"Where are we going?"
Tanong ng dalaga sa binatang hinila siya kaagad pagkatapos makababa sa entablado. Ang buong atensyon ng lahat ay nasa ginaganap na event. Madilim din ang kanilang dinaraanan kaya walang nakapansin. Wala itong narinig na sagot mula sa may hawak ng palapulsuhan niya kaya sinimulan na niyang magpumiglas. Mahigpit ito kaya hindi niya nagawang kumawala. Tumigil sila sa harapan ng isang sasakyan.
"A pick-up truck?" Paglalarawan nito sa sasakyang nakita. "Do you want to go home?" Tanong pa niya.
Umiling ang binata atsaka siya hinila papunta sa likuran. Napanganga ang dalaga nang makakita ng sapin, maraming unan, mga nakasabit na ilaw at pagkain sa bed storage. "S-sakay..." Ang tanging katagang binitawan ng binata bago naunang sumampa.
Napanguso si Illiana dahil doon. "You expect me to go there by myself? Are you making fun of my height?" Tanong nito habang nakatingala. Napahalakhak ang binata dahil doon. "And! What if mahuli tayo? E 'di nakatatlo na?"
"Pfft.. E 'di huwag..." Sambit ni Uno bago inalis sa pagkakatakip ang sandamakmak na pagkain.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang paborito niya lahat ang naroroon. Mas mabilis pa ata sa naging pagkurap niya ang pag-akyat niya at pagpasok ng pagkain sa kanyang bibig.
"Don't worry... This is all for you... Hindi ka mauubusan kaya hinay hinay lang..." Natatawang bilin ni Uno.
"Thankyou!"
"Don't starve yourself..." Bulong nito ngunit sapat pa rin para marinig ng dalagang sa kanya ngayon ang tingin.
"How did you know?" Kunot noo itong nagtanong.
"I just know..."
Hindi man nagawa ni Illiana na magmiryenda dahil kinausap sila ng guro. Hindi din ito kumain ng hapunan dahil baka hindi matunawan sa gagawing pagtatanghal. Nagtataka man, tinanggap niya nalang ang isinagot sakanya ng binata at nagpatuloy sa pag-kain.
"Starve yourself again and I'll eat you..."
Halos malagutan ng hininga ang dalaga sa pagkakabulunan nang marinig iyon. "AAAHHH!!!P-PERVERT!!" Malakas niyang sigaw bago ito tinutukan ng dalawang piraso ng Peppero.
"Ikaw yung pervert.." Marahan niyang itinulak ang noo ng dalaga. "Icho-chopchop muna kita,
marinate tapos barbecue... O kaya sisig. Pwede ring lechon, adobo, sinigang..."Nag-init ang pisngi ng dalaga nang marinig iyon. "Y-you're still b-bad!" Giit niya.
Bigla silang nabalutan ng matinding katahimikan. Noong una'y kinakaya pa ng dalaga ngunit nang hindi na ay agad nag-isip ng pwedeng pag-usapan.
"B-by the way! Why did you surprise me with this? Crush mo talaga ako 'no?" Biro ni Illiana.
"Kaluguran da ka..." Narinig iyon ng dalaga kahit halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ng binata ngunit hindi niya naintindihan.
"What?"
"To apologize..."
"No... The one that you said before that... Kalugu.. What?"
Inalis ng binata ang tingin sakanya, humiga at pinagmasdan ang mga bituin. Naghintay ng ilang saglit ang dalaga ngunit nang walang marinig na tugon, sumuko nalang ito. I'll just search it on Google! Wait! Wala palang signal here! Nakanguso itong humiga sa tabi ni Uno.
BINABASA MO ANG
Disguise Inlove With You
JugendliteraturSinging Series #2 : "Love comes when you least expect it..." And Illiana Gabriella Forte Réal proved it when she decided to disguise to find people that will like her even without her money, looks, and fame... but found Elliu Anton Maximo Caballero...