<Kenno>
Pumunta ako sa office ng ARC. Palabas ang dalawang staff.
" Hi Kenno." bati sa akin ng dalawa nang makita nila akong papasok sa office. Tumango lang ako bilang ganting bati sa kanila. Sanay na naman sila sa ganoong gesture ko. Pumunta agad ako sa private room ko. Sa loob kasi ng office my private office ako. I open my own laptop at ini-on ko. Habang naghihintay ay kinuha ko sa drawer ang isang files. New files case for charity. Tinext kasi ako kanina ni Beth nasa drawer ko na ang files sa bagong assignment ng ARC.
Binasa ko ang files at nagreseach ng tungkol dito. Nagbasa lang ako ng nagbasa. Pinag-aralan ko talaga ng mabuti. Kailangan malaman ko na agad ang lahat ng tungkol dito para mapagplanuhan na namin ang dapat gawin.
****************************************************************************
<Sheryl>
Tapos na ang klase ko kaya oras na naman para gawin ko ang inutos sa akin ni Kenno. Kailangang matapos ko naagad iyon kasi naman ngayong sabado na ang party. Kailangang maipadala ko na ang invitation 3 days before. Kaya ngayon papunta na ako sa office ng ARC. It’s my first time na makapasok sa loob ng office. Nasa tapat na ako ng tumunog ang cp ko. Si joax ang tumatawag. Sinagot ko kaagad.
“Yes, Joax?”
“Hi Ms. Sheryl. Tumawag ako para sabihin sa iyong nasa stock room na ang lahat ng materials para sa paggawa mo ng invitations. Gamitin mo na lang ang table ko. Hindi pa kasi naayos ang bagong table mo. Dahil hindi pa naipadala ang bagong table set na inorder ko for you. Nasa drawer ang personal laptop ko. Gamitin mo na din. Kung tapos kana sa layout and ready na for printing. Kunin mo kay Kenno ang susi ng printing room. Kung may kailangan ka just text me or si Kenno okay?”
“Okay. Thanks.”
Pagtapos naming mag-usap. Binuksan ko na ang pinto. Walang tao. Bumungad sa akin ang napakalinis at organize na office. Malaki ang office ng ARC. May kanya-kanyang desk. Sa bawat desk ay may mga name plate. Binasa ko isa-isa. Hinanap ko ang table ni Joax. Nakita ko naman agad ang table niya. Malapit lang ito sa isa pang pinto. Naupo ako at kinuha sa drawer ang personal laptop ni Joax. Nandito nga. Ini-on ko ito at nagsimula na ako sa pagta-type.
After 2O minutes tapos na ang nilayout ko. Sinave ko sa USB. Pati na rin ang soft copy ng mga list na pagbibigyan ko ng mga invitations. Narinig kong bumukas ang pinto na nasa likuran ko. Kaya napalingon ako.
Nagulat ako nang lumabas si Kenno mula sa loob. Parang nabigla din siya pagkakita sa akin. Hindi niya siguro alam na nandito ako.
“Oh Ms. Sheryl nandito ka pala. Akala ko ako lang mag-isa dito sa office. Bakit nasa table ka ni Joax? What are you doing here?”
“Sabi kasi niya na gagamitin ko na lang ang laptop niya sa paggawa ng invitation. Tapos na naman ako. Nandito na sa hawak kong USB ang soft copy. Ah by the way, where is the stock room?”
“There.” turo niya sa isang pinto na katabi ng pintong nilabasan niya. “And beside of that is the printing room.”
“Ah okay.”
“Wait, I’ll get the keys.” Pumasok siya uli sa loob at paglabas ay dala-dala na niya ang susi.
“Here are the keys.” Abot niya sa akin.
“Thank you.” Kinuha ko ang susi at tinungo ang stock room. Pumasok ako sa loob. Puro mga kahon ang naroon. May mga labels ang bawat isa. Binasa ko isa isa ang mga nakasulat. May nakita ako na nakaseparate na kahon. Ito na nga ang mga materials na kailangan ko. Lumabas ako ng stock room. Hindi ko na nakita si Kenno paglabas ko. Hindi ko alam kung umalis na ba o bumalik siya sa loob.
BINABASA MO ANG
Elite Exclusive School (Just The Way You Are)
Teen FictionSheryl Lagdameo, bagong studyante sa Elite Exclusive School,gusto niyang maging independent kaya umalis siya sa poder ng kanyang ina at Tito Ricky niya. Lumipat siya ng bagong skwelahan at sa paglipat niya dito ay nakilala niya ang campus crush na...