T3-3

1.6K 54 5
                                    

Chapter 3

Marahang tapik sa pingi ang gimising sa aking pagkakahimbing. Napangiti ako dahil isa lang panaginip ang nakakatakot na nasaksihan ko kasama si Mila. Nang imulat ko ang aking mata, bumungad sa akin si Mila.

Punong-puno siya ng putik at nakaupo siya sa aking tabi. Nakatali ng baging ang kanyang kamay pati ang kanyang paa. Kumalabog ang puso ko nang mapagtanto na hindi pala panaginip ang nangyari sa amin ni Mila.

Napatingin ako sa aking kamay at saka ko napansin na nakatali rin pala ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at nakita ko ang ibang mga bata na tulad namin na kapwa nakatali rin.

Bumangon ako sa maputik na lupang kinahihigaan ko saka dumikit kay Mila. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa dahil nakatali kami. Ang ilang mga bata ay umiiyak na at tinatawag ang kanilang ina.

"Nasaan tayo? Bakit tayo narito?" Tanong ko kay Mila.

Umiling siya. "Hindi ko alam," Malungkot na sabi niya.

Napalunok ako nang may marinig ako na boses sa labas ng selda. Hindi namin sila makita dahil natatakpan sila ng pader. Pinagpilitan ko na lamang isiksik ang aking sarili sa tagiliran ni Mila dahil sa matinding takot.

"Marami ba kayong nahuli?" Sabi ng nakakatakot na boses.

"Opo mahal na hari." Tugon ng kasama nito.

"Magaling, buksan n'yo ang kulungan upang makita ko ang pagkain ng aking alagang si Gamra." Sabi pa ng nakakatakot na boses.

Mas lalo kaming natakot dahil sa aming narinig. Ipapakain daw kami sa isang nilalang na nagngangalang Gamra. Mas lalo pang umiyak ang mga batang kasama namin. Pati kami ni Mila ay maluha-luha na dahil sa takot at pangamba.

Tanging malakas na kalabog lang ng aking puso ang aking narinig nang bumukas ang malaking pinto ng kulungan na aming kinalalagyan. Nagsiksikan kaming lahat sa pader habang isa-isa kaming tinitignan ng maitim na nilalang.

"Magaling Ricardo," Nakangising sabi ng nakakatakot na boses.

Matamang tinitigan ko ang nilalang na sinasabi nilang hari. Maitim din ang kanyang balat at kumikinang ang koronang nasa ulo nito. Napapalamutian din siya ng iba't-ibang klaseng mamahaling bato sa leeg at braso.

"Ipakita n'yo na kay Gamra ang kanyang hapunan." Nakangising sabi ng kanilang hari sa labas ng aming selda.

Tinulak ng maiitim na nilalang ang batong pader at tumambad sa amin ang isa pang selda sa likod noon. Nanlaki ang aming mga mata nang makita namin ang isang halimaw na mabalahibo ang buong katawan.

Mapupula ang mga mata nito na tila isang diyablo at mahaba at pakulot ang malaking sungay nito. Sa tingin ko ay sampung talampakan ang taas ng halimaw at may mahaba at matutulis na ngipin at kuko.

Tumutulo rin ang malapot nitong laway na parang asido. Kitang kita ko ang pag-usok ng lupang pinagtutuluan ng kadiring laway ng halimaw.

Tumalon ang puso ko nang hablutin ng isang maitim na nilalang ang isang batang mapalit sa kulungan ng halimaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumalon ang puso ko nang hablutin ng isang maitim na nilalang ang isang batang mapalit sa kulungan ng halimaw. Napapikit ako nang sugatan nito ang bata sa palad. Mas lalo pang nag-iiyak ang bata dahil sa hapdi at sakit ng sugat niya.

Mas lalo pa kaming natakot nang magwala ang halimaw sa loob ng kulungan nito. Mukhang gutom na gutom na siya at takam na takam sa naamoy na dugo. Maya-maya pa ay pinagtutulakan na kaming lahat patungo sa kulungan ng halimaw.

Mas lalong napuno ng pagtangis namin ang buong selda at humahalo pa ang paghalakhak ng nakakatakot nilang hari sa labas ng selda. Pinagkumpol kumpol nila kami sa tapat ng halimaw upang isa-isang ipakain dito.

Nagulat na lang ako nang biglang napaatras ang halimaw nang mapadikit kami sa selda nito. Napahawak ito sa kanyang ulo at inikot-ikot iyon na parang nahihilo. Nagtaka rin ang maiitim na nilalang sa inasal ng alaga nilang halimaw.

Unti-unting humakbang ang kanilang hari palapit sa amin, upang alamin ang nangyayari. Nagulat na lang ako nang mabitawan nito ang kanyang hawak na parang gintong tungkod na sa tingin ko ay tatlong talampakan ang haba.

Napahawak siya sa kanyang ulo na tila sobrang sakit noon. Kitang kita ko ang pagngiwi ng kanyang mukha at agad na lumapit sa kanya ang mga maitim niyang alagad.

"Mahal na hari, anong nangyayari sa inyo?" Alalang tanong ng tinawag n'ya kaninang Ricardo.

"Hindi ko gusto ang amoy ng dugo ng mga batang 'yan!" Bulyaw niya at agad siyang lumabas ng aming kulungan.

"Pero mahal na hari, marami ang mga 'yan at tiyak na mabubusog si Gamra sa mga iyan." Sabi nung Ricardo.

"Hindi rin nagugustuhan ni Gamra ang mga iyan, paslangin n'yo na silang lahat at sunugin ang bangkay." Utos ng sinasabi nilang hari.

Agad na yumuko si Ricardo. "Masusunod po mahal na hari."

Mas lalo kaming naiyak ni Mila nang isa-isa kaming pinulot ng mga maiitim na nilalang. Binuhat nila kami palabas sa kulungan at wala na akong magawa dahil wala na akong lakas pa upang magpumiglas.

Naghalo na ang luha at sipon ko at nanginginig pa rin ang aking buong katawan. Panay ang singhot ko habang buhat ako ng maitim na nilalang patungo sa lugar kung saan nila kami papaslangin.

Binagsak nila kami sa isang masukal na kagubatan. Pinagdikit dikit nila kami na korteng pabilog na parang panggatong sa isang malaking kawa. Isa-isa nilang nilabas ang kanilang mga punyal at napapikit na lang kami nang pagsasaksakin nila ang mga batang nasa aming unahan.

Nangangalit ang apoy sa sulo na hawak ng ilang maiitim na nilalang. Napalunok ako nang maisip ang hapdi kapag sinunog nila ang aming katawan.

Itinaas nila ang hawak na sulo sa kalangitan at malakas na humiyaw. "Mabuhay ang mga itim na Engkanto!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Mariing ipinikit ko ang aking mga mata habang naghihintay sa aking katapusan. Maya-maya pa ay narinig namin na nagsigawan ang mga maitim na nilalang dahilan kung bakit ako biglang napamulat. Sugatan na ang mga itim na engkanto at ang iba sa kanila ay sa tingin ko ay patay na.

Nakabulagta sa lupa ang mga maiitim na nilalang at dumanak din ang maitim nilang dugo. Nagyakap-yakap kaming mga bata at isa-isang nagdasal para sa aming kaligtasan.

ITUTULOY...

Tamawo 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon