Chapter 6

40 1 0
                                    

<Sheryl>

Back to regular class na naman. Pagpasok ko sa room napansin ko na may pinagkakaguluhan silang lahat. May kanya-kanyang hawag na magazine. Busy ang lahat sa pagbabasa. Ang iba ay bigla-bigla na lang tumitili ng malakas. Para  bang kinikilig sila. Umupo na ako sa aking upuan at kinuha ang libro ko na nasa ilalim ng desk. Paghila ko ay may nakita akong magazine na nakapatong sa libro ko. Tulad din ito ng mga hawak nila. Binasa ko ang nasa cover page. “FLASH MAGAZINE”.  School paper pala. Ang social na naman talaga. Pati pala school ay may magazine din. Ano kaya ang nandito? Binasa ko pa ang ibang nakalagay sa front page. May picture ng lalaki. At may konting caption na nakalagay. Wait kilala ko yata ang lalaki na ito ah. OMG si Kenno La Forte. Siya nga. Ang gwapo yata niya dito ah. Kaya naman pala maraming babae na tumitili dahil lang pala sa kanya. Binasa ko ang caption “Campus Crush Kenno La Forte Most Outstanding Leader of the Year 2013” Ah last year lang pala ang balita na ito. Wait, tiningnan ko ulit ang magazine issue “2014”. So ngayon lang ang issue ng magazine na ito. Latest update pala. Na curious akong bigla kaya binuklat ko ang page kung saan nakasulat ang balita tungkol sa kanya. Sisimulan ko na sana ang pagbabasa nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko si Jasmine pala.

“Sheryl crush mo rin ba siya?” nakangiting sabi niya sa akin.

“Ha? Ah eh hindi ah?” tanggi ko sa kanya.

“Sus! Aminin mo na. Lahat ng mga babae dito ay nagkakagusto sa kanya.  Huwag mo nang ikaila. Halata ka naman kasi.” Katyaw pa niya sa akin.

“Hindi nga eh. Bakit mo ba ako kinukulit na paaminin?”

“Eh kasi napansin ko kanina na binuklat mo agad ang pahina na iyan. Iyan agad ang binasa mo. Aminin mo na kasi. Okay lang naman dahil lahat naman tayo may gusto sa kanya noh. Pero kung nahihiya ka mang aminin okay lang din hindi kita pipilitin.”

“Naku Jasmine hindi talaga. Hindi ko siya crush at hindi ko rin siya type. Gwapo nga siya pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya. Curious lang talaga ako kaya binasa ko. This is my first time to read this kind of magazine. Siyempre babasahin ko naman ang lahat ng nakasulat dito no. Nagkataon lang talaga na sa page na ito ang unang binasa ko.”

“Talaga lang ha? Sige maniniwala na muna ako sa mga sinasabi mo sa akin ngayon. Pero pag nalaman ko na may gusto ka rin sa kanya at dinideny mo. Ay! hindi talaga kita tatantanan sa kakatyaw sa iyo.”

“Hay naku Jasmine wala talaga kaya tigilan mo na ako sa katatanong mo. Wala naman sigurong masama kung magkakagusto man ako o  hindi di ba?”

“Oh bakit ngayon ay naging defensive ka yata?”

“Ay Jas please tumigil ka na. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. At isa pa baka ma-chizmiz pa ako. Ay! Ayoko talaga nang ganyan. Ayokong pag-usapan ako ng mga tao. Wala akong crush period.”

“Wala namang masama, normal lang iyon. Pero impossible pa rin kung wala kang crush. Masyado bang high standard at mapili ka sa lalaki? Curious lang ako.”

“Hindi naman. Sadyang wala lang talaga. At hindi naman iyan importante eh. Serious ako sa studies ko kaya wala munang ganyan-ganyan. Kung may crush man ako huwag kang mag-alala ikaw ang unang makakaalam nun.” Sinabi ko lang iyon para matigil na sa kakukulit sa akin.

“Okay, nagtatanong lang naman eh.” bumalik na rin siya sa kanyang upuan. Kinuha ang magazine at nagbasa ulit.

Ito talagang si Jasmine ako agad ang napansin. Sakto pa na nabuksan ko ang page na iyon. Sa kadaming pwedeng itanong iyon pa. Hay buti na lang at nadeny ko agad. Wait crush ko nga ba talaga si Kenno? Gwapo naman siya. Gwapo lang talaga siya at hindi ko siya crush. Wala naman akong nararamdamng kakaiba. Iyon lang naman noong time na nasa conference room at may orientation kami. Ah basta wala. Hindi ko siya crush.   Bakit ba ako na bo-bother ngayon. Si Jasmine naman kasi eh. Ay ewan.

Elite Exclusive School (Just The Way You Are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon