Chapter 12

55 0 0
                                    

<Dionne>

Nagsusulat ako sa aking notebook ng biglang may itinapong magazine sa aking lamesa. Napatingin ako sa may gawa noon. Nakita ko ang tatlong babaeng nakapameywang at nakataas ang kilay.

“Ano ba?” galit na sabi ko sa kanila.

“Ambisyosa ka kasi.” Sagot naman ng isa sa mga ito.

“Anong ibig ninyong sabihin?”

“Di ba sabi mo na boyfriend mo si Kenno La Forte? Boyfriend mo nga ba talaga siya o nag-iilusyon ka lang?” sabi pa ng isa.

“Oo, boyfriend ko nga siya. Bakit ayaw niyong maniwala. Ano bang problema niyo at tinatanong niyo na naman ulit ang bagay na iyan.”

“Tingnan mo ang nasa magazine. Nandiyan ang katotohanan at nagpapatunay na nagsisinungaling ka sa  amin. Ambisyosa ka rin ano.”

Dali-dali kong kinuha ang magazine. Laking gulat ko ng makita ko sa cover ang litrato ng dalawang pares na  parang nagsasayaw. May  isa pang litrato kuhaito ay noong sila’y pinarangalan. Binasa ko ang title ng article.

“The Prince and Princess of the Night.”

Nakilala ko ang hitsura ng lalaki. Si Kenno nga ito at ang babae ay familiar sa akin ang hitsura nito. Siya nga, hindi ako nagkakamali ito iyong babaeng nakaaway ko. Bakit magkakakila ang dalawa? Binasa ko ang article. Nakasulat dito ang tungkol sa nangyari sa party at ang pagkalink ng babae sa boyfriend ko. Nakasulat din dito na real couple ang dalawa. Nagpapatunay ang mga supporting picture na nacaptured sa iba’t ibang angle. Hindi ko na tinapos ang binasa ko. Dahil alam ko ang lahat ng mga nandoon ay pawang kasinungalingan lang.

“Oh natahimik ka na diyan. Ngayong alam na namin ang lahat ay hindi na kami maniniwala sa iyo. Klarong-klaro na naman diyan sa article na iyan na totoo nga ang balita na nakasulat diyan.”

“Sa susunod huwag kang magmayabang at huwag ka ring ambisyosa.” Sabay walk out ng tatlo.

“S**t!” napamura na lang ako sa sarili ko. Hindi ko talaga inaasahan na may lalabas na isyung ganito. Sino ba ang sumulat nito at mabatukan ko. Ni hindi man lang nila inalam ang totoo bago I-published. Saan naman itong mga larawan na kuha ng dalawa. Hindi naman ito nabanggit sa akin ni Kenno ah.

Tinawagan ko si Kenno. Ngunit out of coverage area ito. Panay ang dial ko ngunit voice mail na lang ang naririnig ko. Ayaw talagang sagutin.

Kalat na sa lahat  ang tungkol dito. Iyon lagi ang pinag-uusapan.  Uwian na ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin macontact si Kenno. Marami  akong katanungan sa kanya.

Umuwi na lang akong mag-isa sa bahay. Tinawagan ko ang mga bff ko. Alam kong alam na rin nila ang bagay na ito.

“Hello, Shannon.”

“Buti at naisipan mong tumawag. Ano ba itong kumakalat na balita tungkol kay Kenno at sino naman itong Sheryl Lagdameo na ito?”

“Iyan nga ang itinawag ko. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang balitang iyan. Anonymous ang writer eh. At iyang Sheryl na iyan ay hindi ko kilala. Pero nakarap ko na siya.”

“Ha? Nakaharap mo na siya? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong nito.

“Naalala mo ba noong binanggit ko sa iyo. Isang transferee na inaway ako dahil sa mga ginawa ko doon sa kaibigan niya.”

“Ah siya ba iyon. Ang kapal naman niya. Una ay inaway ka ngayon naman ay inagaw ang boyfriend mo. Naconfirm mo na ba ito kay Kenno? Totoo ba ang lahat ng ito?”

“Hindi ko pa macontact si Kenno hanggang ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ay sis, kung hindi mo man macontact si Kenno ngayon magresearch ka na lang tungkol sa babaeng iyon. Siya na lang ang kausapin mo. Gusto mo samahan na kita para may back up ka sakaling umaway na naman siya sa iyo?”

Elite Exclusive School (Just The Way You Are)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon