Nasa entrance na ako ng Grand Hotel. Pumasok ako at dumeretso sa reception area. Magtatanong nasa ako sa receptionist kung nasaan ang Activity Hall nang may bigla na lang tumawag sa akin. Nilingon ko ang tumatawag at nakita ko si Joax na papalapit. May dala-dala itong isang malaking kahon. Ito na siguro iyong mga decoration na kakailanganin naming idikit para sa party.
“Ms. Sheryl nandito ka na pala. Sabay na tayo sa pag akyat sa taas.” Sabi sa akin ni Joax.
“Magtatanong na sana ako kung nasaan ang Activity Hall. Buti na lang din at nandito ka. Okay tara.”
Pumunta na kami sa elevator. Bumukas naman ito agad pagkatapat namin. Habang nasa elevator ay biglang nagtanong si Joax.
“Hindi ba transferee ka? Bakit ka nga pala lumipat?”
“Ha? Wala lang gusto ko lang lumipat ng school. Bakit mo naman naitanong?”
“Wala lang na curious lang akong bigla. Masyado ka kasing tahimik. Kaya nag-open ako ng topic. Okay lang ba kung magtatanong pa ako ng mga personal question tungkol sa iyo?”
“Okay lang. Pasensya na nahihiya lang talaga ako kasi naman bago lang ako. Wala pa akong masyadong kakilala at nahihiya din ako na makipag-usap.”
“Talaga? Huwag ka ng mahiya ganyan naman talaga iyan. Kumusta naman ang first week mo sa school?”
“Okay lang naman. May mga friends na rin ako. Thank you nga pala sa pakikipag-usap sa akin.”
“Sus ikaw naman. Okay lang iyon.”
Maya-maya ay tumunog ang cp ni Joax. Natigil muna ang pag-uusap naming dalawa dahil sinagot na muna niya ito.
“Yes, Boss? Yeah we are here already. Where on our way. Bye” pagkatapos niyang makipag-usap dito ay piñata niya ang cp at kinausap na naman niya ako.
“Si Boss Kenno ang tumawag. Hinahanap na tayo. Mainit yata ang ulo. Ano kaya ang nakain noon?”
“Na bad trip siguro” sabi ko pa na naalala ang pagkikita namin sa restaurant kanina. Baka nag-away sila ng maldita na iyon.
“Siguro nga.”
Pumasok na kami Sa Activity Hall. Malaki ito at maganda din ang mga design na nakasabit sa gilid ng Hall. Maraming mga lights at disco balls. May malaking stage din. Nandoon na nga ang aming mga kasamahan. Kami na lang ang hinihintay. Lumapit kami sa kanila. Nakita ko si Kenno na naka kunot ang noo niya nang makita kami ni Joax na magkasama at nagtatawanan. May sinabi kasi sa akin si Joax na nakakatawa bago kami nakapasok sa loob. kaya natawa ako at nahampas ko si Joax sa balikat niya. Hindi ko alam kong bakit parang galit yata ang nababasa ko sa mga mata niya.
“Now, you’re here already let’s start now. Joax give me that one.” Sabi niya habang nakatingin sa hawak na kahon ni Joax. Binigay naman ito sa kanya at inilabas isa-isa ang mga laman noon. Nagkanya-kanya na ang iba ng kuha. Pati na rin ako ay kumuha na rin ng mga gamit na gagamitin sa back draft. Si Jam, Allanah at Joax ay nag-aasikaso sa pag-lobo ng mga balloons at kami naman ni Kenno sa back draft. Nasa stage kaming dalawa ni Kenno. Tahimik lang siya na nagdidikit sa mga letters. Ako naman ay ginugupit ko pa ang ibang mga letters na hindi pa nagugupit.
Habang naggugupit ako ay napasulyap ako sa kanya. bigla din ako nag-iwas ng tingin dahil nakatingin din siya sa akin. Bakit ganoon kaya siya makatingin sa akin? Galit ba siya sa akin? Baka naalala niya na ako iyong babaeng muntik na niyang mabangga. Galit din naman siya ng time na iyon. Dapat nga na ako ang magalit sa kanya dahil siya iyong may kasalanan. Pinagpataloy ko na lang ang ginagawa ko.
<Kenno>
Habang nagdidikit ng mga letters ay naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Sheryl noong papunta ako sa mall para bumuli ng gift. Grabe naman talaga siya makapagtaray sa akin nung time na iyon. Nagalit din ako sa pagtataray niya. Kahit nagsorry na ako ay hindi pa rin ako tinatantanan at isa pa ang bumabagabag sa akin. Iyong sinabi sa akin ni Dionne kani-kanina lang. Nagalit ako sa kanya dahil pinahiya niya ito sa maraming tao. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Nakakunot ang noo ko na tiningnan ko siya at sakto din naman siyang napatingin sa akin. Una siyang nagbawi ng tingin.
BINABASA MO ANG
Elite Exclusive School (Just The Way You Are)
Teen FictionSheryl Lagdameo, bagong studyante sa Elite Exclusive School,gusto niyang maging independent kaya umalis siya sa poder ng kanyang ina at Tito Ricky niya. Lumipat siya ng bagong skwelahan at sa paglipat niya dito ay nakilala niya ang campus crush na...