01

352 21 9
                                    

"I'm Lia Reyes.."




Pagpapakilala ni Illiana sa babaeng kaharap niya. Kakatapos lang kumanta ng banda sa entablado nang lapitan siya ng isang dalaga at tanungin kung ano ang pangalan niya. At oo, iniklian ni Illiana ang pangalan niya at pinalitan ang apelyido upang hindi talaga ito makilala.



"Awie! Cute naman ng name mo! I'm Bianca Navarro" Masayang inabot ni Bianca ang kamay kay Illiana. "Let's be friends! Wala pa kase akong girl na friend" nakangiti nitong tinapos ang paliwanag.




"S-sure!" Hindi makapaniwala si Illiana na magkakaroon agad ito ng kaibigan. "Pero.. H-how can you not have girl friends when you're that pretty?" Kahit sino naman siguro ay magtataka kung ang isang chinita, balingkinitan, mabait at approachable na babae ay walang babaeng kaibigan.




"Plastic kase lahat dito, gusto nilang makipagkaibigan sa 'kin because they need something." Dahil sa isinagot ni Bianca, muling naalala ni Illiana ang pangyayaring naging dahilan kung bakit siya naririto ngayon. "Pero I have guy friends naman! Pakilala ko sila sayo later!" dagdag niya sabay hablot sa braso ni Illiana upang mayakap ito.




She's just like me.. Luckier nga lang because she has guy friends pero is this real? Someone really wants to be friends with me? Even if I'm this ugly? Nanatili ang ngiti sa mukha ni Illiana habang nagsasalita sa isip.




Lumitaw din sa entablado ang may ari ng eskwelahan at ang principal. Nagkaroon ang mga ito ng kakaunting paalala bago hinayaang pumunta sa kanya kanyang silid ang mga mag-aaral. Lalong nagalak si Lia nang malamang magkaklase sila ng bagong kaibigan. Sabay ang dalawang pumasok at umupo sa magkatabing upuan. Hindi nagtagal, dumating na rin ang kanilang guro. Nagpakilala muna ito bago ipinakilala ang bagong estudyante na ngayo'y nagpapakilala.





"Hi everyone.. I'm Illia— I mean L-lia Reyes! I'm from Manila kaya I don't know how to speak Kapampangan po.. T-that's all!"




Hindi nito alam ang mararamdaman pagkatapos makakita ng iba't ibang expresyon sa mukha ng mga magiging kaklase sa buong taon. Marami ang mga nagbubulungan, umiirap at tumatawa dahil sakanya ngunit may mga kakaunting taong nawili dahil sa pagdating niya kaya nawala kahit papaano ang takot at kaba. It's okay Illiana, you'll be fine!




"Time is gold.. That's why we shouldn't waste our time and start our first lesson right away!" Ang guro nalang nila ang natirang nakangiti pagkatapos nitong magbitaw ng mga salita. Wala pa kase sa wisyo ang mga estudyanteng mag-aral.




Hindi ko pa nasasabi pero isang matalino at masipag na bata si Illiana. Palagi itong una sa klase at kung wala lang itong hinaharap na problema ngayon, iisipin ko talaga na isa itong perpektong dilag. Naging malaking tulong ang pagiging mautak nito sa naging talakayan... Siya lang ang may ganang makinig kaya siya ang paulit ulit na tinawag. Mukhang kilala na din ng lahat kung sino ang magiging paborito ng guro ngayong taon.




Akala ng mga estudyante ay makakatakas sila dahil malawak naman ang ngiti ng guro kahit isa lang ang aktibo sa klase ngunit nagkamali ang lahat dahil nang sumapit ang recess, si Illiana lang ang pinayagang lumabas. Alam ni Illiana sa sarili na hindi niya kakayaning makitang sumakit ang tyan ng mga kaklase dahil sa gutom kaya naisipan niyang bumili ng pagkain para sa lahat at kumain kasama ang mga ito sa loob ng silid aralan.




"The best ka talaga, Lia!"




"Ang swerte namin sa 'yo!"




"Pwede makipagfriends?" Napatigil ito nang sunod sunod siyang lapitan ng mga estudyante. Nakahilera pa ang mga ito habang nakalahad ang mga kamay.




Disguise Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon