T3-1

2.3K 72 4
                                    

Chapter 1

Maaga akong pinatulog ni Inay dahil kinabukasan ay ika-pitong kaarawan ko na. Lagi niyang pinapaalala sa akin na parati akong mag-ingat dahil lapitin daw ng disgrasya ang mga batang sumasapit sa ika-pitong taon ng kanilang buhay.

Nagplano sila Inay at Ama ng munting salu-salo sa munti naming bakuran bukas ng hapon. Tamang tama dahil araw ng linggo at wala kaming pasok sa eskwela. Inimbita ko ang ilan sa mga kaibigan ko para ipagdiwang ang aking kaarawan.

Nakakasabik pala kapag unang beses mong makakaranas na magkaroon ng handa sa iyong kaarawan. Ngayon lang kasi ako ipinaghanda nila Inay dahil hikahos kami sa buhay. Sabi nila na dapat paghandaan ang ika-pitong kaarawan ng mga bata.

Mariin kong isinara ang aking mga mata. Ilang sigundo pa lang ang nakararaan nang muli akong magmulat. Napatitig ako sa bubong ng aming bahay na yari sa dahon ng niyog. Hindi ako makaramdam ng antok kaya nagpabaling-baling ako sa aking kaliwa't kanan.

Mag-isa lamang ako sa aking silid dahil nag-iisang anak lamang ako. Hindi na ako nasundan dahil medyo may edad na si Ina noong ipinagbuntis niya ako. Sabi ng mga tao, isang milagro raw ang pagdating ko sa mundo.

Isang kwento na haka-haka ang kumalat sa bayan namin noong isilang ako. Nakita raw ng kumadrona na nagpaanak kay Ina ang isang kakaibang nilalang, na humaplos sa tiyan ni Ina bago siya manganak. Sabi ng matatanda binasbasan daw ako ng isang diwata.

Dahil wala namang nakapagpatunay sa nakita ng kumadrona, nailibing din sa limot ang istoryang iyon. Wala namang kakaibang nangyari sa akin kaya naman ipinagwalang bahala ko na lang ang kwento-kwento.

Nanlaki ang aking mata nang may makita akong kumikislap sa labas ng bintana. Dahan-dahan akong bumangon upang tignan kung saan iyon nanggagaling. Napanga-nga ako nang makita ko ang isang maliit na taong may pakpak at may ilaw sa likuran. Para siyang taong alitaptap na sumasayaw sa hangin.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya at napaigtad ako nang patunigin niya ang kanyang daliri sa aking mukha. Agad naman akong napailing at natauhan sa ginawa niya.

"S-sino ka? A-anong klaseng nilalang ka?" Nauutal na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Ako si Quara, isang magandang diwata." Umikot-ikot pa siya sa hangin habang humahagikhik, at umikot din ang aking mata upang sundan siya ng tingin.

" Umikot-ikot pa siya sa hangin habang humahagikhik, at umikot din ang aking mata upang sundan siya ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinapik-tapik ko ang aking pisngi. "Panaginip ba ito?" Napatingin ako kay Quara. "Bakit maliit ka? Ganyan lang ba talaga kaliit ang mga diwata?"

Muli siyang napahagikhik. "Pinaliit ko lamang ang aking sarili, upang mabilis akong makapagkubli sa mga masasamang loob."

Napatango-tango naman ako. "Ah, kaya pala."

Tumigil si Quara sa paglipad at tumayo sa kuwadro ng aking bintana. "Bumisita lamang ako sa'yo Amethyst dahil nais kitang bigyan ng isang babala." Pinakita niya sa akin ang kanyang nakataas na hintuturo.

Kumunot ang aking noo. "Kilala mo ako? Ilang taon ka na?" Bahagya akong napaatras. "Anong babala ang tinutukoy mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Magkasing edad lang tayo." Naging seryoso ang kanyang maamong mukha. "Huwag na huwag kang lalabas ng bahay bukas, sa araw ng iyong kaarawan." Seryosong sabi niya sa akin.

Napanguso ako. "Bakit naman? Meron kaming payak na handaan bukas sa aming bakuran."

"Basta makinig ka na lang Amethyst. Hanggang bakuran lang ang maaari mong puntahan dahil lubhang delikado sa labas." Babala pa niya.

"Pero bakit nga? Saka, bakit kilala mo ako? Ano ba kita? Sino ka ba?" Naguguluhang tanong ko.

"Isa kang espesyal na bata Amethyst, isang espesyal na mortal." Sabi niya sa akin bago maglaho sa aking harapan.

Napabalikwas ako nang bangon at agad na niyakap ang aking mga tuhod. "Isang panaginip lang pala," Sabi ko sa aking sarili.

Agad akong napatingin sa bintana kung saan ko nakita ang maliit na diwata sa aking panaginip. Tumayo ako upang buksan ang bintana saka tumunghay sa labas. Pasikat na ang araw at naririnig ko na rin ang tilaok ng mga manok.

Bumalik ako sa aking kama upang ayusin ang aking higaan. Saka ako lumabas ng aking silid upang tumulong kay Ina sa gawaing bahay. Umakto lang ako na parang walang kakaibang panaginip na nangyari kagabi. Hindi ko na lang pinaalam sa aking mga magulang dahil baka mag-alala lamang sila.

Nagwalis ako ng mga tuyong dahon sa aming bakuran. Tinipon ko ang mga dahon upang gawing pang gatong sa iihawin namin na manok. Napansin ko na lumabas sa kanilang bahay ang kaibigan ko na si Mila.

Kinawayan ko siya. "Hoy Mila, punta ka mamayang hapon dito ha?" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti rin siya. "Oo naman, ikaw pa ba? Happy birthday sa'yo Amethyst."

"Salamat!" Masiglang sabi ko.

"Sige ha? Mamaya na lang, pupuntahan ko pa si Papa sa bukid." Paalam niya sa akin.

Tumango naman ako saka pinagmasdan siya habang naglalakad patungo sa bukid. Alam ng buong barangay na ampon lang si Mila. Napulot siya ng kanyang tumayong mga magulang sa masukal na gubat.

Hinanap nila ang mga magulang nito at dumulog din sila sa iba't-ibang sangay at tanggapan ng gobyerno, ngunit nabigo silang hanapin ang tunay na magulang ni Mila. Dahil namatayan ng anak sina Amang Goryo at Inang Selya, nagdesisyon silang ampunin na lang si Mila.

Sampung taon na si Mila at mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Ang ginagamit niyang araw ng kapanganakan ay ang araw kung kailan siya natagpuan sa gubat. Masigla at mabait siyang kaibigan kaya naman naging malapit kami sa isa't-isa.

Magkasing taas kami ni Mila at sabi ng iba na magkahawig daw kami. Lagi tuloy kaming napapagkamalang kambal o 'di kaya ay magkapatid. Medyo maputi lang ako kay Mila, at siya naman ay morena.

Napatigil ako sa paglalagay ng dahon sa malaking balde nang mapansin ko ang isang binatilyo na sa tingin ko ay nasa trese ang edad na lumabas mula sa bukana ng gubat. Maputla ang kanyang balat na parang labi na nababad sa suka.

Kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang pisngi na parang galing siya sa malamig na lugar. Napansin ko rin kakaiba niyang kasuotan na parang sinaunang damit ng mga kabalyero. Napatigil ang aking mata sa nakasukbit na espada sa kanyang kanang tagiliran.

Ang astig naman ng laruan ng batang 'yun. Halatang galing sa mayamang pamilya kaya, kayang kaya nilang bumili ng mga ganoong costume.

Nahulog sa lupa ang walis tingting na hawak ko nang mapatingin siya sa akin. Napatulala ako at tila napatalon ang puso ko sa sobrang kaba. Napalunok ako at pakiramdam ko nagtipon-tipon ang dugo sa aking mukha. Napansin ko na titig na titig din siya sa akin kaya naisipan kong kawayan siya.

"Bata, kung pwede ka mamayang hapon, pwede ka pumunta sa handaan ng kaarawan ko." Masiglang sabi ko sa kanya.

Naglakad ako palabas ng bakuran upang lapitan siya. Nagulat na lang ako nang may humablot sa aking braso. "Sinong kausap mo Amethyst?" Tanong ni Ina.

Napalingon ako sa kanya. "May bata po kasi roon kanina Ina." Lumingon ako sa kinatatayuan ng bata ngunit wala na siya roon.

Muli akong bumaling kay Ina at kumunot ang kanyang noo. "Sinong bata?" Tanong niya.

Napangiti ako. "Hindi ko po kilala, baka po umalis na Ina."

Tumango si Inay. "Sige anak, maiwan muna kita rito sa bahay. Mamimili lamang ako sa palengke ng mga gagamitin para mamaya." Ginulo niya ang aking buhok saka hinalikan ako sa aking pisngi.

Napangiti ako. "Opo Ina, mag-ingat po kayo." Kinawayan ko pa siya habang naglalakad siya palayo.

Lumingon pa sa akin si Ina. "Huwag kang lalabas, d'yan ka lang ha? Hintayin mo umuwi ang iyong Ama, baka pauwi na 'yun." Paalala niya sa akin.

ITUTULOY...

Tamawo 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon