Charise's POV
" IKAW NANAMAN ?! " Sigaw ko sa kanya.
" pwede ba hinaan mo yang boses mo . " sabi ni habang nakatingin sa langit.
" Aba! Kung isusumbat mo lang naman sakin yang pagtulong mo, edi sana hindi mo na ko tinulungan! "
"Hindi kita sinusumbatan. May utang ka pa nga sakin eh. "
" Hoy pula! Mukha mo ! Alam kong hindi kame mayaman pero hindi ko ugaling mangutang noh! "
" Wait. What did you just call me? Pula ? Anobg akal mo sakin ? Color? " sabi naman nito ni Pula.
" Eh diba Red yung apilido mo? Yun yung sabi ni maam kanina nung pumunta ka sa room namin. Ano bang tagalog ng Red ha ?! " sabi ko sa kanya.
" Pula. "
" Oh edi pula! Tinagalog ko lang yung red !! Tch. Slow mo naman ! "
" Teka nga! Excuse me Hindi Red ang Surname ko. It's Reid not Red! spell ko pa? R-E-I-D . Stupid . "
" Tinatanong ko ba?! Ha?! Tinatanong ko?! Ang arte mo . Ganun din yun! PULA! "
" Eh ikaw ?! Ano yung apilyedo mo? Tulisana? wala bang Purolana? Hahahah. Eww. "
" Korni mo! Grabe . "
ayaw mo tumigil kakatawa ah?!
" Aray! Bakit moko sinuntok? " sabi niya sakin.
" Ang panget mo kase, lakas mo pa mang asar! bagay lang sayo yan. "
sabi ko sa kanya. Paalis na sana ako pero pinigilan niya ako .
" May utang ka pa sakin. "
" Bingi ka ba? Sabi ko wala akong utang sayo ! Ang kapal mo !"
" Hindi mo talga matandaan ? "
" HINDI. Dahil wala naman talaga ! "
tapos hinila niya ako.
wait let me re phrase that. Kinaladkad niya ako. Pumapalag ako pero he's too strong . haist.
Nakarating kame sa parking tapos..
tapos..
tapos..
tapos..
Nagdilim yung paningin ko, wala ako makita, nasagasaan kame.
The End
Haha. joke. natigilan ako kase huminto kame sa isang kotse.
Wow. Ang ganda mukhang mamahalin to ah.
" Anong gagawin natin dito? bakit tayo nandito? " tanong ko naman sa kanya.
" wala ka talagang naaalala? "
" Kung meron, magtatanong ba ko? " Shungetzu ng lalaking to. Bobito .-___- urgh
" Sigurado ka? "
" Oo siguradong sigurado ako. cross my heart hope to die mamatay man lahat ng halaman ko at kahit mamatay pa si Kim Hyun Joong my loves. Waala akomg utang sayo pula ka! Nakakainis ka na eh ! Akala mo dyan mahilig ako mangutang eh hindi nga tayo close! Feeling ka?! Akala mo naman dyan Hindi porket mahi--" napatigil naman ako kase bigla siyang sumigaw
" TUMAHIMIK KA NGA! NAGASGASAN LANG NAMAN YUNG KOTSE KO DAHIL SAYO KANINANG UMAGA ! ANO ? NALALA MO NA? NALALA MO NA? MASYADO KANG MADALDAL! INGAY MO. " sabi niya saakin.
uh-oh
" ah... ehh .. M-magkano ba yan? Babayaran ko! " sabi ko. nalo sana naman wag mahal yan kamiy mahirap lamang.
" Kahit ibenta mo pa ang sarili mo , hindi mo mababayaran. Baka wala pa ngang bumili sayo eh "
" aba ang yabang mo ah! Magkano ba yan?! "
" 60 . "
" Sus 60 ? akala ko naman kung magkano bulok nman pala yang sasakyan mo. "
Kumuha ako ng 100 pesos. tapos binigay ko sa kanya.
" Oh yan na. saksak mo sa baga mo! Akina sukli ko 40 ! "
Kinuh naman niya yung 100 ko tapos.
.
.
Pinunit niya! Waaaahhhh! sayang naman! Baon ko yun para ngayo tsaka bukas tapos pinunit niya lang? Waaahhh ! T.T
" Anong ginawa mo?! sayang naman yung pera ko. huhu. "
" OA mo . Hindi ko kaylangan ng 100 mo. "
" Sabi mo bayaran kita? edi binigay ko sayo yung 100. choosy ka pa? 60 nga lang dapat eh! wah! "
" 60 thousand . "
" s-s-si-sixty Thousand ?! HA?! para sa gasgas? 60 thousand Anak ng tinapang dinaing! san ako kukuha nun? ano ba yang kotse mo ginto?! tumingin ka nga sakin! bastos ka ah! wag mo kong tatalikuran ! "
And again kinaladkad niya ako papunta sa office. Wait dont tell me ipapa guidance niya ako? wah.hindi pwede! Ang mahal mahal ng tuition dito tapos ma dodrop lang ako?! Hindi pwede.
" Sa-sa-saglit lang. Pwede naman natin to daanin sa matining usap . hindi mo naman ako kaylangn ipa-office . Di ba friends tayo? " wah sana gumana ang kacute tan ko
. please gumana ka naman.
inirapan naman niya ako. sus . sabi ko na nga ba eh. baklita to.
" Huwag kang aalis dyan. " sabi niya tapos pumasok . wah sana di siya magsumbong
Paglabas niya, may binato siya sakin. Ay, uniform. ayos to ah. HAHA 2 nalang kase uniform ko eh. Nagtitipid ako kaya di alko bumibili ng bago.
" Isuot mo yan . sagwa ng itsura mo . bakat yang panloob mo. "
Waaaahhhh! Manyak kaaaaa! kaya pala hindi siya makatingin sakin eh T.T nabasa nga pala ako kanina .
" Hoy Tulisana. Hindi pa tayo tapos . Humanda ka sakin bukas. alalahanin mo, alam ko kung saan bahay niyo. "
WAAAAAHHHH ! LORD! HELP ME PLEASE?
-