Chapter 2

31 2 0
                                    

<Kenno>

Pagkahatid ko kay Ezrah sa bahay nila ay tumawag si Daryl. “Hey Bro don’t forget later. Magtatampo talaga ako pag hindi ka umattend sa party ko mamaya okey? Don’t forget to bring my present huh o kahit wala na basta umattend ka lang ayos na.”

“Oo sige pupunta ako. Bye” sabay pindot sa end button.

Tama nga pala muntik ko nang makalimutan. Ngayon na pala iyon. Buti at may time pa ako bumili ng regalo. Di-deretso na ako sa mall.

Traffic yata sa dinaraan ko. Dumeretso ako sa kabilang kalsada dito na lang ako dadaan. Paliko na ako ng hindi ko mapansin na may tumawid na lang bigla sa aking dinadaanan. Bigla akong nagpreno. Muntik ko ng mabundol ang babae.

“Ano buh! Papatayin mo buh ako? Nakita mo na nga may dumadaan na tao. At sana naman huwag kang masyadong mabilis magpaandar ng motorsiklo mo munting mo na akong mapatay.” sabi ng babae sa akin na galit na galit.

Tinanggal ko ang helmet ko at sumagot sa kanya. “Sorry miss bigla ka na lang kasing tumawid hindi kita nakita agad. Buti na lang din nakapagreno ako kung hindi ay nasagasaan ka na.”

“Aba’t ako pa pala ang may kasalanan ngayon. Ako na nga ang muntik ng masagasaan ako pa ang mali ngayon.”

“Hey miss ikaw naman talaga ang  may mali dito ikaw ang tumawid na lang bigla. At hindi  naman kita nasagasaan ah. Wala naman nangyari sa iyong masama. Magpasalamat ka na lang at hindi ka nasaktan.”

“Hoy! Mr. Kaskasero pwede buh huwag mong baliktarin ikaw ang may kasalanan dito muntik mo na akong mabangga. Irereport kita sa pulis. Akin na ang driver’s license mo dali.”

“Bakit ko naman ibibigay ang driver’s license ko sa iyo pulis ka bah?  At isa pa hindi ako kaskasero. Nag sorry na nga ako sa iyo hindi pa ba sapat iyon. Okay ka naman di ba. Sige na miss may pupuntahan pa ako.  Sorry talaga at sana ay mapatawad mo ako. Bye.” Sabay alis ko. Narinig ko pa ang mga pagtawag niya. 

Okay lang ba ang babaeng iyon. Siya na nga ang may kasalanan siya  pa ang may ganang magalit at isusumbong pa daw ako sa pulis. Ang hirap naman pakiusapan. Sayang maganda pa naman masungit lang.

Nasa mall na ako. Pumasok ako sa men's section. Pumili ako ng t-shirt at pair na pants para sa kaibigan ko. Pagkatapos ay pinabalot ko at binayaran gamit ang credit card ko.

************************************************************************************************************

<Sheryl>

“Ah! Kainis! Ah! Ah! Ah! Lagot ka sa akin pagnakita kita ulit. Kainis. I-rereport kita sa pulis.” Galit na galit na turan ko. Alangan naman sino buh naman ang hindi mainis sa lalaking iyon. Ako na nga ang muntik na niyang masagasaan ako pa daw ang may kasalanan. Ang kapal naman ng mukha niya. Antipatiko talaga, hambog. Sayang gwapo sana.

Kauuwi ko lang sa condo. Dumeretso na ako sa bed ko. Humiga ako ng patihahaya, napatingin sa kisame. Ah kainis, ano buh ang nangyayari sa akin. Bakit hindi mawala sa isip ko ang hitsura ng lalaking iyon. Ilang minute lang naman iyon. Pinikit ko ang mga mata baka mawala siya sa isip ko. Pero hindi pa rin eh. Kainis talaga bad trip. Ang pangit ng araw ko. Ginulo ko ang buhok ko. “Ah! Ah!Ah!”.

Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ang cp ko. Si mommy ang tumatawag. Sinagot ko naman agad,  “Hello, mommy?”

“Hello, Sheryl anak. Kumusta ka na? Balita ko nakalipat ka na daw sa bagong condo mo. Okey ka lang buh diyan anak? May kailangan ka pa buh diyan? Just tell me.” sunod sunod na sabi ng aking mommy.

“Mom, don’t worry I’m okay. Everything is fine.” Sagot ko sa kanya.

“Gusto mo ba ng new car and personal driver? Para may maghahatid at sundo sa iyo. I know that Mang Pete is busy. Baka di ka na niya maasikaso pa. Bukas na bukas din ipapadeliver ko ang car and maghihire ako ng personal driver mo. Okay ba iyon anak.”

Elite Exclusive School (Just The Way You Are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon