"Lock the door, don't let anyone in"
Paalam ni Uno nang marating ang tapat ng pintuan ng tirahan ng dalaga. Hindi na muna ito tumalikod at nanatili sa pwesto habang kumakaway at hinihintay na makapasok ang dalaga. Kumunot ang noo niya nang manatili din sa pwesto ang dalaga at hindi gumalaw. Should I tell him or no? Should I do it or huwag nalang? Ang mga tanong na labas pasok sa utak niya ang dahilan kung bakit hindi niya magawang paalisin ang binata.
"C-come in! I-i'll treat your wounds" Sambit niya bago talikuran ang binate at mabilisang binuksan ang pintuan. Sinenyasan niya pa ito na mauna kahit grabe na ang tensyon.
"It's okay.. I'm fine—"
"Sit" Utos ni Illiana bago siya itinulak paupo sa sofa at dumiretso sa kwarto upang kuhanin ang First Aid Kit. Malakas ang loob niyang magboluntaryo dahil alam niya ang gagawin at itinuro ito sakanya noon.
Nang makabalik, naabutan niyang tahimik na naglilibot sa buong lugar ang binata. Nagsalubong ang kilay ng dalaga dahil doon. "I told you to just sit lang di ba? Ang kulit mo!" Nawala tuloy lahat ng hiya na nararamdaman nito.
"Sorry ma'am.." Pakiusap ng binata bago mabilisang umupo na ikinatawa ni Illiana.
Umiling muna ang dalaga bago umupo sa tabi nito. "Don't make likot, ha? Tell me kapag ouchy para I can stop.." Payo niya habang binubuhusan ng alcohol ang bulak.
"A-ahh!"
"Wala pa man, nilalayo mo na agad face mo" Pilit nilapit ng dalaga ang bulak ngunit pilit ding umiwas ang binata. "Oh, right! You're a coward nga pala! Awwie! My baby!" Niliitan niya pa ang boses na parang nakikipag-usap sa bata.
"Shut the fuck up!" Galit na sigaw ni Uno.
"Pfft.. I'll be gentle! And tell me when it hurts para I can blow it agad" Tugon niya bago hinawakan ang kamay ng binatang pumipigil sakanyang idampi ang bulak sa mga sugat.
Napangiti ito nang dahan dahang inilapit ng binata ang mukha, nagbibigay pahintulot. Dahan dahang idinikit ni Illiana ang bulak na may alcohol sa sugat ng binata sa kaliwang kilay. Tanging daing lang ni Uno ang narinig buong oras. Agad din namang hinihipan ni Illiana ang parte ng ginagamot kapag nakakarinig ng 'aray' mula sa binata. Humikab muna ang dalaga bago ginamot ang huling sugat na nasa tabi ng labi ni Uno.
"A-ahh.." Halata sa boses na nasasaktan ito kaya dali daling inilapit ni Illiana ang bibig sa gilid ng labi ni Uno upang mahipan ito.
"Okay na?" Tanong niya, habang patuloy na hinihipan. Hindi sumagot ang binatang nakatitig sakanya kaya ipinagpatuloy niya ang paghipan habang lalong dinadahan-dahan ang ginagawa.
"Hey.. Masakit pa ba? Should I blow it more?" Tanong ulit niya sa binatang hindi pa rin sumasagot at patuloy siyang pinagmamasdan.
*Ding dong!* *door bell*
Saka lang nakasagot ang binata nang makarinig ng katok mula sa pintuan. "I-i'm o-okay!" Sigaw nito bago itinulak ang dalaga, tumayo at tumalikod. "I-i'll go now! T-thanks.." Hindi man lang ito humarap at dire-diretsong naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
Disguise Inlove With You
Teen FictionSinging Series #2 : "Love comes when you least expect it..." And Illiana Gabriella Forte Réal proved it when she decided to disguise to find people that will like her even without her money, looks, and fame... but found Elliu Anton Maximo Caballero...