Chapter 11

70 0 0
                                    

 <Sheryl>

“Sheryl” tawag sa akin ni Jasmine na nakatayo sa pintuan ng classroom namin. Halatang kanina pa ito naghihintay. Lumapit ito sa akin na parang kinikilig. “How was the party last night?” tanong agad niya pagkalapit sa akin.

“Okay lang.” tipid na sagot ko sa kanya.

“Ganoon lang? Okay lang?” takang tanong niya.

“Bakit ano pa ba ang inaasahan mo?” tanong ko sa kanya.

“Sus, magkwento ka na kasi. Ano ba talaga ang nangyari? Alam kong may nangyari kagabi?” hirit pa niya.

“Ano bang nangyari kagabi? Alam mo naman pala eh ikaw na lang kaya ang magkwento? Para naman alam ko kung anong alam mo.”

“Ayaw mo ba talagang ikwento?”

“Wala naman akong ikwe-kwento. Party lang naman iyon no special events”

“Okay fine. Sige na nga. Sasabihin ko na nga ang nalaman  ko. Kanina may narinig ako. Positive and negative ang effects sa akin ng balitang iyon. Positive kasi nalaman ko na nakasayaw mo daw si Kenno sa party for the whole night.  Negative dahil nalaman kong Awkward Dance pala  ang game. Kahit Akward Dance iyon ay para sa akin positive pa rin iyon dahil maswerte ka dahil nakasayaw mo siya. Ikaw ba naman ang aanyayahan ng napagwapong nilalang dito sa EES ay maswerte ka na talaga sa lahat. Kaya napa swerte mo dai. ”

“What? Saan mo ba nalaman ang balitang iyan?”

“Actually usap-usapan iyan sa buong school. Ai huwag ka ng magtataka kung bakit. Basta  kung involve si Kenno ay tiyak wala pa sa isang segundo ay kalat na ang balita.”

“OMG!”

“Okay lang maswerte ka naman. Akalain mo bang ikaw ang napili at nakasayaw niya sa party.”

“Ano naman ang maswerte doon eh malas nga eh. Ako na nga ang pinili na makasayaw niya sa Awkward dance na iyon. At tingnan mo pa nang dahil doon ay na tsismis na ako sa buong school. Maswerte ba iyon sa tingin mo?”

“Oo, ikaw ba naman ang makasayaw ang crush ng campus na pinapantasyahan ng lahat. Kung ako siguro iyon ay pwede na akong mamatay.” Kilig pa niyang dagdag.

“Hay naku magtigil ka nga diyan. Baliw ka talaga. Pwede bang huwag na ‘yan nating pag-usapan. Naiinis lang ako eh.”

“Bakit ka naman naiinis? Dahil ba ikaw ang pinili niya na makasayaw sa Awkward Dance? Dahil ba Awkward Dance ang tawag sa game na iyon? O kung bakit ikaw pa ang pinili niya na makasayaw sa Dance na iyon? Alin doon?”

“Jasmine pwede ba tigilan mo na ako? Gusto mo bang pati sa iyo ay maiinis na rin ako?” Pikon na sabi ko sa kanya.

“Okay fine. Titigil na ako sa katatanong ko  tungkol sa Party. Pasensya na na eexcite lang talaga ako.”

“Mabuti naman.”

“Oi Sheryl, Anong feeling na makasayaw si Kenno?” singit pa niya.

“Ewan ko sa iyo.” tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob ng classroom namin. Pagpasok ko sa loob ay may mga studyanteng nagbubulong-bulungan. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Pahamak naman ito. Umupo ako sa upuan ko at kinuha ang libro na nasa ilalim lang ng desk nakalagay. Magbabasa muna ako habang naghihintay sa teacher namin na dumating. Umupo na rin sa upuan si Jasmine at tumigil na rin sa pangungulit sa akin.

<Daryl>

“Hey bro what’s up.” Bati sa akin ni Joax. Nagkasalubong kami. Pareho kaming papunta sa locker area.

“Ikaw pala Joax kumusta na? How was the party?”

“Great, that is the  great party ever.”

Elite Exclusive School (Just The Way You Are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon