"Uno, please? It only happens once every Three years! We must join!"
Hindi na tumigil kakapilit ang dalaga sa binatang sumali nang malaman ang tungkol sa threatre play ng kanilang eskwelahan na gaganapin sa susunod na Buwan. Kanina pa ito talon nang talon na parang bata sa harapan ng binatang blanko ang expresyon.
"I'll do anything you want!" Hirit pa niya.
Biglang nagbago ang mukha ni Uno. "Really?" Tanong niya. Hindi maipaliwanag ang tingin ngunit mukhang nagkaroon ng interes sa usapan.
Ang pagtango ng dalaga ang naging dahilan ng tuluyang pagngisi ng binata. Lunes, Ala una ng hapon, dalawang araw matapos ang kanilang retreat. Pinauwi kaagad ang mga estudyante dahil sa biglaang pagdating ng bagong principal na kailangang salubungin at bigyan ng selebrasyon ng mga guro. Iyon din ang dahilan kung bakit bigla silang nagkaroon ng theatre play na hindi naman talaga dapat para sa taon na ito kaya kakaunti nalang ang oras na natitira para sa preperasyon.
"What are we doing here?" Tanong ng dalaga habang pinagmamasdan ang kapaligiran.
Kakarating lang ng dalawa sa bukid na pagmamay-ari ni Uno'ng kasalukuyang nakapikit at dinadama ang sariwang simoy ng hangin. "You said you'll do anything, right?"
"Y-yes! As long as you'll agree!"
At doon nagsimula ang pakikipagsapalaran ng dalaga para lang mapapayag ang binata sa pagsali sa gaganaping pagtatanghal. Nagpalit ng suot na damit si Illiana. Naglagay ito ng botas, apron at gloves bago dumiretso sa loob ng tahanan ng napakaraming manok. Sandamakmak ang dami at malaya ang lahat na makatapak sa lupa kaya siksikan ang mga ito, dahilan kung bakit nanatili ang dalaga sa kinatatayuan nang makapasok.
"I'm in! What do you want me to do?" Nakangiting tanong ng nakatingalang dalaga sa binatang nasa ikalawang palapag.
"Find Solomon..." Nakangiti din ang binata nang sabihin iyon.
"H-how?" Napanguso ang dalagang nililibot ang tingin sa mga manok na magkakapareha lang ang itsura. He's making abuso of our agreement na naman!
"May balat siya sa pwet!"
"Like I can look at each of their butt! There's thousands of chickens here, Uno!" Sigaw ni Illiana. Napaka-imposible din naman kase ng gustong ipagawa sa kanya.
"I'll 25 percent agree if you give Solomon to me!" Napairap ang dalaga nang marinig ang kundisyon ng binata.
"Higher, please!"
"Fine! Fifty percent!"
Nagbigay ng dalawang thumbs up ang dalaga. "Deal!" Bahala na! Atleast I'll get half of his yes! Huminga muna ito nang malalim bago sinimulan ang paghahanap sa manok.
Yumuko ito para makita kaagad kung may itim na marka sa pwet ng bawa't manok na makakaharap. Nanatili itong kalmado hanggang sa pagpawisan at mangawit. Saglit itong nag-unat bago ipinagpatuloy ang ginagawa. I can't give up! It's gonna be my first and last time to join a theatre play and I want Uno to join too! Sa pagkakataong ito, mas lalo niyang binilisan, minsan din ay tumatakbo.
Mag-iisang oras na siyang naghahanap nang bumilis bigla ang takbo dahil sa namataang markang itim na hugis bilog sa isa sa mga manok sa di kalayuan. Napagtanto niya ang kamalian nang ginawa nang tumakbo din palayo ang ibang manok. Sa tuwing ibibigay niya ang lakas upang habulin ang mga ito ay siya ding lalo nilang pagbilis. Nanatiling ganoon ang sitwasyon hanggang sa tuluyan itong mapaupo dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
Disguise Inlove With You
Teen FictionSinging Series #2 : "Love comes when you least expect it..." And Illiana Gabriella Forte Réal proved it when she decided to disguise to find people that will like her even without her money, looks, and fame... but found Elliu Anton Maximo Caballero...