Chapter 1

196 3 0
                                    

<SHERYL>

Hi I’m Sheryl Lagdameo, my friends call me “She”. Pinanganak akong mayaman at matalino, hindi naman sa pagmamayabang pero talagang ewan ko buh kahit hindi ako nag-aaral ay lagi parin akong nangugnguna sa klase simula ng grade 1 hanggang grade 6.

Ngayon first year na ako lumipat ako ng bagong school from Johnson Drew Academy to Elite Exclusive School. Lumipat ako kasi gusto kung maging independent. New adventure, friends and new place.

Nandito ako ngayon sa bagong condo ko. Tinulungan ako ni Mang Peter sa paghahakot ng mga gamit ko. Ang dami ko pa namang gamit at nasa 5th floor pa ng building na ito ang unit ko. Napasok na namin lahat. Maya maya pay  dumating na ang pizza na inorder ko.

“Hay salamat!” bungad ko sa delivery boy. “Heto ang bayad keep the change” sabay abot sa kanya.

“Salamat Miss.” Sagot naman ng delivery boy. Sinara ko na ang pinto at dumeretso sa kusina. Nakita  ko si Mang Peter inayos ang mga pagkain sa cabinet. Naku ang bait talaga pagbubuhat lang ang ni request ko pati pag-aarange ng mga gamit kina-career pa.

“Tatay Pete, kain na muna tayo ako na po diyan. Wala po akong gagawin ngayon kaya ako na po ang bahala sa mga gamit ko. Pagkatapos nating kumain pwede na po kayong umuwi at maki bonding sa pamilya niyo. Alam ko pong hindi pa po kayo nakauwi simula noong isang Linggo. Tama po ba?”

“Okey lang po senorita. Tutulungan na kita medyo marami-rami itong mga gamit mo. Huwag kang mag-alala uuwi rin ako mamaya sa bahay pagkatapos nito.”

“Ay naku tatay Pete ang tigas-tigas talaga ng ulo niyo.” Gagalit-galitan na sabi ko.

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. “Sheryl po ang pangalan ko hindi senorita. At huwag niyo po akong po poin kasi bata pa po ako. Isang daang beses ko na po iyang sinasabi sa inyo. She na lang, 3 letters lang yan.”

Natawa siyang bigla. “O sige sige na  She na kung She. Kumain na nga lang tayo.”

Natawa na rin ako. Pagkatapos naming kumain. Pinilit ko na siyang umuwi sa kanila. Kahit anong pilit niyang tulungan ako ay ako pa rin ang nasunod.

************************************************************************************************************<KENNO>

Hi I’m Kenno La Forte.  Second year high school. Anak ng may ari ng Elite Exclusive School pero hindi alam ng mga classmate ko. Wala lang ayaw ko lang ipaalam sa kanila. Ako din ang campus crush. Hindi naman sa pag mamayabang pero lahat na lang ng katangian ng kagwapohan ay nasa akin na. Ewan ko ba hindi ko naman ito hiningi pero kusang binigay. Always top notcher sa school.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Si Ezrah bestfriend ko ang tumawag. Sabay na kaming lumaki. Siya lang ang nag iisang babaeng kaibigan ko na alam lahat ng mga secrets ko. Makikilala niyo rin siya later.

Nakahiga pa rin akong inabot ang cellphone ko na malapit sa lamp shade.

“Yes, Ezzy” sagot ko habang bumabangon.

“Hello Ken. I have good news. Guess what?” masaya niyang sabi.

“May nanligaw na ba sa iyo?” biro ko sa kanya.

“Ay ikaw talaga, ayan ka na naman. Hindi no, napatawag ako para sa sabihin sa iyo na natanggap na ako sa school na inaapplayan ko.  Nakuha ko na ang scholarship. Certified Student Assistant na ako. Lilipat na ako ng school”

“What? Bakit iyan pa ang napili mo. Pinahihirapan mo pa ang sarili mo. Doon ka na lang sa school ako na ang bahala sa iyo. Tutal hindi ka naman iba sa pamilya ko. I will tell mom. Tiyak matutuwa pa iyon.”

Elite Exclusive School (Just The Way You Are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon