professor habang iniscan every page ng Libro.

"Wala namang pearlington sa master list" sabi ni Professor habang naka tingin sakin at naka taas ang kaliwang kilay.

"Hala bat ganon Professor?" Pag tataka ni Nix

"Sandali lang try kong i'refresh" sabi ni Professor at itinapat ang palad niya sa libro at may kung anong pinagsasabi. Napansin ko ang dahang dahang pag ilaw ng kamay ni Professor na naging rason ng aking pag distansya sa table niya at nang panlalaki ng mata ko.

"Amazing" napabulong ako at napatingin naman si professor sakin at ngumiti.

"Okey done!" Sabi ni professor nung nawala yung ilaw sa palad niya.

"Sige po professor paki hanap nalang po ng makapasok na kami" request naman ni Nix

"Owkey, High school of royal..... Wala... High school of Warriors.... Wala... High school of Elements.... Wala... High School of Witch craft.... Wala parin... High school Special Mental ability.... Same... High School of  mutants... Wala rin... High school of Healing... Wala din" sabi ni Professor habang hinahaplos ang bawat page na dinadaanan niya.

"Talaga ba professor, wala talaga?" React ni Nix "nakakapag tataka naman yun" at nag pout.

"Wala talaga mga Ija" sagot ni sir at umiling iling.

Natahimik kaming apat at tumingin ako kay Nix na nakatingin rin sakin.

Mahigit isang minuto kaming natahimik ng...

"Oh baka naman nasa no mana siya" pagputol ni Professor sa katahimikan. At napansin kong si Nix at Cassy ay gulat na nagkatitigan.

"Oh bakit Nix? Ano bang problema?" Tanong ko kay Nix.

"Ibig sabihin ng No Mana ay mga estudyanteng walang ispesyal na abilidad sila yung normal na tao" seryosong sagot ni Nix.

"No Mana, di masamang pakinggan pero minsan ay tinatawag silang mga alipin" nilingon ko naman si Cassy

"Sila yung mga walang karapatang sa ano mang klase ng pag titipun na may kaugnayan sa digmaan at labanan" Dagdag namn ni Professor.

Ramdam ko ang pag seryoso ng paligid at biglang nag iba ang ihip ng hangin at awra sa paligid.

"Kung ganon, kung nasa No Mana class ka nga di kami pwedeng lumapit o magkaroon ng closure sayo" Kabadong sabi ni Nix.

"B-bakit naman?" Utal kong tanong.

"Ang pagiging No Mana ay isang sakit once na magkaroon ka ng closure sa isang No Mana malaki ang tyansang mahawan ka niya" sagot ni Nix

Na naging rason ng aking takot.

"Ipagdasal mong di ka kabilang dun" pahayag ni Professor at binuksan ulit ang libro. "No Mana class..... " habang hinahaplos ni professor ang isang pulang pahina ng libro samantalang ako di mapigilan ang kaba at pagtataka.  Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko ngunit di ko magawa talagang kinakabahan ako di ako mapakali sa inuupuan ko.

"No Mana class....."

-------

Did not see that coming: The Academy of GrandiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon