<Kenno>
Marami na ang mga bisita dumating. Lahat ng mga lalaki ay nakatuxedo at ang mga babae naman ang naggagandahan sa kanilang mga dresses ngayong araw na ito. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang ceremony. Binati ko ang mga alumni at iba pang mga bisita. Pati mga bagong membro. Dumating din ang mga major sponsor ng ARC.
Sa di-kalayuan nakikita ko sila Joax na panay din ang kamustahan sa mga iba pang alumni. Nilapitan ko sila.
“Hi guys.” Bati ko sa kanila.
“Oi Prexy congrats. Good luck to your new projects.”
“Thanks.”
“Kumusta ka na?” sabi pa nong isa.
“Okay lang heto busy na naman.”
“Ganyan talaga iyan. Parang hindi ka na nasanay. Maiinspired ka naman eh.” singit naman ng isa.
“Inspired na inspired talaga iyan.” Sabat naman ni Joax. “Ikaw ba naman ang mapaliligiran ng mga anghel. Eh gaganahan ka talaga sa pagtratrabaho. (ikaw pa naman ang napaaligiran ng mga magagandang babae. Eh gaganahan ka talaga sa pagtratrabaho)” Dagdag pa niya.
“Nagsisimula ka kana naman.” sabi ko sa kanya.
“E totoo naman ah. Puro mga bata ang mga nabibigyan mo ng attention at sa mga pangangailangan nila. Masarap talaga ang buhay kung nakakatulong sa kanila. Diba?”
“Alam kong hindi iyan ang ibig mong sabihin.”
“Ah Oo, napansin ko nga.” Sabi pa ng isa na nagets ang ibig pakahulugan ni Joax sa sinabi niya. “Mga anghel nga ang mga nakapaligid sa iyo. Kaya nga ARC eh.” nagtawanan ang lahat.
“Magaling lang talaga itong si Kenno magdala. Naapaamo niya ang lahat.” Dagdag pa ng isa.
Hahai puro lang talaga mga kalokohan ang mga ito. Ganito sila pagwalang ibang mapag-usapan. Ang malas ko naman dahil ako ang napagdiskitahan. Sinabayan ko na lang sila sa kanilang asaran.
<Sheryl>
Nasa elevator na ako ng tumunog ang cellphone ko. Si Allanah ang tumawag.
“Sheryl nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinintay para masimulan na ang ceremony.” Sabi niya.
“Nasa elevator na ako. I’m on my way.”
“Okay. Bye.”
Papasok na ako sa Activiy Hall. Marami na ngang mga tao. Nagpalinga-linga ako para hanapin sila Alannah. Nang bigla napadako ang mata ko sa grupo nila Kenno. Kasama niya sila Joax at iba pang mga lalaki na hindi ko nakikilala. Nagtawanan ang mga ito. Bigla na lang napawi ang ngiti nito nang nagtama ang aming mga paningin. Maya-maya ay bumaling ang tingin nito sa ibang direction. Napatingin ako kay Joax na kumakaway sa akin. Naghi sign lang ako at lumakad papuntang stage.
<Kenno>
Napabaling ang tingin ko sa entrance door. Nakita ko si Sheryl na nakatayo doon. Nagtama ang aming paningin. Ewan ko ba. Bigla na lang akong nakaramdam nang kakaiba ng makita siya at ang suot niyang napakaganda. Simple lang ang ayos ng buhok at kulay pink ang dress niya. May konting make up at nakahigh heels. Napakaganda niya sa ayos niyang iyon. Kahit nagagandahan ako sa kanya ay hindi ako nagpahalata. Bumaling ako sa ibang direction at patay malisyang hindi ko siya napansin. Kumayaw sa kanya si Joax, nag hi sign lang siya dito. Dumeretso siya ng stage. Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit sa kanya si Jam at umakya na sa stage para simulan na ang ceremony.
Nagsimula na nga ang ceremony. Lahat ng Officer ay nagspeech isa-isa at ako ang panghuli. After ng ceremony ay nagparty na ang lahat. Masaya ang lahat at naging successful ang unang party ng taon na ito.
BINABASA MO ANG
Elite Exclusive School (Just The Way You Are)
Teen FictionSheryl Lagdameo, bagong studyante sa Elite Exclusive School,gusto niyang maging independent kaya umalis siya sa poder ng kanyang ina at Tito Ricky niya. Lumipat siya ng bagong skwelahan at sa paglipat niya dito ay nakilala niya ang campus crush na...