26

184 16 7
                                    

"So... you're saying that he didn't get angry at all?"


Tumango ang dalaga bilang sagot sa tanong ng kanyang pinsan na si Xandriah. Sabado, alas Sais ng gabi. Isang araw matapos ang nangyaring kaguluhan sa buhay ni Illiana. Nalaman kaagad iyon ng mga magulang niya at pilit man niyang kontrahin sa mga gusto nilang gawin upang makapagbayad ang mga nang-api sa kanya'y hindi magawa dahil sa tindi ng galit ng mga ito.


Mabuti nalang at nagawa niyang makumbinsi na tapusin ang pag-aaral sa eskwelahan. Isang buwan nalang din naman ang natitira bago siya muling bumalik sa Maynila upang doon mag-aral ng kolehiyo. Kasalukuyang nakahandusay ang magpipinsan sa ikalawang sala ng bahay ng dalaga't patuloy sa kwentuhan.


"Aww! Girl! He's the one for you!" Pumapalakpak na sambit ni Jasmine.


"How sure are you na he's not really mad?" Natigil sila dahil sa sinabi ni Princess. "What if he's just pretending to be fine?" Dagdag niya.


"Ugh! You're so bitter talaga!" Kumento ni Xandriah sabay arte na parang napapaitan. "Mukha namang he's really okay! He wouldn't hug Illiana and tell her that he loves her if he's galit talaga!"


"Atsaka it's not like Lia's really the reason of her sister's death! And we're still unsure if mayroon ba talagang kinalaman si tito Apollo or wala!" Ani Jasmine na sabay sabay pinatahimik ng tatlo.


"Shhhh! Dad might hear you!" Sigaw ni Illiana'ng nakalagay ang hintuturo sa labi ng pinsan.


"Pero why don't you try asking tito kaya? To know if kasama ba talaga siya sa mga interviewers that day or not..."


Hindi agad nakasagot ang dilag sa suhestyong ibinigay ni Xandriah. At nang balak nang sabihin ang totoong dahilan kung bakit natatakot magtanong sa ama ay saka tumunog ang doorbell.


Hindi na dapat nila papansinin dahil agad lumapit ang isa sa mga kasambahay upang pagbuksan ang kung sinong kumatok ngunit nagtaka ang mga binibini nang agad nitong sinarado ang pintuan at nakita itong naglalakad papunta sa kanila.


"Kayo daw po ang hanap, Ma'am Illiana..." Napaturo ang dalaga sa sarili dahil sa sinabi ng kanyang yaya. Wala naman kase itong inaasahang bisita ngayong araw.


Nagtataka niyang tinuntong ang pintuan at nang buksan ay parang natamaan ng kidlat sa mga kuryenteng bumalot sa buong katawan at sa lakas ng naging pintig ng puso dahil sa taong bumungad.


Hindi ito nakapagsalita at walang ibang nagawa kundi bahagyang umatras. Dahilan kung bakit nagmamadali siyang pinuntahan ng mga pinsan para alamin kung bakit siya nagkakaganoon. Malakas ang naging tilian ng tatlo nang malaman ang rason kung bakit halos tumigil ang mundo ng kanilang pinsan na si Illiana.


"Good evening, lover..." Bati ng binata sabay abot ng isang pumpon ng mga pulang rosas.


"U-uno? W-what are... y-you... d-doing h-here?" Nauutal na tanong ng dalaga pagkatapos tanggapin ang bulaklak. Ngiti lang ang isinagot ni Uno'ng katatapos lang kuhanin ang gitarang iniabot sa kanya ng kasamang si Jeilo.


Muling naghiyawan ang tatlong dilag na nasa likuran nito nang pagkatapos isakbit ng binata ang gitara sa sarili ay sinimulan niya itong patugtugin.


"Tell me something... When the rain falls on my face.... How do you quickly replace... It with... A golden summer smile?" Pagkanta ng imbes na sa gitarang nilalaro ang tingin, ay nanatili sa minamahal ang titig.


Disguise Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon