Pagbabalik ng Inyong Lingkod

418 11 14
                                    

Matagal na panahon akong tumigil sa pagsusulat dahil na rin sa maraming kadahilanan. Maraming nagbago na kailanman di na maibabalik pa sa dati.

Kesa magmukmok ginawan ko ng paraan na ma revive itong wattpad account ko na matagal ko nang di mabuksan buksan. Pero nabuksan ko man, di ko pa rin magawang magsulat muli.

Pero ngayon, kahit pakonti konti ay pipilitin kong tapusin ang aking mga nasimulan. Natutuwa ang aking bigong puso sa mga natatanggap kong mensahe na nagnanais na bumalik ako sa mundo ng pagsusulat.

Hindi ako isang sikat na manunulat, wala rin akong mga akda na makikita nyo sa mga tindahan ng libro. Ngunit kaligayahan ko na makitang may mga iilang tao na masugid na nagbabasa at naghihintay sa mga sinusulat ko.

Kaya heto na, magsusulat na akong muli...
Dito ko na ibubuhos ang mga oras na sinasayang ko para sa paghihintay sa wala.

Ngunit ikinalulungkot kong ipabatid na sa mundo na ng Youtube ko maitutuloy ang kwento ni Aldous. Pagkatapos kong ipaskil ang kwento ni Anida at Moneth ay sisimulan ko na ulit itong sulatin.

Nawa'y inyong maunawaan, maraming tumatakbong istorya sa utak ko na kailangan kong ilabas kaya medyo matatagalan pa tayo sa parteng ito.

Sa mga nagnanais sumunod sa aking Channel, hanapin nyo lamang ang aking pangalan na "LeonLynx Channel" at pag hindi nyo hinanap ay makikita nyo haha char.

Paki subscribe na lang po sana para updated kayo kapag maayos na ang flow ng utak ng inyong lingkod.

Maaari nyo ring panuorin ang mga nauna kong kwento habang naghihintay sa panibagong yugto ng istorya ni Aldous.

Maraming salamat...

Nagmamahal,
LeonLynx ♡(∩o∩)♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamawo 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon