"Congrats, Uno! With high honors!"
Masayang winawagayway ni Illiana ang certificate ni Uno habang papalapit sakanya. Naniwala lang ang binata nang makuha niya na at mabasa ang kasulatan. Napatakip ito sa bibig dahil sa bigla.
"It's been a long time since—- Thankyou, Lia.." Agad nitong nilingon ang dalaga atsaka nginitian. His smile.. It's so pure. Mukhang he's really happy..
"Always!" Tugon niya, nakangiti din.
"Congrats, tol! Naiiyak ako! I'm so very proud of you!" Ani Lukash habang nakatingala at pinapaypayan ang mga mata.
"Sinong with high?! Uno?! Gago paano?!" Tanong ni Edward na agad ding binatukan ni Jeilo.
"Nakalimutan mo na? Tinuruan siya ni Lia! Atsaka matalino naman talaga yan, kailangan lang tutukan.." Paliwanag ni Jeilo sa kaibigang hinihimas ngayon ang batok.
"Baka inggit lang, bumaba grades, e.." Singit ni John habang nakangisi.
"Awts, gege" Natatawang sambit ni Ross. "But grades are just numbers.. 'Wag mong masyadong damdamin.." Dagdag nito.
"Si Emelson pala? Nakita mo Lay?" Biglang tanong ni Edward sa tahimik na si Lay. Hindi pa nagagawang mai-sagot ang itinanong niya nang batukan ulit siya ni Jeilo. "Aahh! Gago! Inaano ba kita—- S-sorry! L-lay!" Sigaw niya, balak pa sanang patulan ang nambatok sakanya nang mapagtanto kung ano ang nasabi.
"Hindi.. O-okay lang.. Uhm.. Nasa room.. Kasama niya si Gayle.." Bakas ang lungkot sa mga mata ni Lay na lalong ikinabahala ng miyembro. "U-una na ako, ah?" Paalam nito bago tumakbo palayo.
"Lay!" Balak sanang sundan ng dalaga si Lay ngunit hindi nagawa dahil sa isang kamay na pumigil sakanya.
"Give her space.." Payo ni Uno. "Maraming beses mo na rin namang nasabihan kaya hayaan mo na muna" Paliwanag nito bago sila iniwan at pumasok sa loob ng silid.
Gusto pa sanang ituloy ng magbabarkada ang kwentuhan ngunit pinapasok na din sila ng mga guro sa kanya kanyang kwarto. Alas Otso ng umaga nang ipagsama ng mga guro ang lahat ng mga mag-aaral sa ikalabing dalawang baitang. Pinapunta nila sila sa music room upang sabay sabay na maturuan ngunit mukhang maling desisyon ang nagawa dahil parang nasa palengke na sa ingay ng mga ito.
Pinagsama ang tatlong seksyon kaya nagsama sama ang mga magkakaibigan, magkaka-away at magkakalandian. Hindi tumigil kakasermon ang Tatlong gurong hindi man pinakikinggan ng mga estudyante. Kung hindi pa siguro kumuha ng mikropono ang isa sakanila, wala talagang mag-aaral ang papansin. Saka lang natahimik ang lahat nang makarinig ng malakas na sigaw mula sa gurong hawak ang mikropono.
"QUIET STUDENTS!!" Sigaw nito, saka lang nagawang ipagpatuloy ang gustong sabihin nang tuluyan ng manahimik ang mga tao. "We brought all of you here because may meeting kaming mga teachers niyo sa faculty.. This is also sound proof so hindi kayo makakadisturb ng ibang klase kahit ilabas niyo pa ngala ngala niyo kakasigaw. And if ever na magkagulo, atleast dito lang and iisang place lang ang tatakbuhan namin.."
"President ng tatlong sections, kindly inform us kapag may emergency, nagbugbugan or may naglalandian, okay?" Dagdag ng isa pang guro.
"Ma'am! May jowa lahat ng mga president!" Sigaw ni Jeilo, mukhang alam ang balak gawin ng mga presidenteng matalim ang tingin sakanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Disguise Inlove With You
Teen FictionSinging Series #2 : "Love comes when you least expect it..." And Illiana Gabriella Forte Réal proved it when she decided to disguise to find people that will like her even without her money, looks, and fame... but found Elliu Anton Maximo Caballero...