And after 10 years narating din namin ang dorm ni Nix na nasa kabilang ibayo ng academy. Well this place is different sa iniimagine niyong dorm. Ang lugar ay parang subdivision papasok ka sa isang gate na may naka sulat na GRANDIA'S DORM VILLE at yung mga dorm na sinasabi ni Nix ay mukhang mga bahay as in yung bahay talaga at naka subdivision style at ang super luwag ng ville. Sa una inisip kong isang dorm na may mga higaan at maliit na kusina pero hindi, kumpleto sya may kusina, sala, terrace at 4 na kwarto.
Pagkapasok namin ng bahay ay walang katao tao at ang linis ng bahay marami ang flower decorations nakaayos ang mga kurtina yung tipong araw araw nililinis. Napakapresko.
"Alex, feel at home" sabi ni Nix at ngumiti siya "gusto mo ba na cookies?" Tanong ni Nix sakin.
"A-ah hindi, okey lang" sagot ko pero to be honest gutom na akooooo T_T nahihiya lang talaga ako. Huhuhu!
Umupo ako sa sofa ng bahay habang si Nix ay nag punta ng kusina at may kung anong kinuha. Nagulat naman ako nang bumalik siya ay may dala siyang cookies at kape.
"At alam kung gutom ka, wag kanang mahihiya" sabi ni Nix at tumawa. "Wala kang maisesekreto sakin Alex" at tumawa siya at tumawa na rin ako ng pilit.
"A-anong walang maisesekreto?" Nacurious naman ako.
"Diba sabi ko ang paaralang to ay para sa may mga espisyal na abilidad well may dalawang special abilities ang meron ako first is I can control and summon Ice at pangalawa ay mind power, I can read your mind at kaya kung makipag usap gamit ang utak ko sa taong may ganitong ability din kahit na napaka layo niya" explanation niya habang nangiti. Ako naman ay amaze na amaze at nakakanganga lang ako habang nakikinig. At bigla akong napaisip
"S-so alam mo yung mga iniisip ko kanina?" Nahihiya kong tanong napaisip kasi ako kung alam niyang naattract ako sa kanya kanina. HAHAHAA! Nkakahiya
"Oo alam ko lahat" natatawa niyang sagot.
"Tae nakakahiya talaga!" Haha! Natawa nalang ako sa sarili ko. Ang hirap palang maging kaibigan tong si Nix. HAHA.
"Oo mahirap talaga akong maging kaibigan, no secrets" sabi niya. Nagulat naman ako sa kanya. Tae talaga nababasa niya nga yung iniisip ko. Ang astig.
Napansin kong tumawa lang siya. At bigla kong naalala kanina si Professor McKeddy yung pag pikit niya di kaya mind power din ang ability niya at nang sinabi ni Madame na tawagin si Nix ay pumikit lang siya para kausapin si Nix at papuntahin. Yun kaya yun? Oo ba--
"Oo yun yun. Tinawag ako ni Professor sa pamamagitan ng mind ability kaya napansin mo siyang pumikit" nagulat na naman ako nang biglang nag salita si Nix at tumawa ng malakas.
"Ang astig ng ability niyo!" Nakakaamaze ng mga to.
"Astig talaga!" Sagot naman niya at tumawa.
"By the way, Nix bat ang tahimik naman ata ng lugar na 'to?" Usisa ko kasi pansin kong walang kataotao sa Ville nang pumasok kami.
"May pasok kasi ngayon Alex kaya walang tao sa Ville" sagot naman ni Nix
"Aahh.. Ganon ba?" Tanging sagot ko.
Umakyat si Nix sa taas at naiwan ako sa baba habang kumakain ng cookies at umiinom ng kape. Nang bigla akong napatingin sa antique na wallclock sa bahay nila Nix at napansin kong 7:08 palang ng umaga at nag taka naman ako kasi kanina nang umalis kami ni Brix sa bahay ni Lolo ay mag fa 5:00 na ng hapon tapos dito 7:08 ng umaga? Ang weird talaga. Kaya naisip kong kunin ang phone ko sa bulsa ko at napansin ko ring 7:08 am din ang oras. Nakakagulat naman. Ang magical talaga ng lugar na to. Everynow and then akong napapa amaze.
Nang makababa si Nix ay napa wow ako sa suot niya. "Hala ang ganda naman!" Di ko na napigilan yung sarili kong gandang ganda sa Uniform na suot ni Nix; orange bow, white long sleeves na may linings na orange, at pinartneran ng grey blazer na may orange din na linings, above the knee na grey na palda, at white knee sock. Lalong mas gumanda si Nix sa suot niya.
"Maganda talaga ang uniform ng AOG" sabi ni Nix at umikot siya. Edi ikaw na dyosa. Hahaha!
"Nga pala Alex, yung kwarto mo nasa taas yung huling kwarto sa left side, feel free" paalala ni Nix habang inaayos gamit niya.
"Salamat Nix, maya maya nalang ako aakyat pagkatapos ko dito sa Cookies na bigay mo" nginitian ko si Nix.
"Sige Alex pasok na ako medyo late na kasi" ngumiti rin siya "bye see you later" paalam niya.
Nang makaalis si Nix ay humiga ako sofang kinauupuan ko at huminga ng malalim inisip kung bakit ba ako napunta sa lugar na 'to o kung ano nga ba ang ginagawa ko dito. Disgrasya lang ngaba o sinadya ng tadhana. Hay ewan basta ang alam nandito na ako sa pangarap kong paaralan wanted man ako at least nakapasok ako. Makatulog na nga muna.
"Hoooyy! Sino ka?!" Rinig ko mula sa di kilalang boses ng isang babae. Kasabay non ay ang pag yugyug niya sa aking katawan.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at isang babae ang aking nakita di pa ganon kaklaro ang akin paningin dahil sa kagigising ko lang. Kinuskos ko ang aking dalawang mata gamit ang aking kamay upang maklaro ko ang mukha niya.
"Sumagot ka! Sino ka at anong ginagawa mo dito sa dorm namin?!" Pasigaw na tanong ng babaeng gumising sakin.
Nang maiklaro ko na ang paningin ay kasabay din ng pagklaro ng utak ko at bigla kung naalalang nasa bahay pala ako nila Nix. Nang maalala ko iyon ay agad akong umupo at tinignan yung babaeng nakatayo sa harap ko. Maganda yung babae at maputi pula ang dulo ng mga buhok niya, asul din ang kanyang mata na gaya kay Nix.
"A-ah ako po si Alex kaibigan po ako Nix" paliwanag ko sa babae.
"Oh Ignis, chill kalang yan yung kaibigan ni Nix" rinig ko naman mula sa taas.
"Oo alam ko ginigood time ko lang tong bagong kaibigan ni Nix, basag trip ka talaga Aqua kahit kailan!" Sigaw naman ng kaharap ko at tumawa.
"Alex joke lang! Ako pala si Ignis, Ignis Frost kapatid ni Nix but you can call me ate Nis" sabi ng babae habang naka peace sign. Ang cute niya. Hahaha! Kapatid nga ni Nix pareho kasi sila ng tawa. Akala ko magagalit siya ambait rin naman pala.
"Okey lang po, ako naman si Alex Pearlington" pakilala ko naman at ngumiti ako.
"A-ano? P-pearlington?!"Nagulat ako sa pagkagulat ni Ate Nis. Bakit ba kasi nagugulat sila sa apelyedo ko? ano bang meron sa apelyedo ko?
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya
"Ah wala wala" sagot niyat nag smile.
"Oh ano magclose na ba kayo?" Tanong ng babae na bumababa mula taas. Nagulat ako sa dalawa magka hawig sila sobra. Sa kulay ng buhok lang sila nag kaiba, si ate Nis ay red ang mga dulo ito namang isa ay Blue. Tinignan ko sila pareho at naghahanap ng pagkakaiba pero wala ata.
Narinig kong tumawa si ate Nis pati yung babaeng kabababa lang ay tumawa rin.
"Wala kaming pag kakaiba pwera sa buhok namin" sabi ni ate Nis. Hala nabasa niya rin kaya iniisip ko, may mind ability rin kaya siya?
"P-pano mo nalaman na yun yung iniisip ko? May mind power karin po ba gaya ni Nix?" Gulat na tanong ko kay ate Nis. At tinawanan na naman nila ako pareho
"Wala be, si Nix lang ang meron non saming tatlo" sagot ni ate Nis
"Yun naman kasi madalas na iniisip ng iba pag tinignan kaming dalawa" dagdag pa nong isa "ako pala si Aqua Frost, tawagin mo nalang akong ate A" pakilala niyat ngumiti.
"Hi ate A. Ang cool po ng name niyong tatlo" sabi kot tumawa at tumawa rin namn sila. "So mag kambal po kayo?"
"Di ba halata?" Tanong naman ni ate Nis at tumingin kay Ate A. At sabay silang tumawa. Oo nga naman kasi Alex ambobo naman kita nang magkamukha eh nag tanong kapa. Kagagahan na naman Alex wag mong dadalhin sa ibang bahay. HAHAHA!
-----
BINABASA MO ANG
Did not see that coming: The Academy of Grandia
FantasyThe story is all about the life of Alex Pearlington. Nag simula ang lahat ng aksidente niyang napasok ang boarder ng Isang tago at sekretong Academy na minsan niya na ring pinangarap dahil sa mga kwento ng Lolo niya. Tunghayan ang adventures at exp...