25

195 18 14
                                    

"Okay, eLIAminators! Here's my plan..."


Agad nagpulong ang mga kababaihan sa isang mahabang lamesa. Ang kahabaan nito ay tumitigil sa isang malaking pisara sa harapan kung saan nakatayo ang nangunguna sa organisasyong kinabibilangan nila.


"Plan? Na naman?" Tanong ng isang kinukulayan ang kuko't pagkatapos ay hinihipan.


"Oh come on, Darla! Kaya nga nabuo yung eLIAminate 'di ba? For us to get rid of Lia and eliminate her into our lives! So we have to keep on planning!" Madramang inilagay ni Mayra ang likod ng kamay sa noo.


"I know... But what if magfail ulit? Remember what happened sa retreat na 'tin last week? We were forced to clean the whole camp because nagsumbong siya kay Uno!" Natatakot na kwento ni Macy na kagat ang ibabang labi.


"So? Para naman kay Uno lahat ng 'to! Atsaka what if kinulam pala siya ni Lia kaya siya nagkaka-ganoon?" Paliwanag ni Cindy, isa sa mga matalik na kaibigan ng lider ng grupo.


"Oh my gosh! Should we ask for an albolaryo's help?" Natatarantang tanong ni Maddie, ang babaeng nakatikhim ng madiin na pagkakahawak sa palapulsuhan mula kay Uno.


"Shhh! Girls! Listen to our Leader's plan na muna!" Tinuro ni Maggie, (kapatid ng nagbigay suhestyon na pumunta sa albolaryo) ang dalagang kanina pa naghihintay na tumahimik ang lahat.


"Sorry, Bianca!" Sunod sunod na humingi ng tawad ang mga binibining nagsalita kanina. Nang tuluyan nang matahimik ay saka siya nagsalita.


"I know a lot of you are probably loosing hope..." Panimula niya. "But remember that I was warned by Uno... He said he'd never hesitate to bring me nightmares if I mess with Lia again..."


Nang mapansing sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat ay sumilay ang ngiti sa labi nito. "I got scared, was forced to behave and was already in the midst of giving up..." Aniya, gamit ang mapaglarong tono. "Luckily, my brain did not... And I was able to make this beautiful organization for us girls who cares for Uno and wants Lia out of his life!" Nagpalakpakan ang mga kababaihan.


Ilang segundo iyong nagtagal hanggang sa may magtaas ng kamay. "I think it's the right time for you guys to know..." Mahina ang boses nito, tila nagdadalawang isip sa gustong sabihin.


"What is it, Gayle?" Tanong ng lider nilang si Bianca.


"L-lia and Illiana are the s-same person..." Parang nagbagsakan ang mga anghel sa kwartong kinaroroonan nila sa tindi ng naging katahimikan pagkatapos niyang sabihin iyon.


"Y-you mean the famous youtuber?" Tanong ni Erich, ang napilitang magkunwaring masakit ang tiyan para lang maiwan ang dalaga sa kagubatan. "No way!" Nagtawanan ang lahat.


"It's a bit absurd... But now that I think about it, parang possible nga..." Ang pagsang-ayon ng lider ang nagpatigil sa halakhakan nila.


"Girl! She's so ugly, untidy and clumsy! Very far from—- Wait! Oonga 'no! It actually makes sense! Lalo na't she said na may connections siya with her!" Takip ng babae ang bibig dahil sa napagtanto.


"Are you guys thinking what I'm thinking?" Ani Taylor, ang pambato ng ikapitong baitang at pinakabatang miyembro.


"Ano 'to? Twin telepathy?" Tugon ng katabi niyang natatawa.


Disguise Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon