*prolouge

177 3 1
                                    

Echos na diary,

Bata pa ako noon around 9 or 10 years old nang mangyari ang aksidente na nagbago ng buhay ko, dahil sa aksidenteng yun ay namatay ang family ko. Wala ngang may alam sa pagkatao ko kasi nasunog yung muka ng mga magulang ko at minabuti nalang nina papa(ang kumukop sakin) na huwag ko nang Makita pa ang muka nila dahil baga matakot at maiyak lang ako, nakita ko nalang yun nung na crimate na.

TTT^TTT

Buti nalang ay may kumukop sakin nun, si papa, biyudo na siya at walang pamilya nang dahil na din sa isang aksidente. Namatay din ang family niya pero hindi dahil sa car accident,sakin kasi car accident. Siya na ang kumukop sakin kasi wala talaga akong pakikilanlan.yung plate number ng kotse,natusta na!! at wala na ring kumuha sakin na pamilya kaya minabuti nalang ni papa na amponin ako total nagkakaintindihan naman kami dahil pareho kami ulila sa tunay na pamilya.well, para sakin not really, kasi siya kilala niya ang pamilya niya ako hindi at siya hindi niya pa taangap ang mga angyari, ako, medyo.

After nung aksidente ay maraming  kung ano anong test at sakit ang maari ko daw makuha. Kaya maraming test ang ginawa ko at wala naman daw fracture or something sa body ko,HIMALA. Sa brain daw pwede daw akong magka depression trauma o amnesia pero sa 3 yun 1 lang ang meron ako. Amnesia. Oo wala talaga akong natatandaan ni single bit kaya nga mas hirap kong maalala ang lahat dahil wala na akong pamilya.

Sabi nga nila wala talaga ako nun kaalam alam,napaka innocente ko daw..

Parang “the soul of an infant sa 10 year old body”

Huh. As if sigurado sila nay un talaga ang age ko eh body age ko lang yun.kasi nga diba may mga test akong pinagdaanan.

Psssh.

Mabuti nga lang daw at mabuti ang nakakuha sakin.si Ian. Siya daw ang nagligtas sakin sa aksidente at siya ang unang kong nakita pag ka gising ko.dinamayan niya ako lagi sa ospital at palagi ko siyang kasama, at oo mabait talaga siya.. sabi nila kaya lang daw yun ganun kasi dawn a gui-guilty siya dahil di nya nailigtas yung mga magulang ko

Pero di niya naman responsibilidad yun in the first place eh..

Siya ang first ko

First memory

First to trust

First friend

First to laugh with

First to tell secrets to

First teacher

First crush

First to like

First love

“young hospital couple” nga ang tawag nila samin dahil sa loob ng 3 and a half weeks na nasa ospital ako palagi siyang nandun halos daw di mo na kami mapaghiwalay at may mga times pa na dun siya natutulog para bantayan ako

Oh deva ang sweet!!!!

Masisisi niyo ba ako kung love ko na siya kahit bata pa kami?!

Pero may nakalimutan akong ilagay dun sa first

First heartbreak </3

2 days kasi bago ako tuluyang ialis sa ospital ay nag chupi na siya.Umalis na siya, pero nangako siya sakin na babalik siya at nangako ako na papaniwalaan ko yun.

Masaya na kami nun ni papa pero syempre na mi-miss ko rin siya. Gusto ko na kahit na birthday ko man lang ay makabisita siya. Siguro nagtataka kayo kung pano nila nalaman ang birthday ko?well, di naman yun ang totoo kong birthday kasi wala nung nakakaalam kahit na ako, ang birthday ko ay ang araw ng aksidente. Galling no ang saya ng birthday ko??ang araw na namatay ang pamilya ko at ako lang ang nakasurvive.kaya nga minsan sinisisi ko rin ang sarili ko..siguro kaya ayaw na sakin ng pamilya ko kasi ako ang pumatay sa mama at papa ko dahil ako lang ang nakaligtas sa aksidenteng yun.

Syempre hindi rin ako nagiisa dahil after 1 year ay may bagong inampon nanaman si papa si Kuya Luke, pero iba siya dahil kung ako ay energetic at makulit at very extrovert siya naman ay palaging seryoso at malungkot kasi malungkot daw ang buhay niya..ayaw niya nga mag open up sakin ng mga bagay bagay at palagi nalang nasa kwarto. Sabi ni papa anak daw siya sa labas ng isang mayaman na negosyante, yung mama niya lang ang nagaalaga sakanya pero namatay daw sa sakit yung mama niya kaya naiwan nalang siya; ayaw din siyang kupkupin ng papa niya dahil baka daw masira lang ang pangalan at pamilya nito.sino yung papa niya??hindi ko kilala o alam, kilala daw yun ni kuya pero ayaw niyang sabihin, kilala din daw yun ni papa pero ayaw din sabihin!(><) Ang lungkot ng buhay ng kuya ko no?? kaya nga gusto ko tuwing nakikita niya ako ay Masaya ako lagi para ang environment niya ay Masaya.

Kaming tatlo nagyon ay isang masayang pamilya..para nga kaming ewan,, 3 tao na iniwan ng tunay nilang pamilya ay nakahanap ng pamilya sa isa’t isa. Pero nagka agreement kami ni kuya na sa harap ni papa ay walang magsasalita sa tunay naming pamilya o na ampon kami or whatsoever ayaw kasi naming na ma feel ni papa na hindi niya kami kapamilya dahil hindi niya kami kadugo..

Ngayon ay isa na akong sophomore college  sa weirdong Pheonix Univ. bakit weirdo???!!! Unang una kasi ang mahal ng tuition!! Pangalawa kasi meron silang tinatawag na weirdong “night classes”. First daw yan sa mundo… dun daw nakapagaral ang mga mayayaman at mga galing sa maimpluwensyang pamilya or for short “nobles”. Iba’t ibang mga mayayaman galing sa Iba’t ibang panig ng mundo ang pumapasok dito.. merong mga heir o heiress!!bakit sila pumapayag na mag aral dito?? Kasi night naman daw kaya walang ano sa sched at isa pa gusto ng mga parents nila na magka business connection sila sa mga “kauri” nilang weirdo.. siguro may mababait din dyan pero who knows?? Duh ayaw na ayaw nila na nakikipaghalubilo sa mga katulad naming commoners o “day class” student, may mga bodyguard pa nga sila!!ECHUSERANG FROGLET!!yung iba sakanila na galling pa sa ibang bansa ay nag do-dorm sa isang napakalaking building na halos ka size na ng white house at daig pa ang security ng malacanang!!!!mga tao talaga!!

Favorite ng ilang mga echuserang day class student ang oras na 6:00 KASI YUN YUNG TIME NA NAGKAKAISA ang MGA Night class student na naglalakad sa garden papunta sa classrooms nila galling sa dorm.. sabi daw nila ang gwapo daw ng mga night class student!!!PAKIALAM KO!! Isa pa 5:00 ang uwian naming!! Effort magantay ng 1 oras para lang makita ang pagmumuka nila!!bakit life changing ba yun?!

Meron din naman kaming fuse website pero di ko pa alam kung ano at wala na rin akong pakialam…

Pero kasi..

Iba ang nararamdaman ko sa school year na ‘to

As if may magbabago…MARAMI..

PERO ANO??

                                                                                                Hugs and kisses,

                                                                                                Yanna

My First Memory was you &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon