*ffffflloop*
"WAAAAAAAHHHHHH...!" Gulat kong sigaw nang dumaan sa harap ng fretty fes ko ang card na inispin ni Ace, kaklase ko sa No Mana class. "Pag yan talaga matamaan ang gorgeous fes ko... Hhmmmpp!"sigaw kot pinanlisikan siya ng tingin as in lisik na lisik yung tipong kaya syang masaksak ng mga mata ko.
"Edi hiwa!" Pang aasar nyang sagot habang nilalaro laro ang deck of cards na hawak niya. Aba aba! Hindi man lang natinag tong harinang 'to sa tingin ko. Gigil mo ko beh!!
Hmmmp! Talaga tong Ace na to kung hindi kalang pogi eh tinabas ko na yang dila mo. Oo bes, pogi yang Ace Kyun na yan, hindi sa malandi ko pero ang landi ko na rin at the same time, ang gulo noh? Basta yun na yun yung malanding hindi malandi. Ganern! Ito kasi siya puti ang kanyang buhok as in purong puti ang bagsak niyang buhok, maputi sya sobrang puti na minsan nga pinaghihinalaan ko syang inaatake ng hika eh, asian shape ang mga mata na pinatungan ng Nerdy glasses, may kapayatan at ang astig ng porma yung pang Korean style kumbaga sa modernong mundo as in mukha syang Kpop at dagdag pa sa pogi points niya ay ang galing niya sa pag hawak ng cards which is his special ability. Kaya niyang mag spin ng cards ng malakas na kayang maka putol purong metal kaya wag niyo kong susubukang agawin sa kanya, eh metal nga kayang putulin yang ano mo pa kaya! HAHAHAHA! Charot lang! Ang landi mo Alex!
"Itong si Ace talaga simula nang pumasok si Alex dito palagi niya nang pinag t'tripan" pag kampi ni Jirah sakin. Si Jirah ay kaklase ko rin, sya ang pinaka una kong naging kaibigan kasi ang Fc niya. Minsan lang daw sya makakita ng maganda sabi niya nong pagkapasok ko sa Faction na to. HAHAHA! *hair flip* ay sorry nag liparan balakubak. HAHAHAHA! Anyway. Si Jirah ay may special ability rin which is kaya niyang pailawin ang katawan at ang mata niya. Oo kaya hindi problema sa kanya ang brown out
"Baka naman kasi may gustoooooo!" pang aasar naman ni Clive at tumawa
"Uy hindi naman ata" saway ko kay Clive sabay tulak. Syempre kunwari di ako kinikilig pero deep inside halos sumabog na tong pantog ko sa ihi kasi kilig na kilig akoooww besh! Pero syempre dahil maganda, pabebe lang. Weg meg pepehelete.
Btw. Si Clive Mores ay kaklase ko rin sya ay isang black sorcerer. Kaya niyang mag cast ng spell without making any gesture and movements. Actually sya yung pinaka magaling na estudyante sa High School of Witch Craft pero dahil sa isang sekretong dahilan itinapon sya sa No Mana Class sa kautusan ng Head master na tinatawag nilang HEAD MASTERS COMMAND. Ito yung command kung saan wala kang palag at di mo magagawang maka hindi kahit na ang utos pa ay patayin ang iyong sariling ina dahil may habang buhay daw na consequence pag di mo sinunod ang utos.
Marahil ngayon ay nagtataka kayo kung bakit may mga espisyal na abilidad ang mga kaklase ko. Yun rin ang unang pumukol sa isip ko nong pumasok ako sa NMC pero dahil sa limang araw na pananatili ko dito ay nagawa kong maka tyempong mag tanong sa isa kong room mate at ganito ang kanyang sagot... KASI AOG TO! SCHOOL FOR THOSE WHO HAVE ISPISYAL ABILITI! Di joke lang ito yun. Ang No Mana Class (NMC) ay binubuo ng Apat klasipikasyon ang una ay ang mga Pure Normal, sila yung mga estudyanteng wala talagang pinang hahawakan na mana at nakapasok lang sa AOG gawa ng aksidente o pagkaligaw gaya ko. Sunod ay ang Eliminated sila naman yung mga estudyanteng may Mana pero di ganon ka useful o di ganon ka lakas raw at sila din yung mga estudyanteng di pumasa sa standards ng bawat faction, gaya ni Ace. Si Ace ay naihanay sa High School of Warriors na kung ikukumpara si Ace na isang card user lang sa iba pang estudyanteng lancer, dagger at iba pang malalaking sandata ay masasabing walang laban si Ace kaya itinapon sya dito. Pangatlo ay ang mga by the HEAD MASTER'S COMMAND sila naman yung mga estudyanteng noon ay nasa mataas na level na Faction pero dahil sa pagkakasala, pagkakamali, pag suway o kahit anong against sa Rule ng Academy ay pinatapon sila dito ng Head Master gaya nalang ng nangyari kay Clive, pero ang case ni Clive ay nanatiling sekreto I mean walang may nakaka alam kung ano ba ang nagawa ni Clive or kung ano ba ang kanyang kasalanan. At ang huli ay ang Devil's Eyes ito naman ang mga estudyanteng anak raw ng mga kalaban o may dugong Demonyo o Yawa. Dahil noong unang panahon, ay hindi bawal ang pakikisalamuha ng mga Devil's Eyes sa Ibang estudyante pero gawa sa isang kahindik hindik na pangyayari hiniwalay ang mga Devil's Eyes sa iba pang estudyante at ngayon ay may dalawang Devil's Eyes nalang raw ang natitira dito sa Academy ang mag kambal na Rio at Bio pero sinasabing sila na daw ang huling Devil's Eyes at ang pinka huli sa Academy dahil hindi na pwedeng pumasok sa Academy ang iba pang devil's eyes sila ay permanently banned. Sa totoo lang hindi ko pa nakikita ang mag kambal na yun dahil may sarili daw silang kwartong malayo sa iba pang estudyante at iba raw ang paraan ng pag tuturo sa kanila.
At kung tatanungin niyo naman kung marami kami dito sa NMC. Well di naman, sakto lang rin yung tipong namumukhaan ko na sila lahat sa loob lang ng Limang araw.
...Back to Story...
"Ulol Clive! ingat ka nga sa mga pinagsasabi mo" at nag spin ulit si Harina ng cards pero this time patungong namang dereksyon kung saan nakatayo si Clive. Nagulat ako sa ginawa ni Harina dahil halatang sinadya nyang targetin si Clive, pero ito namang si Clive ay hindi kumibo imbis ay ngumiti lang deadma at feeling chill parin.
*Ssshhhooooffff!*
May naramdaman ako sa bandang left shoulder ko parang may kung anong dumaan na sobrang mabilis na hindi ko nakita obviously kasi nga sobrang bilis.
"Ace! Mas mag iingat ka sa pag i-spin mo!" Saway ni Nash na di ko alam kung pano napunta sa harap ni Clive mula sa likod ko at di ko rin alam kung pano niya nasalo lahat ng cards ni Ace the Harina, ang astig talaga ng ability niya Speed Ability. Sana may ganyan rin ako para mabilis kong makuha yung taong mahal ko. HAHAHAHA! Landi! XD Kidding aside Si Nash Gumble ay may espisyal na abilidad sa bilis nakita niyo naman nasalo niya lahat yung cards ni Ace which is imposibleng magawa ng mga ordinaryong tao ang ganong bagay kahit nga pag salo sa tsinelas na binato ng nanay mo nong nalimutan mong may sinaing ka pala tapos na over cooked dahil sa kanonood ng KDrama, hindi mo nasalo eh iyan pa kaya. HAHAHAHAHA! Relate ka besh?
"Alam ko namang nandyan ka eh" pangaasar ni Ace at tumawa ng malakas sabay labas ng clasroom.
"Kita niyo naman talaga 'tong si Ace" ani ni Nash at umiling iling. Pero kahit na ganon yung Ace A.K.A harina na yun crush ko yun. Hihi!
Nga pala nasa loob kami ngayon ng classroom namin pero wala pang professor kaya heto ang gulo gulo ng classroom at sanay na ako dun biruin mo naman majority ng mga classmates mo may powers so ano i-eexpect mo behave? Maayos? Malinis? Lol, edi ito magulong classroom! Ang wawild kasi nila. Hmmmm mga times 100 na wildness dun sa mga estudyante sa normal world sa Pinakahuling section yung gradde 1 section okra. Ganern! Minsan magugulat ka nalang sa mga biglaang pag putok at pag sabog. Minsan sira sira ang pader ng classroom namin dahil sa likot nila. i mean hindi pala minsan. Imagine likot likot palang yun ah partida nakakasira na ng pader, eh pano pa kaya pag mag away away tong mga abnormal na'to edi wasak buong academy? Ganon sila.
So ano gusto mo i explain ko sayo kung gano ka linis classroom namin ngayon? eh mula kaninang umaga walang teacher. Hehe okey pag bigyan kita hmmm. Out of 31 chairs dalawa nalang ang nakatayo yung akin at yung sa teachers table, wasak yung left side ng pader, at yung ceiling may malakaing butas, at sa right side naman nasusunog yung cabinet at may makikita kang lobo sa likod apat na lobo at nag liliparang upuan. Hehe! At sa kalagayan ng classroom namin ngayon ay nais kong sabihin sayo at wag kang magugulat na nag lalaro palang sila niyan. Ang cute noh! ANG CUTE TALAGAAAAA!!!! nakakaptang ina! Ggrrrrr! Pasalamat sila wala akong kapagyarihan!! Kaya heto naka smile parin ako. Tuwang tuwa nga ako sa mga pinag gagagawa nila eh. Ang s'sweet. *sarcasm* -.- Pero dapat kailangan kong masanay kasi ito na rin kasi sila yung mag sisilbi kong pamilya dito sa AoG so pag ganitong di ko na matiis yung wildness nila ito ang ginagawa ko... "Jirah, tara punta tayong harden" yayain ko si Jirah kahit saan.
"Oh sure sure! Makakatanggi ba ako sayo?" Tugon ni Jirah at ngumiti.
---
BINABASA MO ANG
Did not see that coming: The Academy of Grandia
FantasyThe story is all about the life of Alex Pearlington. Nag simula ang lahat ng aksidente niyang napasok ang boarder ng Isang tago at sekretong Academy na minsan niya na ring pinangarap dahil sa mga kwento ng Lolo niya. Tunghayan ang adventures at exp...