<Sheryl>
The day before the party. Nakareceived ako ng text galing kay Kenno. Nagpapatawag siya ng meeting. Kaya tinext ko lahat ng ARC Staff. Sunod-sunod din ang nakatanggap kong reply sa mga ito. Pagkatapos matanggap ang kani-kanilang reply ay nag text back ako sa kanya.
Nagliligpit na ako ng gamit ng lumapit sa akin si Jasmine.
“May lakad ka ba ngayon Sheryl? Samahan mo ako sa mall. Magshopping naman tayo.”
“Ah Jasmine hindi ako pwede eh. May gagawin kasi ako ngayon. Sa susunod na lang babawi ako sa iyo. Medyo busy kasi ang schedule ko. Pasensya na ha.”
“Ah ganoon ba. Sayang naman.” Panghihinaang na sabi niya.
“Itetext na lang kita pag may time ako. Okay?”
“Okay. Sige mauuna na ako. Bye.” Paaalam niya sakin sabay alis. Sumunod na rin ako sa kanya sa paglabas sa room.
Papunta na ako sa kabilang building kung saan naroroon ang office ng ARC ng bigla nakasalubong ko ang isang familiar na babae. Naalala ko ang mukha niya. Siya iyong nakaharap ko noong nakaraang araw. Noong araw na iniligtas ko ang aking kaibigan sa panghihiya niya.
Nag-iba ang kanyang expression nang namukhaan niya ako. Tumalim ang titig niya sa akin. Nakataas ang kilay. Habang papalapit siya ay matalim pa rin ang titig niya sa akin. Sinalubong ko din ang mga titig niya. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako natatakot at nakahanda ako kung anuman ang balak niyang gawin. Nang mapatapat na siya sa akin ay bigla na lang niya akong binangga. Naramdaman ko ang sakit ng pagbangga ng mga balikat naming dalawa. Lumampas lang siya sa akin na parang walang nangyari. Ang maldita babae nanghahamon yata nang away. Nilingon ko siya. Napalingon din siya. Naghihintay siya sa magiging reaction ko sa ginawa niya. Hindi ko na lang siya pinatulan. Palalampasin ko na lang ang ginawa niyang iyon sa akin.
Dumiretso na ako sa office namin. Nagsisimula na ang meeting namin.
“The venue is ready. One of my friend help me to book the venue. It’s settled already. Now, all we gonna do is we will set the decoration and the other things that we need to prepare.” sabi ni Kenno sa lahat ng staff na nakikinig sa kanya.
Hindi naman masyadong formal ang meeting namin. Nakatayo lang kaming lahat. Ang iba ay nagstay lang sa kani-kanilang desk. Announcement lang naman at mga reminders ang pagmemeeting ang magaganap. Pagkatapos niyang magsalita ay bumaling siya sa aking direction.
“Ah Ms. Sheryl, How was the invitation? Did you distribute it already?”
“Yes, Mr. Kenno.” Sagot ko sa kanya. Tumango lang siya pagkatapos.
“I need five people to help me for the decoration and the rest you will do this.” sabay abot sa mga files na nakafolder. Kinuha ito ni Beth at pinasa ang isa pang files kay Allanah. “Who wants to volunteer?”
“Wait!” singgit ni Joax. “I think, Sheryl, Jam, Allanah, I and you are enough to prepare the decoration in the venue.”
“Why do you say so?” tanong ni Kenno dito na may pagdududa.
“Beth can’t join us because she needs to do other things. She is very busy. I’ve heard that she still working to the new files for charity right. Plus, that” turo nito sa hawak na files na hawak ni Beth. “I think it’s better if she will stay here and do such thing.”
“How about the others?”
“Jack and Dave have an appointment today. They asked permission earlier that is why they are not here.”
“Yeah Joax is right. I think we are enough to do it.” sabat naman ni Allanah.”
“I agree with that.” Sabat naman ni Jam.
BINABASA MO ANG
Elite Exclusive School (Just The Way You Are)
Teen FictionSheryl Lagdameo, bagong studyante sa Elite Exclusive School,gusto niyang maging independent kaya umalis siya sa poder ng kanyang ina at Tito Ricky niya. Lumipat siya ng bagong skwelahan at sa paglipat niya dito ay nakilala niya ang campus crush na...