Charisse POV
" Oh ano na ? Wala ka na po bang ibang iuutos ? " sabi ko kay pula. Para naman kase siyang walang kamay at paa. Papakuha niya yung tubig , nasa tabi lang naman niya . urgh .
" Wala na. Tara na uwi na tayo , mag gagabi na. " sabi ni pula
Pagkalabas namin ng Clinic , wala nang tao , mag gagabi na pala .
Pag labas namin ng Gate , dumiretso ako sa May Waiting shed. Mag bubus nalang ako.
" Oy ! Bakit ka nandyan ? Halika na , sumabay ka na saakin. "
" Weh ? "
" Ayaw mo ? kfine. " pasakay na sana siya sa kotse niya pero pinigilan ko siya .
" Asus. Joke lang . eto naman oh , sabihin mo lang na nagca-care ka sakin eh. hihi. Di lang ako makapaniwala. "
" Wag ka ngang assuming dyan ! I just need you to do something for me. "
" Sus . osige. sabi mo eh . sakay na ko ah. "
Sumakay na ko sa likod . Hehe mas gusto ko kase dito eh . Pogi ang driver. Haha jk . yuck .
" Tss . dami pang satsat. "
Tapos sumakay na din siya.
Ano ba yan ang boring . Tumayo ako ng onti para abutin yung radyo sa unahan tapos bigla siyang nagpreno. -____-
" Araaay. ang sakit. ano ba ?! bakit mo bigla pinreno ?! Nananadya ka ba ?! " sabi ko
" Buti nga sayo ! Bakit ka ba nangangailam ng Car ko ?! "
" Eh kase ang boring. di ka naman nagsasa-*groowwwl* "
uh- oh , napatigil ako kase tumunog na yung tummy ko. huhu hindi naman kase ako nag lunch eh.
" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" sige tumawa kapa pula.
" Anong nakakatawa ha ?! Baka gusto mong samain ka sakin ! "
" Umupo ka na dyan ng maayos. "
umupo nalang ako. gusto ko na umuwi eh. Gutom na ko.
" Oh ano nanaman ? Bakit ka nanaman ikaw tumigil ?! uwi na tayo. "
" PWEDE BA BUMABA KA NA LANG DYAN ?! "
tss sige na nga .
Yehey ! Sa 7eleven pala kami. hihi
" Dalian mo , kumuha ka na ng pagkain mo dyan . "
Yehey. Pumunta ako sa may Hotdog , sa may slurpee , sa chocolates , sa mogu mogu , sa junk foods . hehe ang dami .
Nung nasa counter ako , may naisip ako .
" Teka pula , sino magbabayad nito ? "
" Edi ikaw ! ikaw kakain eh . Tss . "
" Ha ?! Eh... Kase ... wala akong pera. " sabi ko
" Tss. Dalian mo na ! Ako na ! Napaka poorita mo naman kase. "
" Sige , payag akong tawagin mo kong poorita , as long as nililibre mo ko. Haha. " Sabi ko sabay kuha nung mga nabili ko.
" Tara na . "
Umalis na kame sa 7 eleven.
Kumakain ako ng chocolate tapos may nagtext sakin.
Nagulat ako sa text na nabasa ko .
*ekkk.* Biglang pumreno yung sasakyan.
" Ano ba ?! Bat di ka sumasagot ? kanina pa kita tinatawag. !" sabi ni Pula . Hindi ko napansin na tinatawag niya ako. Masyadong lipad yung isip ko sa nabasa kong text eh.