Chpter I: fall for you AOG.

27 1 0
                                    

"Hoooy Brix hintay naman!" Habang hinahabol ko yung boy bestfriend kong si Brix Ignacio na kanina pang obsessed na makita ang sinasabi ni lolong malaking puno sa gitna ng kagubatan.

"Bilisan mo kasi bes, excited na ako" nagmamadali siya at ayaw talagang mag minor.

Btw, bakasyon namin kaya nasa probinsya ako sa bahay ng lolo ko at sinama ko tong boy bestfriend ko para atleast man lang mabawasan ang boredom.

Imagine walang baon, walang barkada, di pwede lakwatsa, minimal ang pag gamit ng phone kasi walang signal, at higit pa dun ay ang itsura ng village na kinatitirikan ng bahay ni lolo; napaka tahimik, walang mga teenagers as in wala kaya minsan nag tataka ako. Mga luma ang mga bahay at pinaliligiran ang village ng kagubatan kaya wala ang lugar na to sa mapa.

See makakaya ko ba yun? Makakaya ko ba ang ganong buhay, kasama ako sa mga naturingang millennials kaya malamang hindi ko kaya ang ganong buhay! I want a WILD AND FREE LIFE. YOLO kaya ayokong masira teenage life ko.

Ewan ko nga kung bakit pinilit ako ni lolong sumama sa kanya. Hays. Syempre mahal ko 'tong lolo ko kaya di ako makatanggi kahit na medyo labag sa loob ko. Siya kasi yung tumayong tatay ko mula nong namatay si Dad nong akoy 4 years old pa lamang.

...Back to the story...

"Brix naman kasi baka mawala tayo!" Takot na takot na ako this time kasi medyo malayo layo na rin ang aming nalalakad i mean natatakbo.

"Memorya ko yung daan, dont you worry" ang hambog talaga nito kahit kelan.

"Wait itali ko lang shoelace ko" at yumuko ako para yun nga ayusin sintas ko.  "Wait lang ah"

"Done na-- B-brix?" Naman kasi sabi nang hintay eh. Gagi yun di ko pa naman alam daan pabalik.

"Brix? Naman eh! Lumabas kana please wag na tayong mag taguan!" Sigaw ko dahil di na 'to biro natatakot na ako. Matatakutin kasi ako.

"Brix? H-hintay! I mean labas kana!"  Pananawagan ko sa bestfriend ko gamit ang takot kong boses.

Takot na takot na ako. Mag tatatlong minuto na rin akong nakatayo dito at tawag ng tawag sa pangalan ng bes ko kasi yun lang naman ang alam kong gawin sa ngayon. Hanggang sa nag kasundo ang utak at katawan kong lumakad.

Lumakad ako ng diretsu as in diretsu lang, yun kasi yung naalala kong sabi ng lolo, diretsu lang at alam kong yun rin ang gagawin ni Brix. Dahil dun medyo na buhayan ako.

Deritsu...

Deritsu...

Likong kanan...

Deritsu...

Wait bat ako lumiko sa kanan? Shet! nawala na ako. Di ko na alam kung saan babalik. Tae iiyak na talaga ako! HUHUHU! OA na kung OA bastat ang alam ko nawawala ako.

*Grrrrr! Grrrrrr! Grrrr!*

Gutom na ba ako? T'yan ko ba yun ang lakas naman ata? Bat may naririnig akong tunog monster?

*Grrrr! Grrrr!*

Ah di naman pala t'yan ko. Mula sa sa likod pala yung tunog. A-ANO-- "M-mula s-sa l-likod?" Dahan dahan akong lumingon sa likod ko upang icheck kung ano ba yung naririnig kong sound.

At.. "Doggy! Please be good to me! Cho cho!" Lobo ang tumambad sakin. Not one, not two but a lot of them mukhang timing ata ako sa family reunion nila. OMG ALEX! Nagawa mo pang mag joke eh nasa edge kana ng kamatayan.

Buti nalang at nakapag process agad si brain ko at nakacatch up ng tamang gagawin at yun ay ang... Mag selfie ng may maipost ako sa Ig at fb sabay caption "once upon with wolves"... De tange! Kundi tumakboooooooooo!

Takbo aleeexxx! At syempre as expected hahabol yung wolves. In fairness ang bilis kung tumakbo minsan lang to. 50 kph! Wow kakaw! Takbo alex kung ayaw mong malapa yang beauty mo!

Ilang minuto na akong takbo ng takbo at di parin ako tinatantanan ng mga lobo. Wait mukhang lumamig naman ata? Hanggang sa nasa lugar na ako na mukhang winter. Oo winter talaga! Tumtakbo ako this time sa snowy road. Ang weird snow sa summer? At higit pa dun snow sa pinas? Edi amaze. Pero di parin ako tumigil sa katatakbo kasi nasa likod ko pa yung mga wolves. Kainis ang sarap sana mag selfie dala ko pa naman phone ko, pero epal tong mga lobo kaya tatakbo nalang ako.

Hanggang sa... "AAHHHHHHH! TULOOONNGG!" nahulog ako sa isang bangin.

*boink! Boink! Boink!* tunog ng pag bounce bounce ko pababa.

Aray ko beh. Ang sakit. Mukhang lahat ata ng bones ng body parts ko may damage.

Pinagpag ko shorts at damit ko. Buti nalang at wala na yung mga wolves. Hashtag feeling safe! Haha

"Safe na nga pero di ko naman alam da--" natigilan ako ng nakarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Alex is that you?"At yun ay ang boses ni Brix na siyang bumuhay sa nawawalan ng pag asa kong katawan. "Alex? Nasaan ka? Narinig kita lumabas ka"

Humarap ako kung saan nag mumula ang boses. At nakita ko ang bestfriend sa taas kung saan ako nag mula bago mahulog. Mas nabuhayan ako ng makita ko siya.

"Brix! Buti nalang nandito kana!" Sumigaw ako upang makuha ang atensyon nyat makita ako. Pero mukhang mahina pa ata sigaw ko. Kaya..

"Brix! Nandito ako sa baba!" Mas nilakasan ko pa sigaw ko. "Brix hoooyyy!" Mas malakas pa "Brix ditooo!" Mas malakas pa. Pero parang di niya ako makita't marinig.

"Hays baka guni guni ko lang yun, nasan kaya siya" rinig kong sabi ni brix alam kong medyo mataas ang kinatatayuan niya pero malapit na para marinig ko "Maka alis na nga wala naman siya dito"

Hala gagi. Ano? Bat aalis siya. "Hoy brix! Andito akooo" sumigaw ako ng pagkalakas lakas pero mukhang di effective di niya ako marinig.
Kumuha ako ng bato upang batuhin siya pero nagulat ako nang pagkabato ko-- "hala? bat bumalik yung bato?" ay nag bounce back lang ang bato sa ere di ko alam kung bakit o saan kayat inulit ko ulit pero ganon parin ang nangyari. Sa unang bises di ako naweirdohan pero sa pangalawa ay napa isip na akong ng kung anu ano.

Sinubukan kong akyatin ang bangin pero nong nasa kalagitnaan na ako ay dapat aabutin ko ang isang ugat pero may kung anong nakaharang sa ugat kayat sinubukan ko ulit na abutin ang isa pang ugat pero ganon parin mukhang may naka harang na salamin na hindi ko makita. Basta ang hirap i explain basta ang alam ko may nakaharang. Kaya't sumubok ulit ako sa ibang parte pero ganon parin.

Hanggang sa naalala ko ang sabi ng classmate kong weirdo na mahilig sa anime ang tungkol sa invisible barrier at baka ito yun kaya pala di umaabot bato ko at kaya pala di ako marinig ni Brix kanina.

At dun lang nag sink in sa utak ko na... "Because of a-... Im stock here forever" dahan dahang nagsibagsakan luha ko at paulit ulit na nag eecho sa isip ko ang sinabi kong IM STOCK HERE FOREVER.

Did not see that coming: The Academy of GrandiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon